One

41 2 0
                                    

"Bye, Jehna."

"Bye.Una nako."

Pababa nako ng hagdan.Habang kasabay ko ang ilang pababa narin.

Kakatapos lang ng gig na pinuntahan ko sa third floor ng building na ito.
Sikat namàn silang banda dito sa Makati pero mas sikat ang banda ng boyfriend ko.

"Hi Jehna! Uwi kana?"

"Oo."

Hindi ko alam...pero halos lahat ng makasalubong ko pinapansin ako at kilala ako kahit hindi ko naman sila kilala.
Anong meron?

Feeling Close ba sila?

Isa pa itong kaba sa dibdib ko...simula kaninang umaga kinakabahan nako.
Parang may mangyayare na hindi ko inaasahan.

Ewan ko kung nakakatakot ba o nakakatuwa.

Gulong gulo na rin ako sa weirdong kilos ng boyfriend ko, ng parents ko at ng friends ko parang may tinatago sila saken na hindi ko malaman kung ano.

Ayaw ko naman tanungin kase natatakot ako sa isasagot nila.Minsan nga inaalam ko pero lalong kumakabog ng mabilis ang puso ko at ititigil ko kase baka hindi ko kayanin pag nalaman ko.

May ibang mahal na ba si Fred?

May kapatid bako sa labas?

May ayaw ba saken yung mga kaibigan ko?

"Uy!Jehna!"

Nawala ang mga katanungan sa isip ko ng hawakan ang balikat ko.

"Ah..George..ikaw pala.Kinabahan naman ako kala ko holdapper."

Nagsimula na ulit ako bumaba ng hagdan ng mahinto pala ako nung bigla akong napaisip.Ano ba yan.

"Grabe! Ang ganda ko namang holdapper ah?" Sumabay narin sya pabab at nasa first floor narin kami sa wakas.

Palabas nako ng pintuan sa first floor nang sinalubong kame ng isang musika na magsisimula palang kantahin.

"May banda?" Tanong ko kay Georgia habang hawak-hawak yung shoulder bag ko para kunin yung cellphone ko.

Tiningnan nya ko at kinuha yung bag ko.

"Bakit?"

"Pahiram." Sabi nya sabay ngiti at dinala ako papunta sa gitna ng daan.

"George!!Saan tayo pupunta." Sigaw ko.

"Trust me." At iniwan nya ko na nag iisa sa gitna mismo ng kalsada.

Papasaga nya ba ko?
Grabe sya!T___T Sana sya nalang gumawa nun saken.

Lalapit na sana ako sa kanya habang papalayo sya saken pero may biglang umilaw at yung ilaw natapat saken.

Spotlight?

O Ilaw ng kotse na papalapit na saken.

Habang silaw na silaw ako sa ilaw na nakatutok saken.

Nag-iba naman ang tinugtog ng banda na hindi ko talaga makita kung nasaan..familiar...Live Band pero asan? Tanging mga anino ng mga tao ang naaaninag ko na nakapalibot saken.

Oh, her eyes, her eyes make the stars look like they're not shining.•

Familiar na familiar yung boses nya.
Napangiti ako at nawala yung kaba ko ng may naaninag akong lalakeng papalapit saken habang kumakanta na walang mic.

An EXTRA Ordinary LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon