Four

45 2 0
                                    

"Pwede ba tantanan nyo kong lahat! Kung gusto nyo ng malinis,pagkain, at matutulugan kayo gumawa!Kainis!" Umaakyat sya ng padabog sa hagdan at sinarado yung pinto.

"Ang sungit nya talaga noh?piling ko mayroon sya."-Thirdy

"Kayo naman kase ang demanding nyo.Multo na tayo, hindi na tayo buhay kaya wag kayong piling buhay."sermon namàn samen ni Lolo Frodo.

Napatingin naman kami bigla kay John Lloyd na parang tinatry nyang pulutin yung mga kalat sa sahig.

"Anong ginagawa mo?"tanong ko kay John Lloyd.

"Nababaliw kana talaga John Lloyd alam mo yun?! Piling mo ba mapupulot mo yan? Hindi mo nga mahawakan oh.Patawa ka talaga kahit kelan noh?!"birada naman ni Wally na natatawa sa ginagawa ni John Lloyd.Piling nya buhay parin sya.Hayy kawawang John Lloyd.

"Itigil mo na nga yan.Nagmumukha kang krung.krung." pag aawat naman ni Kenneth.

Napatingin kaming lahat sa pinakabatang kasama namen na si Kenneth.

"Anong krung.krung?" Tanong naman ni John Lloyd na napatayo na at sumuko na sa pagsubok na pagpulot ng mga kalat ng Babaeng may ari ng bahay na 'to.

"Tss.Parang krung.krung lang hindi nyo alam.Mga matatanda na talaga kayo."pagmamayabang ni Wally nall bilib na bilib sa sarili nya na parang alam nya yung salitang krung.krung.

"Sige nga ano ibig sabihin nun."masungit na tanong ni Thirdy.

"Krung.krung...krung.krung...ano ba ang krung.krung Kenneth?"tanong ni Wally na inakbayan pa si Kenneth.
Napayuko nalang kami at napailing.
Malala narin ito hayyy..
Iniwan nalang namen sya sa kinatatayuan nya at naglibot sa buong bahay ni Vien.

Kung titingnan mo yung bahay ni Vien sobrang ganda talaga.At parang napakagaling ng gumawa ng bahay nya.

Sa sala...

Yung pinto ng bahay nya.
Gawa sa Glass..na mukha ng gray dahil sa alikabok.Ano ba yan? Hindi ba sya nagkakasakit, nasusuka, o naiirita sa dumi ng bahay nya.Kung hindi lang siguro ako namatay, at ganito kaganda at kalaki ang bahay ko.Laging malinis at may bisita ako.
Pero sya nakakaya nya itong kaduming bahay.
Balik tayo sa pag dedescribe ko sa bahay ni Vien.

Simula sa pinto kung titingin ka sa right side nandon yung couch nya.Table.magazine.At 5 tasa na pinag gamitin nya na hanggang ngayon hindi pa nahuhugasan ano ba yan!
May carpet din yung sala nya.
Pero sigurado ako na sobrang alikabok na nito.Ilang years naba syang hindi naglilinis?

Sunod sa kaliwa naman.Mayroon syang mahabang lalagyan ng litrato na puno ng mga litrato nya.Ang baduy talaga nitong pumorma.Hayy...puro lahat sya pabebe sa litrato nya.

Sa right side pala mapapansin mo yung napakalinis nyang computer sa tabi ng glass Gray wall nya.
Glass wall daw yung wall nya.
Glass yung window.
At glass yung door.
Pero mukha ng gray lahat dahil sa alikabok.

Pero sa salang ito.Ang makikita mo talaga na sobrang linis ay yung computer nya.Seryoso.Sobrang linis talaga.Yun lang yung malinis sa buong bahay.
Walang masyadong nakalagay sa sala.
Yung sahig nya white siguro ito naging gray lang dahil sa alikabok.
At mga nagkalat na mga hinubad na damit.
Mga nakalukot na papel.
Mga lapis na wala ng tasa.
Mga balat ng chi-chirya.
Mga dyaryo nung nakaraang buwan pa.
Mga ballpen na wala ng tinta.
Mga bakas ng natapon na kape,o juice o inumin na hindi mo maitsurahan.

Kung titingin ka sa ceiling.
Puro mga friend namen ang nandun.
Mga sapot ng gagamba.
At gagamba.
Hayy...ano ba yan sala palang yan ha?
May kusina.
Banyo.
3 kwarto pakong idedescribe.
May swimming pool sa likod na may garden.
May attic sa taas.
At may balcony.
Nalibot ko na lahat.kahit ang laki.

May 2 kitchen sya.
May bath tub sa kwarto nya.
May shower cubicle ang bawat banyo ng kwarto.
May gym sya sa roof top.
At may simple garden sa tabi nun.

Pero lahat ng yun ay sobrang dumi.
Hayy..

------
"Tingin nyo matutulungan talaga tayo ni Vien.Eh yung sarili nya nga hindi nya matulungan." Nagtatakang tanong ni Thirdy.

"May point ka dun Thirdy...pero kanino tayo hihingi ng tulong?"tanong naman ni Kenneth.

Nanahimik kaming lahat at napayuko.
Kahit kami wala ring ideya.

"Tulungan na muna naten sya na ayusin ang lahat sa kanya.Para sya naman ang tutulong saten."pambabasag ni John Lloyd ng aming katahimikan.

"Anong klaseng tulong ang magagawa naten?Eh multo na nga tayo."pambabara naman ni Thirdy.

"Tama si John Lloyd may magagawa tayo."sagot naman ni Lolo Frodo.

"Ano??"tanong nameng lahat.

**************
"Ano??!"
Sigaw naman ni Vien na kababa lang habang kami nakapuwesto sa bawat sulok ng sala nag iisip ng pwedeng gawin.
"Kelan?! Kelan ka uuwi?!"
Masayang masayang sabi ni Viennika.Habang na naka tayo sa harap ng pinto at nakabestida ng mahaba.Naka messy bun yung buhok at naka reading glasses na pink.

"Ngayon na! Surpise!"biglang bukas ng sliding door ni Viennika at nakita namen ang isang gwapong lalake na ang ganda ng porma.

"Bakla!!"biglang yakap ng lalake kay Vien.
Napakonot noo nameng lahat.Paminta?
"Bestie!!" Niyakap nya ring pabalik yung lalake.
"Wait?!"Napahinto sya sa at kumalas tapos napatingin sa gawi namen.Sa buong bahay.Nakikita nya kami?
"May kasama ka pala."mahinahon na sabi nya.
Nakikita nya nga kami.
Tamang tama sa kanya nalang kaya kami patulong.Napatayo kaming lahat at parang nag kaisa yung mga isip namen.
"Si Alikabok,kalat, at gagamba.MyGosh! Bestie! 1 year lang ako nawala 1 year ka ding hindi naglinis?Anong ginawa mo sa napakagandang bahay na pinaman ng parents mo."sermon nung Lalake kay Vien.
"Oo na.Makalat at madumi na.Eh alam mo namang hindi ako marunong sa gawaing bahay eh.Ikaw lang ang masipag maglinis ng bahay ko."naglakad na papasok si Vien sumunod naman sya pero hanggang isang hakbang lang ang nagawa nya at bumahing na bumahing.
"Hindi ko kayang pumasok sa bahay mo ngayon.Maghohotel na munAhhtsung! hmm..allergic talaga ako sa alikabok Bestie.WalaAattsung!
yung gamot ko.Sige bukas nalang Naten linisin bahay mo."tsaka sya tumakbo palabas at bahing sya ng bahing.

"Teka?! NATEN? kasama ako?!"pahabol na sigaw ni Vien.

"Oo!Tayong dalawa!tuturun kita bukAtsung!sige na.Gabi na matulog kanAtsung!"pinaandar nya agad yung sasakyan na pulang pula na ang pisngi at ilong.Kawawa naman ang gwapo pa naman.Heto kaseng babaeng 'to hindi pala marunong maglinis.R.K.talaga.Psh.

Tinignan kami isa.isa ni Vien at tinaasan ng isang kilay.

"Masaya na kayo?Malilinis na ang bahay ko? Ha?makakahinga na kayo ng maayos.Mga Demanding na Multo."umakyat na naman sya ng padabog.
"Hala?! Inaano ba naten yun?Bakit ang init ng ulo?"tanong naman ni Thirdy na sinundan ang pag akyat ni Vien.

Nagkibit Balikat lang kaming lahat.

"Ganyan talaga yung mga tulad nyang baduy at n.b.s.b.Galit na sa mukha nya kaya binubunton sa iba."sabat naman ni Wally na hininaan pa ang boses para hindi marinig ni Vien.

"Huwag kayong magsalita ng ganyan kay Viennika magpasalamat nalang tayo na pinatuloy nya tayo dito kahit labag sa loob nya.Atleast may pagkakataon na tayo na umpisahan ang dapat umpisahan."biglang sabat ni John Lloyd na nakaupo lang sa sulok.

"Tama sya.Simulan naten bukas.Mag situlog na kayo."pang sang ayon ni Lolo Frodo.
"Opo."sagot nameng lahat at paakyat sa taas pero napahinto.
"Teka?! Natutulog ba ang mga multo? Diba hindi?"-Wally.

Hayyy....
Hindi nga kami natulog.Naglibot kami sa buong bahay.

At kung ano-anong kalokohang ginawa.Maliban nalang kay Lolo Frodo at John Lloyd as usual K.J.

An EXTRA Ordinary LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon