Three

54 2 0
                                    

"Hahahahahahahaha nakakatawa ka talaga Wally kahit kelan."-Whitney

"Isa pa! Isa pa!" Request naman ni Thirdy na tuwang tuwa sa ginagawa ni Wally sa mukha nya.

"Tahimik!" Sigaw ko na nakapagpatahimik sa kanila.

"Heto naman ang sungit! Kanina ang bait bait mo.Ngayon ang sungit mo.Mayroon ka ba?" Sabat ni Kenneth
Haist! Nakakainis! Oo. Mabait ako kanina sa kanila syempre nakakita na naman ako ng multo na tutulungan ko.At tingin ko natulungan ko na sila kanina.Tapos etong matandang ito humingi pa ng pabor na tumira sa bahay ko.

"Ayaw ko." Tipid at sigurado kong sagot kay Lolo Frodo.

"Pero Vien..wala kaming mapapala sa lugar na ito.Walang dumadaan na kotse.Walang bahay.Wala kaming malalaman sa kamatayan namen."sabat bigla ni Thirdy.

Aba? Kasalanan ko ba yon? Please.Tama na! Tantanan nyo nako.Sawang-sawa nako na sinasabihang akong weird.Mangkukulam.Nababaliw.
At iniiwasan ng mga tao dahil sa buwisit na third eye ko.At tapang ko na kausapin ko ang mga multo.
Nakakainis! Hindi ko alam bakit ako tumigil sa lugar na ito at kausapin ang anim na multo na ito.Arrgghhh!!!!!

"Ano? Payag kana!Yes!!" Sigaw naman ni Wally na ikinatuwa nilang anim
Sabay sakay sa kotse ko.

"Teka!wala pa kong sinasabi...hindi pako pumapayag!!"sigaw at pagpipigil ko sa kanila pero lumusot lang yung katawan nila sa katawan ko.
Hayy! Multo nga pala sila hindi ko sila mapipigilan.

At heto ang ingay-ingay nila sa vintage na kotse ko.
"Pwede manahimik kayo hindi ako makapag concentrate sa pag dadrive."
Reklamo ko.

"Tama na.Manahimik nalang kayo kase eh.Nakikisakay na nga lang kayo ang ingay nyo pa." Panenermon naman ni Lolo Frodo.

Napatingin ako sa mirror sa taas sa loob ng kotse ko at yung isa sa kanila ang tahimik lang si John Lloyd.
Hanggang ngayon paba hindi nyavparin tanggap na patay na sya?
Hayy..kawawa naman sya.

"Uy! Babangga tayo!" Sigaw ni Wally.
Napatingin agad ako sa daan at napailag sa kotseng muntik ko ng mabangga at sabay apak sa preno at huminto ng ligtas.Buti naman.

"Ano ba Vien..bakit hindi mo tinitingnan yung dinadaanan mo!"sermon ni Thirdy saken na halatang kinabahan.

"Oo nga! Muntik na kaming mamatay! Teka! Patay na tayo!" Sabi naman ni Wally na napahawak sa dibdib nya.

An EXTRA Ordinary LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon