Two

42 2 0
                                    

May humahabol saken kanina pa.
Takbo parin ako ng takbo.
Pero parang wala akong patutunguhan.
Nasan ba ako?
Ano bang lugar ito?

Nang makita ko yung liwanag pinuntahan ko yun.

At nagising ako sa masama at mahabang panaginip na yun.

Iminulat ko ang mga mata ko.
At napatingin sa 5 mukhang nakabalandra sa harapan ng mukha ko.

"Gising na sya."

"Buti naman."

"Bakit sya natutulog? Hindi naman natutulog yung mga kamukha naten eh."

"Baka feel nya lang matulog."

"Pwede ba wag kayong maingay."

Napatingin ako sa mukha nila.

"Ahhhh!!!! Multo!!!"
Napatakbo ako patalikod at nagulat sa mga nakikita ko.
5 multo.
Isang multo na kalbo at may hati sa gitna ng bunbunan nya na parang nakatahi.
May isa naman na walang isang mata at malalaglag na ang isang mata.
Yung isa may kutsilyong nakasaksak sa likod nya at mga sugatang braso' t mukha.
Yung isa white lady pero duguan yung damit na suot.
Ang isa matanda na nakakatakot yung mata.
Ano bayan? Kelan pako nag karoon ng third eye?

Lumalapit lang sila saken.
Pero palayo ako ng palayo sa kanila hanggang sa nasa kalsada nako.
Anong lugar ito?
Hindi ko alam ito.
Hindi sya tinitirhan ng tao.
Walang bahay.
Isang mahabang kalsada lang at mga magagandang puno't damo.
Sa hinigaan ko kanina may putol na puno na nabangga ng kung ano.
At sa kalsada naman may dalawa track ng gulong isang malalaking gulong at isang pang kotse siguro.
Kung titignang mabuti parang iniwasan nila ang isa't isa.

"Multo daw tayo." Sabi ng kalbong multo.
"Patawa ka noh Iho?" Sabi ng lalakeng isang mata.

"Hindi lang kami ang multo.Pati kaya ikaw." Sabi ng white lady.

"A-a-ano? Ako multo?? Paano? Ehh..buhay pako, buhay na buhay."

Nagtawanan silang lima na parang may sinabi akong nakakatawa.
Seryoso ako. Buhay ako at hindi ko alam paano ako napadpad sa lugar na ito.

"Anong nakakatawa?" Tanong ko sa kanila.
"Grabe sya oh! Komidyante ka pala."sabi ng binatang lalakeng may kutsilyong nakasaksak sa likuran nya.

"Baka naman akala nya buhay pa sya.Uwow! Patay kana uy!"sabi ng kalbong multo.
"Ano ba ? Wag nyo syang biglain."sabi ng matandang lalake.

Naguluhan ako sa pinag-uusapan nila tungkol saken.
Hanggang ngayon hindi ko maintindihan.

Ako? Patay?
Patay?
Ako?
Patay nako?
Ako ay patay?
What??!!
Wait?!
How?
When?
Where?!!!

"Paki-ulit yung mga sinabi nyo.Ano yung sinabi nyo hindi ko naintindihan."

"Alin dun? Ang dami na nameng nasabi.Hindi na namen memorize."sabi ng white lady.

"Hindi mo naintindihan? Bakit alien ba ang lenggwahe namen? O ikaw ang alien?"sabi naman ng lalakeng isa lang ang mata.

"Patay kana.Hindi namen alam kung paano at kelan ka namatay.Basta nakita ka lang namen dito sa lugar kung saan namen nakita ang isa't isa."paliwanag ng matandang lalake na nagpahinto sa pag atras ko.

"Nag bibiro lang kayo diba?
Buhay talaga ako.Naka costume lang kayo diba? Kase halloween na?ha.ha.ha" pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Nagtinginan lang sila ng seryoso.

"Hindi nya pa tanggap mga friendster."sabi ng white lady

"Iwan na muna naten sya.Para makapag isip-isip."sabi ng matanda.

An EXTRA Ordinary LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon