Nasa rooftop kami ni Nick ngayon. May ibabalik daw kasi siya. Di ko nga alam kong ano eh "Oh" sabe niya sabay bato ng notebook sakin. Diary ko pala "Bakit na sayo to?!" Gulat kong tanong "Eh kung di ko ba naman iniwan sa bahay" sabe niya "Teka, binabasa mo ba to?!" Tanong ko
"Hindi ah" sabe naman niya. Niyakap ko ang diary tsaka umalis pero di ko inaasahan ang nagyari "Ah!" Sigaw ko. Natalisod kasi ako at.. at "Ah!!" Sigaw ko ulit. Nakapatong na kasi ako kay Nick. Tumayo ako agad at inayos ang sarili ko. Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Di pala nakatali yung sintas ko. Itatali ko na sana pero naunahan naman ako ni Nick "Don't be clumsy" sabe niya habang tinatali yung sintas ko "Teka ako na" sabe ko "Ang baduy mo naman.
Yellow shoes tapos red lace?" Tumayo siya at nginitian ako. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Ngayon ko lang din siya nakitang gwapo "Sa susunod mag iingat ka na" sabe niya tapos umalis. Hala? Kinilig ako.
Nick
Another week has passed, naging close na kami ni Eunice. Siguro nga kailangan niya talaga ng kaibigan. Masyado ata akong napaaga ngayon kaya tumambay muna ako sa rooftop.
Hinihintay ko siya. Sabay daw kasi kaming papasok. Actually siya ang first girl 'friend' ko. She's someone naman kasi na you can trust. Mabait siyang tao at madaling kaibiganin.
Bulag lang siguro ang iba dahil di nila nakikita yun sa kanya. And I find her cute kahit baduy siya.
"Nick!" Tawag niya. Lumapit siya sakin habang nakangiti "Wala na akong salamin! Okay ba?" Sabe niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Naninibago ako kasi akala ko ganun parin itsura niya at salamin lang ang nawala. Nakalugay din ang buhok niya ngayon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Oy!" Tinapik niya ako kaya natauhan ako bigla "Ganun parin naman" sabe ko. Yumuko naman siya "Halika ka nga" hinila ko siya pero bigla siyang bumitaw "Masakit" sabe niya.
Nakita kong may bandage ang kaliwang kamay niya. Isang tao ang pumasok agad sa isip ko na pwedeng gumawa nito sa kanya "Diba sabe ko wag ka ng maging clumsy?" Sabe ko sa kanya "Hindi na talaga promise" nginitian niya ako.
Tumalikod ako at tinawag ulit siya. Ewan pero parang may gusto akong suntukin.
After class, sinundan ko si Sara sa likod ng school. Dun ko siya nakitang naninigarilyo. Kinuha ko ito tsaka tinapon "Ano ba!" Sigaw niya sakin "Tigilan mo na si Eunice" sabe ko sa kanya.
"Bakit? Boyfriend ka ba niya ha? Eh kung ayaw ko?" sabe niga with a smirk "I'm warning you baka umabot to sa principal at ma kick out ka sa school na to" mukha namang naiinis na siya pero bago siya nakapagsalita inunahan ko na siya "Di mo ako kilala Sara. Kaya tigilan mo na siya baka kung ano pang magawa ko sayo" sabe ko bago umalis.
Eunice
Ginabi na naman ako ng uwi. May cleaning duty kasi ako. Iniwan pa ako ng mga kasama ko kaya ayun ako lang mag isa. Wala na naman akong pamasahe kaya eto naglalakad na naman.
Habang naglalakad ako, feeling ko may nakasunod sakin. Lumingon ako sa likod. Meron nga. Dali dali akong tumakbo pero may humila sakin at agad akong sinuntok sa mukha.
Napahiyaw naman ako sa sakit. Mga lalake sila. Medyo nahilo naman ako dun kaya di ko na nakayanan pang tumayo "Sige, bugbugin na natin" sabe nung isa. Kwinelyuhan naman ako tapos sinuntok ako sa tiyan "Tama na" sabe ko pero mahina lang dahil di na ako makapagsalita ng maayos.
Sinapak naman ako nung isa sa mukha tapos tinadyakan ako sa legs "Aray!" Sigaw ko. Iyak na ako ng iyak. Wala na akong lakas "Tulong" sabe ko pero imposibleng may makarinig pa sakin.
Kwinelyuhan ako ulit nung lalake pero nagulat nalang ako ng biglang may sumuntok sa kanya. Napahiga ako sa daan. Sinubukan kong titigan kung sino ang lumigtas sakin pero di ko na kaya.