Eunice"Grabe naman tong si maam. 1pm talaga ang deadline? Ni wala man lang akong time makapag lunch. Submit agad? Ang hirap kaya mag knit! Ang sakit na ng batok ko" eto ako ngayon nagrereklamo. Nandito ako sa rooftop, ako lang mag isa.
Kailangan na daw kasi matapos ang knit namin within 1 hour. Kahit kelan terror talaga tong si maam. Nako pag naubos pasensya ko isusumbong ko na siya sa principal.
Di na to makatarungan "Asan na yung red?" Andito lang yung red yarn ah? Tumayo ako para hanapin yun "Teka pano to napunta sa may pinto? Di kaya minumulto ako? Omg!" Sabe ko sabay kuha nung yarn pero isang string lang nakuha ko kasi gumulong ito pababa "Hays grabe" reklamo ko na naman.
Patuloy lang sa pagbaba yung yarn hanggang sa nakaabot na ako sa baba "Ay grabe talaga siya" sabe ko pero bago ko makuha, may iba ng nakapulot "Akin na" sabe ko sa lalake.
Tinignan niya ako from head to toe "Catch" sabe niya sabay bato nung yarn sakin. Buti nalang nasalo ko. Ang yabang naman nun. Kala mo naman kung sinong gwapo.
After kung matapos ang knit project ko, dali dali na akong pumunta sa faculty room para ma submit ito kay maam "Maam, ito na po yung knit" inabot ko yung knit sa kanya "Teka, bukas pa ang deadline nito ah" napanganga naman ako sa sinabe niya "Po?" pinandilatan ko siya ng mata.
"Bukas ng 1pm ang sabe ko kanina. Akala mo ngayon?" Tumawa naman si maam "Well, sige bibigyan nalang kita ng 10 points kasi ikaw ang pinaka unang nag submit nito. Good job Eunice" sabe ni maam sabay thumbs up.
Paglabas ko ng faculty, napa sigh nalang ako. Di ako nakapag lunch ng dahil sa knit na yun. Tinignan ko ang relo ko "Hays! Late nako!" Tumakbo naman ako agad papuntang classroom.
Pagbukas ko ng pinto, agad na tumambad sakin ang teacher ko "Oh Miss Dela Cruz, you're late" sabe niya sakin. Nanghingi nalang ako ng sorry tapos dumeretso na ako sa upuan ko pero "Excuse me? Upuan ko yan" sabe ko sa isang familiar na lalake na nakaupo sa seat ko.
Di naman niya ako pinansin "Sir, bakit may nakaupo sa seat ko?" Tanong ko kay sir "Uhm Mr. Yap, sabe ko sa tabi ng bintana. Miss Dela Cruz has that seat" sabe ni sir kanya "Sorry sir, but I'm too lazy to get up. She can have my seat" sabe naman nung Yap.
"Upuan ko nga yan eh!" Sigaw ko sa kanya pero binigyan niya lang ako ng poker face "Pwede ba Eunice? Umupo ka nalang dun sa vacant. Sir, start your class na po. Istorbo naman" sabe ni Sara, na bully ko. No choice kaya umupo nalang ako dun sa dapat na upuan nung mukhang unggoy na yun. Kainis.
Sa kalagitnaan ng klase, di ko inaasahang tutunog ang tiyan ko. Hinawakan ko ito "Kainis gutom nako" bulong ko. Paglingon ko, nakita kong nakatingin na sakin si Yap. Yap tawag ko, di ko alam pangalan eh! Tinignan ko naman siya ng masama.
Nag focus nalang ulit ako sa board pero nagulat nalang ako ng may biglang bumato ng cereal bar sa table ko 'Strawberry Flavored' pa talaga. Tumingin ako sa paligid pero wala namang nakatingin sakin. Sino kaya ang bumato nito? Napansin ko namang may nakadikit na note sa bar.
'I'll return your seat later. This is a peace offering. Ang ingay kasi ng tiyan mo. Di ako makapag concentrate. By the way, I'm Nick'
Nick? Tinignan ko si Yap. Naka focus lang siya sa board. Natawa nalang ako ng mahina. Maingay talaga? Grabe siya oh pero napangiti naman niya ako sa bigay niya.
After class, tumayo si Nick at pumunta sakin "Lumipat ka na dun" sabe niya pero ang cold nang boses. Tumayo naman ako at lumipat na sa seat ko. Nilingon ko siya ulit at nakita kong nabasa niya na yung note na iniwan ko.
Nick
Paglipat ko, may napansin akong note sa table.
'Thanks sa bar :) I'm Eunice by the way . Don't worry next time di na ako magpapagutom para makapag concentrate ka na'
Lumingon ako sa kanya and I saw her smiling. Tss. Thick glasses, yellow shoes with red shoe lace, and messy bun hair?
She's not even pretty or attractive for me. I crampled the note at tinapon yun sa window. I don't care if she saw it.