Red String 4

93 6 0
                                    

Nick

Dinala ko agad sa ospital si Eunice. Punong puno siya ng bugbog. Di talaga nakinig si Sara. Mas lalo pa niyang pinahamak ang sarili niya.

Bukas na bukas e rereport ko na to sa principal. Dapat nga ipakulong pa siya eh. "Ililipat nalang namin siya ng room para mas madali na siyang obserbahan.

May mga ilang bali kasi sa iba't ibang bahagi ng katawan niya kaya magtatagal muna siya dito" sabe ng doctor sakin. Pumunta ako agad sa kwarto niya.

Ni hindi ko man lang siya matitigan ng matagal dahil sa sinapiy niya "Eunice!" Napalingon ako sa babaeng kakapasok lang ng kwarto. Auntie niya siguro "Jusko! Pamangkin ko!" Halos mangiyak ngiyak niyang sabe habang nakatingin kay Eunice "Ano ba kasing nangyari?" Tanong niya sakin.

Sinabe ko na sa auntie niya ang lahat. Gulat na gulat siya at hindi siya makapaniwala. Umuwi muna siya para kuhanan ng gamit si Eunice.

Eto ako ngayon, binabantayan siya. Hinawakan ko ang kamay niya. Di ko na napigilan at umiyak narin ako "Sorry kung hindi kita na protektahan. Hayaan mo, simula ngayon wala ng pwedeng manakit sayo" hinalikan ko siya sa ulo. Tama, wala ng pwedeng manakit sa kanya. Wala ng pwedeng manakit sa babaeng gusto ko.

"Mama, papa" naptingin ako kay Eunice ng bigla siyang nagsalita "Ayoko na po" sabe niya habang umiiyak pero tulog parin siya "Ayoko na" sabe niya ulit "Shh" pinunasan ko ang mga luha niya.

Dumilat naman siya at tinignan ako "Ayoko na" sabe niya kasabay ang paghagulgol. Niyakap ko siya ng mahigpit "Shh nandito pa ako. Poprotektahan kita.

Wala ng pwedeng manakit sayo hangga't nandito ako" pagpapakalma ko sa kanya "Ang sakit sakit na" mas lalo pang napahigpit ang yakap ko sa kanya "Alam ko pero wag kang sumuko. Malalagpasan mo rin ito"

Eunice

Halos isang buwan din ako sa ospital dahil sa nangyari sakin. Nabalitaan ko nalang din na nakulong si Sara dahil siya ang nagpabugbog sakin. Na kick out narin siya sa school.

Medyo napanatag narin ang loob ko. Nagpasama ako kay Nick sa kulungan. Kahit medyo masakit parin ang katawan ko, pinilit kong makapunta para mabigay ko kay Sara ang nararapat sa kanya. "Buhay ka pa pala?" Bati niya sakin.

Lumapit naman ako sa kanya at sinalubong siya ng sampal "Yan para lahat ng pangbubully mo sakin" sinampal ko siya ulit "Yan para sa lahat ng luhang iniyak ko dahil sa mga ginawa mo sakin" at isang pinakamalutong na sampal pa "At yan para matauhan ka na" sabe ko tsaka umalis.

Hinawakan ni Nick ang kamay ko "Wag kang mag alala, wala ng manggugulo sayo" nginitian ko naman siya.

Red String [✔️] OSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon