"Pinapatawag ka ni Sister..." sabi ng isang kasamahan kong anghel din
"Bakit daw??" tanong ko sa kanya
"Hindi ko alam eh, basta ang sabi ni Sister, tawagin daw kita kasi may sasabihin siya..." sagot naman nya
"Ah sige, salamat, paki-sabi tatapusin ko lang itong pag-aayos." sabi ko at ipinagpatuloy ang ginagawa ko
Umalis na siya sa harap ko at ng matapos ko ang ginagawa ko ay pumunta na ako sa kwarto ni Sister....
Si sister ang may pinakamataas na ranggo sa mga anghel... Siya ang nagpapadala ng mga anghel sa lupa upang tumulong sa mga tao at baguhin ang kanilang mga masasamang ugali... Si sister din ang taga-disiplina sa mga anghel dito sa itaas...
Papalapit palang ako sa pinto ng kwarto ni Sister ng makaramdam ako ng sobrang kaba....
Parang alam ko na ang mangyayari... Ipapadala ako ni Sister sa lupa.... At Bibigyan ng mission...
At ang mission na iyon, ay sa ngayon ay hindi ko pa alam....
Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ni Sister at tuluyang pumasok....
Nadatnan ko siyang may mga binabasang papel...
Yun yung mga papel na naglalaman ng mga taong kailangan naming tulongan o sila yung mga may mabibigat na sala....
Lumapit ako sa kanya at bumati, "Hello po Sister, pinatawag nyo daw po ako???"
"Ah oo." sabi nya sabay baba ng mga papel na hawak nya, "siguro naman ay alam mo na kung bakit kita pinatawag???"
"Ah, opo Sister.... Ipapababa nyo ako sa lupa para sa isang mission..." sagot ko
"Ngayon, ang mission mo ay ayusin ang lahat sa lugar na ito," sabi nya at iniharap sa akin ang isang salamin, at sa salamin na iyon ay may lumabas na isang imahe, imahe ng isang lugar na marumi, puno ng nakawan at holdapan, at maraming pagpatay ang nagaganap... "Kailangan mo itong gawin sa loob ng 100 days... Kung hindi mo ito magagawa sa loob ng 100 days, hindi mo makukuha at maibabalik ang papak mo..."
"Sister, imposible pong sa 100 days na iyan ay matatapos ko agad iyan..." pagrereklamo ko
Seriously??? 100 days para sa isang pamayanan na puno ng krimen???
Napaka-imposible naman niyon!!!
"Walang imposible sa isang anghel na katulad mo.... Kailangan mo lang talunin siya... Siya ang may gawa ng lahat ng mga krimen diyan sa lugar... Siya ang naghahari-harian..."
"Sinong siya???" tanong ko
"Malalaman mo din iyan pag nanduduon ka na.." sabi ni Sister
Sasagot pa lamang ako ng biglang naging puti lahat ng paningin ko at nahulog sa lupa....
Pagkamulat ng mga mata ko, nandito na ako sa lugar na tinutukoy ni Sister...
Wala na ang malalaki at mapuputi kong pakpak, at yung ring ko sa ulo.. Naging simpleng puting damit na lang yung damit ko pero sobrang ikli, above the knee kasi... Di kaya manyakin nila ako nito??? Si Sister naman kasi mamimigay na nga lang ng damit ang ikli pa... (A/N: Sorry hindi ko kasi alam yung name nung ring sa ulo ng mga angels eh... xD)
Kinuha na nga talaga ni Sister yung pakpak ko... T____T ... Kailangan kong maibalik iyon!!!
Nagmumukha na akong totoong tao sa lagay ko... Ayus!!
Sino kaya yung kailangan kong talunin???
Ang hirap naman nun!!! Maghahanap pa ako... :/
Madami pa namang masasamang tao dito eh... Ang hirap... Kailangan ko mag-ingat at baka tao pa ang masaktan ko imbes na yung may kagagawan ng lahat ng ito...
Haist... Saan kaya ako matutulog ngayon??? Wala naman akong pera para mag-check in sa hotel... Haist...
Makahanap na nga lang muna ng matitirihan...
Naglakad-lakad ako at may nakita akong isang lalaki.... Mukhang mabait... Tanungin ko nga...
Pagkalapit ko doon sa lalaki ay may kakaiba na agad akong naramdaman....
Wierd...
"Ah, Kuya... May alam ka po bang pwedeng matulugan??" tanong ko sa kanya ng makalapit sa kanya
Tinignan nya muna ako mula ulo hanggang paa tsaka nagsmirk...
Eh??? Baka manyak ito... Hanla??? Sayang naman pagkagwapo nito... Tsk..
"May alam ako..." tipid na sagot nya
"Kuya saan??? Pwede mo bang sabihin sa akin??"
Hindi nya ako sinagot bagkos ay tumalikod siya sa akin at nagsimulang maglakad...
"Haist!! Bastos nito!! Sasabihing may alam siyang pwedeng tulugan tapos kung tatanongin mo kung saan di ka sasagotin??? Pasalamat ka tao ka!!" bulong ko sabay habol sa kanya at kinulit kung saan ba iyon pero tuloy pa rin siya sa paglalakad
Pero seriously tao ba siyang talaga???
Pagkaraan ng ilang oras ay huminto kami sa tapat ng isang abandonadong bahay, madilim, wala kang makikita ni kahit ano sa loob... Mukhang nakakatakot sa loob...
Don't tell me??? Re-rapin ako ni Mr. Cute??? Waaaaaaaaaaaaaah~
Anghel ako!! Ayokong madungisan ang pagkatao ko... T^T
Pumasok siya pero ako pinagmamasdan ko lang siyang pumasok sa loob...
Sinenyasan nya ako at marahan akong naglakad papunta sa kanya... Nanatili ako sa likod nya...
Sa likod ng abandonadong bahay na iyon ay may maliit na bahay sa likodan nito....
Woh... Akala ko sa abandonadong bahay ako matutulog...
Nagpunta kami doon sa maliit na bahay at nangpagkabukas nya ay tumambad sa amin ang isang lalaki na naka-itim... Nakaramdam ako biglang pagbigat ng damdamin ko... Mas wierd pa ang nararamdaman ko sa kanya kesa sa naramdaman ko kay Mr. Cute...
Makikita sa kanya ang mga nakakatakot na mga titig nya... Malalalim ang mga mata at makikita ang takot, paghihinagpis, galit at puot doon...
Agad na lumaki yung lalaki at hinawakan ako sa wrist..
"Anong ginagawa mo dito???" tanong nya at sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko, sobrang init nung mga palad nyang nakadampi sa wrist ko, para bang nagbubuga iyon ng mga apoy sa sobrang init... Napaka-sakit...
"Chillax ka lang L, Mukha namang magagamit natin siya..." sabi ni Mister Cute..
Hindi nagsalita yung tinawag ni Mr. Cute na L at binitawan ako...
Tinignan ko yung wrist ko at bumalkat sa kamay ko ang kamay nya at namumula ito...
Siguro siya na nga iyon.....
![](https://img.wattpad.com/cover/6667987-288-k578824.jpg)
BINABASA MO ANG
Forbidden Desires (Angel-x-Devil's Story) [On hiatus]
FantasyTrulyLovingWriter_26 presents FORBIDDEN DESIRES (Angel-x-Devil's Story)... Suzy Bae is an ANGEL who was sent from above to do a mission, then suddenly she met her rivalry, Myungsoo Kim who was a Devil and fell for him... Quote: "There's Nothing Imp...