Kinaumagahan, nagising akong may labing dalawang lalaki ang nakapalibot sa akin sa kama…
Nakatingin lang ang mga ito sa akin….
May mga nanlilisik ang mga mata nila at mapupula na parang lobo…
Kinikilabutan ako sa nakikita ko ngayon…
Alam kong hindi pangkaraniwang tao ang mga ito…
Unti-unting lumapit sa akin ang ang pinakamaliit sa kanila…
Ng biglang magsalita ang pinakamatangkad na may kulot na buhok sa kanila.
“Suho hyung, anong binabalak mo?” nakakatakot na tinig ang lumabas sa mga bunganga nito
“Wala…” maikling sagot nung tinawag nyang Suho na papalapit sa akin..
Isang ngiting hindi ko maipaliwanag ang gumuhit sa mga labi nito…
Napapaatras na lang ako sa kama habang papalapit siya sa akin…
Ang labing isa na natitira ay nasa likuran nya lang at nanunuod…
“Wag kang matakot… Hindi kita sasaktan…” sabi niya at lumapit pa…
Umatras lang ako ng Umatras hanggang sa wala na akong maatrasan….
Nakalapit na siyang mabuti sa akin….
Nasa harap ko….
Papalapit ang kanyang mukha sa akin ….
Nakakatindig balahibo ang nararamdaman ko…
Ilang inches na lang ang lapit ng mukha nya sa akin….
Nakita kong napatingin siya sa bandang leeg ko…
Don’t tell me bampira ito???
Bago pa siya tuluyang makalapit sa akin…
Sinampal ko ito ng pagkalakas lakas at umalis sa pwesto ko…
Tatakbo na sana ako palabas ng bigla akong hilahin ng ilan pang mga lalaki na naroroon…
Hinawakan nila ako ng sobrang higpit sa magkabilang kamay ko…
Iniharap nila ako kung nasaan yung sinampal ko…
Nagsusumamo ito sa galit….
Napangawa na lang ako ng marinig ko siyang mag growl at bumungad ang kanyang matutulis na ngipin….
Lumapit ito sa akin at akmang hahampasin ako…
Kaya naman at napapikit ako at napasigaw ng pagkalakas lakas…
“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!”
Hinihintay ko ang pagdapo ng kanyang kamay sa akin ngunit walang dumapi sa akin at may narinig akong sumigaw…
“ANONG GINAGAWA NYO???”
Bigla na lang akong napasalpak sa pag-upo sa sahig dahil sa biglaang pagbitaw sa akin ng mga lalaking naghawak sa akin kanina…
Nakarinig din ako ng mga yabag ng paa na nag-uunahan paalis at unti-unting nawala ang mga ito…
Napamulat ako’t napatingin sa paligid..
Wala na yung labing dalawang lalaki kanina… ang tanging nakikita ko na lang ay si Mr. cute na nakatayo sa may pinto…
Isang smirk lang ito at tsaka lumabas na…
Kinabahan ako duon ah…
Sino ba yung labing dalawang kalalakihan na iyon???
Haist! Nakakawindang naman itong misyon ko…
Tumayo na ako sa pagkakaupo at hinimas ang nasaktang pwetan ko…
Anlakas naman ng pagkakabagsak ko… Haist…
Lumabas na ako ng kwarto ko at nagtungo ng kusina…
Wala akong nakikitang bakas ng tao sa buong bahay…
Asan na kaya yung dalawang yun???
Haist! Makahanap na nga ng pagkain nila dito…
Naghanap ako sa buong kusina nila ng makakain pero wala akong nakita maski isa…
Ano ba yan? Saan naman kaya ako makakakuha ng pagkain nito??
Nagugutom na ako.. L
Buti pa sa itaas unlimited ang pagkain… at hindi ka madaling makaramdam ng gutom…
Eh dito sa Mundong ibabaw? Halos oras oras ata gugutumin ako eh…
Napagpasyahan ko na lang na lumabas ng bahay na iyon at naglakad palabas…
Nang mapadaan ako sa abandunadong building na nasa harapan ng bahay nila ay may narinig ako…
“Anong plano natin sa babaeng kasama natin sa bahay ngayon Lucifer?” sabi ng isang pamilyar na boses
“Kailangan natin siyang bantayan ng maiigi.. May mga alam siya na hindi natin alam.. At alam kong kampon siya ng kabutihan na siyang sisira sa ating mga plano. Kaya ikaw kayo, bantayan ninyong maigi ang babaeng iyon! Mag-iingat kayo sa mga kilos nyo.. Hindi natin alam ang kaya nyang gawin.” Sabi pa ng isang pamilyar na boses
Hala? Sino kaya yung mga iyon???
Sisilip sana ako sa building na iyon ng makarinig ako ng mga yabag na papalapit sa gawi ko kaya naman ay agad akong nagtago.
“Kailangan nating matukoy kung ano ba ang pakay ng babaeng iyon dito sa ating lugar.” Boses #1 (Suho)
“Kailangan natin siyang unahan sa mga bagay-bagay ng kanyang plano..” boses #2 (Kai)
“Hindi ko talaga minsan maintindihan si Boss. Ang sabi nya alam naman nyang kampon ng kabutihan yung babaeng iyon, bakit hindi na lang kaya nya patayin diba?” boses #3 (Kris)
“Oo nga! Tama si Kris hyung. Ano ba yung balak ni boss sa babaeng yun?” boses #4 (Tao)
“Nagugutom na ako..” boses #5 (Xiumin)
“Mamaya ka na kumain baozi. Kakakain lang natin ng agahan. Ipagluluto na lang kita ng masarap na pagkain mamaya.” Boses #6 (Kyungsoo)
“Luhan hyuuuung~ Halika dito!!” boses #7 (Sehun =_=)
“Andyan na ako Sehun-ssi!!!” boses #8 (Luhan)
“Chanyeol!! Bagalan mo naman yang paglalakad mo. Nakakapagod maghabol! Nasisira na eyeliner ko sayo eh.” Boses #9 (Baekhyun)
“Baekhyun-ssi!!! Dalian mo kasi!! Baka mahuli tayo nila Suho hyung.” Boses #10 (Chanyeol)
“BOOM!!! HAHAHAHAHAHHA” boses #11 (Chen)
“Ano ba naman yan Chen!! Sinabi ko ng wag na wag mong gagalawin ang leeg ko eh!!!” boses #12 (Lay)
Teka… Sila ba yung labing dalawang lalaki kanina…
Nagpeek ako ng konti mula sa kinatataguan ko at tama nga ako! Yung labing dalawang lalaki kanina sa kwarto ko..
Habang nakatingin ako sa kanila ay may biglang kumaluskos malapit sa akin.
Kaya napatingin sila sa parte ko at agad naman akong nagtago ulit.
“May tao..” boses #4
“Baka ligaw na aso lang yun.” Boses #11
“Teka titignan ko.” Boses #6
Nakarinig na naman ako ng mga yabag papalapit sa akin..
I’m busted!!!
Nanginginig na ako baka mahuli nila ako’t patayin, Kapag nangyari iyon, hindi ko na magagawa ang misyon ko…
Napapikit ako sa sobrang nerbyos at nanalangin sa Diyos na ako’y iligtas sa anumang kapahamakan.
Mataintim akong nagdarasal ng may biglang humila sa akin at tinakpan ang bunganga ko.
Hindi ko alam kung saan ako dinala at kung sino ang nadala sa akin dahil nawalan ako ng malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/6667987-288-k578824.jpg)
BINABASA MO ANG
Forbidden Desires (Angel-x-Devil's Story) [On hiatus]
FantasyTrulyLovingWriter_26 presents FORBIDDEN DESIRES (Angel-x-Devil's Story)... Suzy Bae is an ANGEL who was sent from above to do a mission, then suddenly she met her rivalry, Myungsoo Kim who was a Devil and fell for him... Quote: "There's Nothing Imp...