Chapter Three – Wanted Fiancée
Tumigil kami sa isang Korean Restaurant na sa tingin ko ay may mangyayaring pormal meeting. Pumasok kami sa loob at pumunta sa reserved private room.
“Mom, anong gagawin natin dito?” naiinip na kasi ako kaya nagtanong na ako.
Nagkatinginan sila Mommy at Dad tapos hinawakan ni Mommy ang kamay ko.
“Baby, may sasabihin kami sayo ha?...makinig kang mabuti.” =_= bata lang? Tsk.
“Ako nalang magsasabi Hon..” tiningnan ako ni Dad “Kevin, sumunod ka sakin..”
Sinundan ko si Dad at nandito kami ngayon sa rooftop ng building na hindi ko akalain na isa palang napakalawak na garden. Parang paraiso.
“Kevin, your Mom and I’ve decision that you should step up for the next level.” Next level? Here we go again. =_ _=
“But Dad?.” reklamo ko
“No buts Kevin. Sabihin na nating bata ka pa nga pero you have the skill, brain and money para bumuhay ng pamilya. Hindi naman sa pini-pressure ka namin pero it’s time naman na siguro for the step up..”
Ayon na nga bang sinasabi ko. Lagi nalang yang ‘next level’ at ‘step up’ na yan ang ipinipilit nila sa akin. Ang magkaroon na kaagad ng pamilya. Tsk.
Kung sila nalang kaya maghanap ng perfect girl, yung as in perfect matuwa pa ako.
“Kevin, listen. Half-Korean, half-filipino ang uma-apply ngayon as your fiancée. Nakita na namin ng Mom mo last week ang babaeng yon and I’m sure you’ll gonna like her. She’s pretty, smart, talented and she also belongs from elite family..”
Uma-apply? Ano ako? Company? Laging naghahanap ng wanted like that, wanted like this? Pero yon nga lang ‘wanted fiancée’ ang hanap? Tsk.
“Dad, I have no time para sa mga ganyan so please..”
“No Kevin. Wag ka nang magreklamo.” napakamot ako sa ulo “Let’s go back baka nandun na sila.”
Bumaba na ulit kami at tamang-tama nandun na nga ang mga hinihintay namin.
Tumayo yong parents nung babae tapos nag-bow sila.
“Anionghesayo.” sabi nung babae na mukhang napilitan lang ata tapos nag-bow sya
Umupo kami at agad naman umorder ng pagkain ang parents ko. Habang hinihintay ang pagkain ay nagkwentuhan muna kami.
“Ahh Kevin, anak, sila nga pala sila Mr. and Mrs. Ho.” Nagkipag-shake hands ako tapos nag-bow ulit. Traditional eh. Korean daw kasi ang kaharap namin.
“Your son, a jjinja guy and I think he and my daughter is the perfect match.” sabi ni Mrs. Ho
“Yeah that’s true my dear and I think they will like each other.” -Mom
Like agad? Hindi ko pa nga alam name eh. Tsk.
“Kevin, iho, magpakilala ka naman sa kanya.” –Dad
Tumayo ako tapos nakipag-shake hands sa koreana.
“I’m Mark Kevin Santos.” shortly kung pakilala tapos nagpakilala rin yong girl
Tumayo din sya “I’m Mitzuki Ho.”
“Nice to meet you.” sabay naming sabi
Dumating na yong pagkain tapos ang mga parents namin tuloy-tuloy lang ang kwentuhan. Tahimik lang kaming dalawa kasi OP kami sa mga topic nila. Topic pang matanda. Haha XD
Nang matapos na kaming kumain, uuwi na sana ako para kunin ang gamit ko at didiretso na sa office pero pinigilan ako nila Mommy dahil kailangang ihatid ko daw si Mitzuki.
Dahil alam ko namang kahit anong pilit at reklamo ko ay hindi ako mananalo...sinunod ko na lang ang sinabi nila.
Ginamit ko ang sasakyan ko na ipinakuha pa talaga ng parents ko sa bahay para lang ihatid ko tong koreana na toh.
“Let’s go..” coldly kong yaya sa kanya.
Nag-nod lang sya tapos pinagbuksan ko sya ng sasakyan.
Tahimik lang kaming pareho habang nagda-drive ako ng biglang binasag ko ang katahimikan.
“Bakit ka pumayag?” tanong ko sa kanya
Tumingin sya sakin, alam ko yun dahil nararamdaman ko kahit nakatingin ako sa daan.
“They are my parents so I need to obey them...I don’t have any choice.” malungkot nyang sabi
Itinigil ko muna ang sasakyan sa isang lumang park na may playground. Niyaya ko sya dun at pumayag naman sya.
Umupo sya sa swing at tulala sya tapos tinulak ko yun ng dahan-dahan.
“I know how it hurts.” sabi ko sa kanya tapos unti-unting tumulo ang mga luha nya
Iniabot ko sa kanya ang panyo ko “B-but they don’t k-know.” sabi nya habang umiiyak
Halatang-halata naman na may ibang lalaki syang mahal kaya ngayon nasasaktan sya’t nahihirapan. Kung sya ang magiging fiancée ko, our life will be not full of happiness instead pain.
She’s not the perfect one kaya...
“I can help you...promise”
Napatigil sya sa pag-iyak at napatitig sakin.
She smiled tapos niyakap nya ko bigla “K-komawhuyo..”
BINABASA MO ANG
Inlove ako sa.....POKPOK?! (wag naman)
RomanceAlam ko na sa inyong mga mata ay talagang kakaiba pero anong magagawa nila? Puso ko na ang magdedesisyon kung ano ba talaga. Kahit na anong reaksyon ay didiretso sa basura. Wala na akong pakialam. Basta.... inlove ako sa Pokpok.