Chapter Five – Stalking Her
Christina’s POV
It’s almost 10pm at nandito pa rin ako sa bar. Nakakainis talaga sa mga ganitong lugar. Hindi ako sanay!
Mabuti nalang kamo’t walang naghahanap sakin na costumer. Syempre wais toh noh! Nagpanggap akong waitress eh. Whahaha!
“Chris! May naghahanap sayo girl! Dali!” –Angel, workmate, bff
Kasasabi ko lang na wala tapos ngayon meron na. >.<
“Sino ba yun at kung makahila ka wagas?” tanong ko sa kanya
“Hindi ko kilala girl eh pero swerte mo ha. Gwapo!”
Gwapo? Yan ang ayaw ko eh. Mga gwapo pero manloloko.
Pinigilan ko sya sa panghihila “Ikaw nalang angel.”
“Wag mong sabihing ayaw mo?!” I nodded “Sira ka talaga Christina. Mukhang mayayaman yon noh, gwapo pa and take note hindi lang isa kundi DALAWA.!”
=_ _ _=
“Ayaw mo talaga?” I nodded again “Sayang. Pangdagdag din sana sa tustusin sa kapatid mo.”
“Umalis ka na. Sayo nalang..” nag-spark ang mata ng bruha
“Walang bawian ha?” nag-okay sign ako “Sige! Thanks girl!”
Lumabas na si Angel para puntahan yong mga naghahanap daw sakin. Sumilip ako saglit para tingnan kung medyo mapagkakatiwalaan nga ba ang mga mukha ng mga unggoy na yun.
Wag na kayong magtaka kung chini-check ko. Bestfriend ko yang si Angel eh. Hindi naman tamang lagi ko syang hayaan sa mga costumer nya kahit masasamang tao pala ang mga ito.
Malay mo kidnaper, holdaper, at mamamatay tao diba?
And still babae pa rin naman ang bestfriend ko kahit bayarang babae lang kami.
Oo, tama ang pagkakabasa nyo. Kami ay mga bayarang babae or in other term hostess, prostitute, sa tagalog pokpok.
Alam ko na masamang trabaho toh pero wala na akong magagawa pa dahil napasok na eh. Mahirap ng lumabas pa lalo’t tambak ang problema ko.
Kailangan ko ng pera para sa pang-araw araw na tustusin namin, para sa mga utang na matagal ng hindi pa nababayaran at lalong-lalo na para sa kapatid ko na may sakit...malubhang sakit.
Tinawag nanaman ako ni Angel. “Oy girl, ikaw talaga ang gusto eh..” napakamot ako sa ulo ko “At tsaka kilala mo daw sila eh.”
Kilala? Hindi ko naman kilala ang mga yon.
BINABASA MO ANG
Inlove ako sa.....POKPOK?! (wag naman)
RomantizmAlam ko na sa inyong mga mata ay talagang kakaiba pero anong magagawa nila? Puso ko na ang magdedesisyon kung ano ba talaga. Kahit na anong reaksyon ay didiretso sa basura. Wala na akong pakialam. Basta.... inlove ako sa Pokpok.