Chapter Two – A Dare
Nakalimutan ko palang magpakilala. Sila Jake at Josh lang tuloy kilala nyo pero anyways, I’m Mark Kevin Santos. A business man who owns beach resort in Boracay and I also owns a five star hotel in Paris. 21 years old palang ako. Ang bata ko noh? Pogi pa. Haha XD
Gwapo ako pero always busy kaya naman walang time para maghanap ng girlfriend and besides wala pa akong balak na pumasok sa mga ganyang relationship pero dahil sa isang dare... >_<
Mukhang magkaka-aids ata ako. Haha di joke lang.
Hindi naman ako bakla at hinding-hindi talaga pero ang mga pota kong kaibigan hindi maniwala kaya ngayon kailangan kong patunayan na nauwi sa isang dare.
[ Flashback ]
“Okay ganito nalang pareng kev’z..” dumampot ng boteng walang laman si Jake “Let’s play a game..”
“Yak pare bading ka na rin? Game game ka dyan. Pangboy plus girl lang yun eh.” sabi ni Josh
“Ulul! Sira ka talaga.. Truth or dare ang gagawin natin hindi game sa bed. Sira..” sabi ni Jake
“Ganun ba? Haha sige game na.” –Josh
Kung maka-acting naman tong dalawa kala mo kagaling galing eh obvious naman pinagplanuhan nila toh laban sakin. Tsk.
“Bawat isa sa atin may gagawin nang dare..” –Jake
“Eh para san pa yang bote na yan kung meron na pala? Hindi mo pa sabihin may pa-bote bote ka pang nalalaman..” –Josh
“Makinig ka nalang kasi.. kulit pa eh..” –Jake
“Oo na! Sabihin mo na kasi agad..”-Josh
Oh diba? Halatang scripted ang mga pinagsasabi. Kunwari walang alam ang isa at trip lang talaga pero ang totoo magkasabwat sila.
Pero bahala na. Sasakyan ko nalang sila kung ito ang paraan para patunayan na hindi ako BAKLA!!
“Kung sino ang unang matatapatan ng bote, sya ang gagawa ng dare #1...” ini-explain ni Jake ang lahat at nagsimula na kami.
[ End of Flashback ]
Sa kamalasmalasan nga naman, ako ang unang natapatan kaya akin ang dare #1 na hindi ko akalaing sobrang hirap pala.
Obvious na dinaya nga ako ng dalawa eh pero bahala na kakayanin ko naman.
Gusto nyong malaman ang dare na napunta sa akin? Ito lang naman.
Dare #1
You need to make CHRISTINA SAMSON fall in love to you whether you like it or not. It’s a dare so don’t try to escape in this game or you’ll lose.
Yan lang naman ang dare na napunta sa akin. Madali noh? Well not for a conservative guy like me! Kung kilala nyo lang ang babaeng kailangan kong paibigin. Tsk. Baka manghina pa kayo.
“Kuya Kengot’z!!” tsk. Kaaga-aga ang annoying sister ko nambubulabog nanaman > _<
“Andyan na!” sigaw ko pero hindi pa rin ako bumaba.
“Kengot’z!!” tawag nanaman nya
Mga babae talaga laging malakas ang volume. Parang microphone. >_<
Nagulat ako ng biglang pumasok sya sa kwarto ko.
“Ano ba?! Bakit pumasok ka dito? Di ka man lang kumatok..”
Binato nya ako ng towel. “Tumigil ka nga dyan kuya! Wala kang paki kung gusto kong pumasok dito..”
“Kwarto ko toh noh!! Kaya dapat magpaalam ka muna..”
“Eh sa ayaw ko eh.. Bakit ba? Gusto mo isumbong kita kay Mommy?”
“Tsk. Tama na nga. Bumaba ka na dun maghihilamos lang ako..”
“Bleh.. Takot ka lang kay Mommy eh..” nag-belat sya sakin at tsaka lumabas ng kwarto
Ang we-weird talaga ng mga babae. Mga isip bata tapos mamaya iba nanaman ang mood at attitude. Tsk.
Agad akong tumakbo papuntang C.R. para maghilamos at bumaba para kumain ng breakfast.
“Morning..” binatukan ako ng sister ko. “Ano ba?! Kanina ka pa ah!.”
“Eh sa bagal mo kasi kumilos. Bilisan mo nga!.”
See.? Kung umasta kala mo sya mas matanda eh kanina ang asta isip-bata. Tsk.
“Wag ka ngang mainggay..kaaga-aga eh.”
“Sus. Ang sabihin mo, kasama mo nanaman ang mga unggoy mong kabarkada kagabi at gumawa ng milagro..” ibinato nya sakin ang hawak nyang sandwich pero nasalo ko.
Tapos ngayon kala mo naman girlfriend na nagseselos? Tsk. Mga babae talaga.
Kaya nga ayokong magka-girlfriend eh.. Ang wi-weird ng mga babae tulad na lang ng kapatid kong toh. Gusto sya lagi ang nasusunod at kung makapangaral kala mo sya ang matanda, eh high school palang ang nene.
Hindi ko rin sya maintindihan kasi hindi naman ako bad boy tulad ng barkada ko pero ang turing nya sakin kala mo isa akong cassanova. Baliw talaga ang kapatid ko...baliw ang mga babae.
“Hoy kimpot, hindi porket nag-inuman kami kagabi eh bad boy na ko.. Reunion lang yon hindi bisyo naiintindihan mo?” tiningnan nya ako ng masama
Lumapit ako sa kanya at ginulo ang buhok nya.
“Oo na.. Bakla ka talaga kuya!” pagkasabi nya nun ay dali-dali syang tumakbo palayo
Pati ba naman sya inuulit na rin akong bakla? Nakakapikon na ha! Nasan na ba yang Cristina Samson na yan at maiy*t ngayon din.?! XD
“Tombots ka naman!!” sigaw ko sa kanya
Pagkatapos kong kumain ay naligo na rin ako’t nagbihis. Nagulat na lamang ako pagkalabas ng makitang nandun ang aking parents.
“Hey baby kev.!” I hugged my Mom “Pinahatid na pala namin sa driver si Baby Kimmy..”
“Why mom? Hindi na po dapat kayo nag-abala..”
“No baby. May pupuntahan kasi tayo kaya ipinahatid na namin sya so let’s go.” hinila ako ni Mommy
Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae. Ito pang isa eh. Ang aking Mommy. Ang lambing noh? Eh ang tanda ko na para sa mga ganyan.
Dati sabi nya matanda na daw ako kaya dapat ako na ang nag-aasikaso ng aking sarili tapos ngayong matanda na ako tsaka naman ako ginawang baby. Tsk.
“Honey~. Tigilan mo nga ang pangbe-baby dyan sa anak natin. Ang tanda na nyan eh.. Ako nalang i-baby mo.” sabi ni Dad tapos napatawa ako
Mom rolled her eyes “Tumigil ka nga dyan. Ang pangit mo hindi bagay..” she sarcastically said
Lumapit samin si Dad “Iki-kiss kita pag hindi mo ko ibe-baby..” banta nya kay Mommy
“Heh! Tumigil ka nga dyan Khian! Tara na baka ma-late pa tayo..” pagkasabi nun ni Mommy ay sumakay na kami sa sasakyan nila habang nagtatawanan
Haha. Ang we-weird nila noh? Sa ganitong pamilya ako lumaki kaya hindi ako natulad sa mga kabarkada ko na mahilig sa babae.
Open kaming lahat sa isa’t isa kaya naging matino ako dahil maaga nilang naipamulat sa akin na dapat maging mabuting tao.
BINABASA MO ANG
Inlove ako sa.....POKPOK?! (wag naman)
RomantizmAlam ko na sa inyong mga mata ay talagang kakaiba pero anong magagawa nila? Puso ko na ang magdedesisyon kung ano ba talaga. Kahit na anong reaksyon ay didiretso sa basura. Wala na akong pakialam. Basta.... inlove ako sa Pokpok.