I
Ako si Syndra, 2nd Year High School, palaging mapag-isa, pero may kaibigan din pero minsan lang kami mag-kita dahil busy din sila, pero isang araw habang naglalakad ako sa Hallway ay may dalawang lalakeng nagtatakbuhan sa Hallway, tapos hinahabol sila ni Teacher Riven..
Pero, ang ikinabibigla ko ay tumalon sila sa bintana sa tabi ng Hallway, 2nd Floor ang itinalon nila, sino kaya hindi mabibigla, si Teacher Riven, sigurado idederetso sila sa Detention Room..
"Wah, ang gwapo at astigin ni Zed!" sigaw ng mga babae
"Cool naman si Shen" sabi ng isang babae
Ahh, sila pala yung dalawang lalakeng mag-rival sa isang bagay, pero wala akong pake sa kanila..
Habang kumakain ako sa may likuran ng building ng School ay may humawi sa buhok ko, pagtingin ko sa likod ko ay si.. Zed!!
"Eh, palagi kitang nakikita dito ah, loner ka ba?" tanong nya sa akin
"Bakit, may crush ka ba sa akin?" tanong ko sa kanya
Ano ka ba Syndra, wag kang feeler, imposibleng magkagusto sa'yo ang lalakeng iyon..
"Hahahaha, ang mga babae talaga" sabi nya
Sabi ko na. Tumayo na ako sa pwesto ko at umalis na, alam kong mangtitrip lang yan tulad sa mga babae na ginagawa nya dito sa Classroom..
Pagkatapos ng klase ay lumabas na ako ng eskwelahan ay dumiretso ako sa Riverbank para magpahangin, habang nagpapahangin ako ay may nakita akong Shooting Star..
Wala pang gabi, meron nang Shooting Star?
Tumingin naman ako sa gilid gilid, alam ko kasing hindi totoo na kapag nag Wish ka sa Shooting Star ay matutupad, imposible iyon..
"Sana may makasayaw ako sa Bonfire Dance pagkatapos ng Cultural Festival" mahinang sabi ko
Pagkatapos kong humiling ay nabigla ako na nakatingin si Zed sa akin, ewan ko kung maiinis ako o matutuwa, agad na akong umalis noon baka kasi nakita nya yung ginawa ko..
II
Kinaumagahan..
Pagpasok ko sa Classroom ay as usual ganon pa din, walang kakausap sa akin, pwera sa Grouping at Activity..
"Ok Classmates, mag-isip kayo kung anong gagawin nating Booth!" sabi ni Akali ang Class President ng Classroom
"Maid Café!"
"Horror House!"
"Photo Booth!"
Tapos nagbotohan kung anong pinaka-mataas na vote ay iyon ang gagawin namin na Booth, nagtaas ako sa Horror House, kasi noong Last Year ang ginawa ng Class namin ay Contest Booth para sa mga Couple..
Tapos at ang napili ay Horror House..
"Ok, sino ang mag rerepresentative para sa Booth?" tanong ni Akali sa amin
"Si Syndra, pwedeng maging White Lady" sabi ng kaklase ko na lalake at pinagtawanan nila ako
Tinignan ko sya ng masama at naglabas ako ng nakakatakot na Aura at nanahimik sya, pero try ko din maging White Lady, bagay din sa akin total naman mukha naman talaga akong multo..
Pagkatapos ng Meeting sa Booth ay hinila ako ng mga kaklase ko dahil kasama din sila sa representative para manakot..
Nagpunta kami sa Costume Shop, namili kami ng i-cocostume namin, tapos may nakita akong babagay sa akin, yung maskara at yung damit na pang-white lady, sinubukan kong isuot iyon, pagpunta ko sa Fitting Room ay isinuot ko na iyon..
BINABASA MO ANG
One Shot Love Stories: League of Legends Fanfiction
Teen FictionOne Chapter, One Love Stories