I
Ako si Akali, 2nd Year Student at Class President ng Classroom namin, kilala ako sa strikto na Class Pres, pero hindi nila ang pangalawa kong ugali, kundi masaktan dahil sa isang lalake na nagugustuhan ko, walang iba si Shen..
Simula noong High School nagustuhan ko sya dahil Cool sya at sikat sya sa Campus dahil sa pagtalon nila araw araw nila Zed sa bintana sa Hallway..
Ngayong 2nd Year ay aaminin ko na sa kanya ang nararamdaman ko sa kanya..
Pero, kailangan kong maging handa..
Noong dumating ang araw ng meeting ay sinabi ng Class President na si Caitlyn na magkakaroon ng Cultural Festival ay lalong lumakas ang loob ko na aminin kay Shen ang nararamdaman ko sa kanya..
Matagal ko na syang kinakausap at nilalapitan, pero kinakabahan ako sa pag-amin ko sa kanya ng nararamdaman..
Pagkatapos ng meeting ay lumabas na ako ng Student Council Room para sabihin sa mga kaklase ko na may Cultural Festival..
Habang naglalakad ako ay nabigla ako na tumalon sina Shen at Zed sa bintana sa tabi ng Hallway, tapos si Teacher Riven galit na galit sa kanila, napapatawa na lang ako sa kanila..
"Ang dalawang iyon, mga isip bata pa rin hanggang ngayon, tapos Second Floor pa ang tinalunan nila" sabi ni Teacher Riven
"Haha, Teacher Riven hindi ka na nasanay sa kanila, isang taon na nila ginagawa yan" sabi ko
"Haist.. Akali kasabwat ka lang" sabi ni Teacher Riven
"H-hindi po" sabi ko
"Sa susunod kapag ginawa nila iyan sigurado nasa Detention Room na sila" sabi ni Teacher Riven at tinignan ng masama yung mga babae
Nakalimutan ko palang sikat pala si Shen, lalo na sa babae, pero wala syang sinasabi na may Girlfriend na sya o may nagugustuhan, sana wala nga..
Pagdating ko sa Classroom ay sinabi ko sa kanila ang Cultural Festival kaya pinagdesisyunan ko sila kung ano ang gagawin na Booth sa amin..
"Maid Café!"
"Horror Booth!"
"Photo Booth"
Sinulat ko sa Blackboard ang tatlong Booth, tapos nagsiboto na sila sa gusto nilang Booth, onti lang sa Maid Café at Photo Booth, alam ko dahilan ng mga babaeng ito, pero si Syndra ayos lang sa kanya kahit anong Booth na gusto nya..
Pagkatapos ng usapan namin sa Booth sa Cultural Festival ay umuwi na sila at ako nahuli pa dahil sa daming gagawin kasama ang iba kong kaklase..
Habang nilalabas namin ang mga lamesa at upuan sa Classroom para sa gagawin na Booth ay napansin ko na nakatayo si Shen sa tabi ng pintuan ng Classroom namin..
"Akali, sabay na tayo umuwi" sabi ni Shen sa akin
"S-sige" sabi ko
Pinauwi na ako ng mga kaklase ko dahil sila na ang bahala sa pag-ayos ng Classroom, habang palabas kami ng School ni Shen ay nag-iisip na ako ng mga sasabihin ko sa kanya, kasi kanina pa kami hindi nag-sasalita eh..
Hindi ko napansin na sa paglalakad namin ay hindi ko napansin na malapit na kami sa uwian naming dalawa..
Kailangan ko na masabi sa kanya ang nararamdaman ko sa kanya..
"S-Shen" tawag ko sa kanya
"Bakit?" tanong nya sa akin
"W-wag kang magagalit sa akin o kaya mabigla" sabi ko sa kanya
BINABASA MO ANG
One Shot Love Stories: League of Legends Fanfiction
Teen FictionOne Chapter, One Love Stories