6 10 Tips for having a love life

186 3 0
                                    

10 Tips for having a love life

Chapter 6

Di ako makatulog kinagabihan, di ako makapaniwala n kasama ko siya buong maghapon, ang daming nangyari.

"can you go out with me tomorrow?"

"can you go out with me tomorrow?"

"can you go out with me tomorrow?"

paulit ulit kong naiisip ang sinabi niya kanina bago siya umalis ng bahay. Hinatid niya kasi ako pagkatapos namin namasyal sa mall at kumain. Di din ako makapaniwala n pumayag ako.

"anu ba nangyayari sa kanya? Bakit kaya siya biglang naging ganun,

"yan ang tanong ko, n di ko masagot sagot.Dati naman di siya ganun sa akin, ni minsan di niya ako kinakausap. Lagi nalang ako ang kumakausap sa kanya.

"bakit ngayon biglang nagbago ang ikot ng mundo". Sa aking pag iisip di ko namalayan nakatulog n pala ako.

Kinabukasan maaga akong nagising, sunday kasi at ngayon ang araw n may date kami..teka date nga ba to?... Basta lalabas kami, di ko lng alam kung date ang tawag..haha..

Naligo n ako, at nagbihis, usapan kasi namin ay 7am, 6:30 n tapos n ako. Hinihintay ko siya, sabi niya kasi susunduin niya ako. Syempre ayaw ko naman n maghintay siya. First time kasi niya ako susunduin eh. Dumating n ng 7am, wala pa rin siya. Kinakabahan n ako, bakit wala p siya. Nagback out n kaya siya?..ayan n naman ako, nagtanong n naman. 7:30am sa wakas nakarinig n ako ng busina.

"mommy...daddy... Alis n po ako!!".

"sige anak, ingat kayo ha...and goodluck!"wika ng aking ina.

Samantala ang daddy ko naman tango lng ang sinagot. Di kasi pala salita ang daddy ko, tahimik lng yan. Pero sa kanya ako nagoopen ng aking nararamdaman, humalik ako sa daddy ko, di ako makahalik sa mommy ko kasi nasa banyo siya.

Saka ako lumabas sinalubong ako ni philip, pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanya kotse,

"salamat"nakangiti kong wika.

Nagsmile lang siya. Ang gwapo niya talaga pag nakangiti siya. Nang nasa sasakyan n kami nagsalita siya.

"magsimba muna tayo saka tayo mamasyal. Tumango lang ako.

Pagdating namin sa simbahan agad kaming umupo, pareho kaming nakikinig sa pari.

"peace be with you"wika ko.

"peace be with you"sabay halik sa pisngi ko. Saglit akong Natulala sa ginawa niya, hawak hawak ko ang aking pisngi n hinalikan niya.

"christine!"bulong niya sa akin. Bigla naman akong natauhan sa pagbulong niya ng pangalan ko. Ngumiti n lang ako sa kanya.

Nang natapos ang misa, nagyaya siyang kumain, di daw kasi siya nag almusal. Syempre sinamahan ko. Sa isang fastfood kami pumasok.

"upo k n dyan, ako nalang ang oorder ng kakainin natin."wika niya.

Tumango nlang ako, feeling ko kasi paos ako. Pumila n siya Ni hindi niya pa pala tinanong kung ano ang gusto kong kainin. Lalapitan ko sana siya ng biglang may lumapit sa kaniya.

Isang maganda,matangkad at maputing babae. Humalik siya sa pisngi ng babae. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib, kahit alam kong batian nila un

tumingin sila sa akin. Mukhang nagtanong ito kung sino ang kasama niya.

Nagsmile lng ako. Sa kanila nang muli silang tumingin sa akin.

Di ko kasi marinig ang pinaguusapan nila, ang ingay kasi. Ng bumalik n si philip kasama ung babae sa aming mesa, ngumiti lng ako sa kanila.

"hai i'm joan, philip friend"pakilala ng babae.

"i'm christine jane, philip friend too"wika ko rin, nilahad ng babae ang kamay niya, agad ko rin tinanggap.

"nice meeting you christine...sige phil..babalik n ako sa table namin...nice meeting you again christine.."nakangiting wika nito. "humalik na naman si joan sa pisngi kay philip bago siya umalis.

Ngumiti naman si philip sa akin ng tuluyan ng nakaalis si joan.

"kain n tayo,.."wika niya.

"eto pala ung inorder ko para sa iyo, dba favorite mo to?"

"paano mo nalaman?..."

"nung high school tayo, eto lagi ang baon mo, halos araw araw mong binabaon ang fried chicken, di ka nagsasawa" nakangiting wika niya. Ngumiti ako, alam niya pala to, di ko lubos akalain n alam niya ang favorite food ko Nakakatuwa naman.

Pagkatapos namin kumain, nagyaya n siyang mamasyal kami, naglakad lakad muna kami sa may sea side, dahil sarado pa ang mga pasyalan at mall. Pinaguusapan namin ang tungkol sa high school life namin, pati college Habang naglalakad.

10 Tips for having a Love life (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon