10 Tips for having a love life
Chapter 26
Christine jane POV
Lunchbreak,
kasama ko sana si philip maglunch, pero meron kasing brokenhearted dito, iyak ng iyak kaya sinamahan ko nalang.
"anu ba best di ako nagugutom, ikaw nalang kumain"wika ni pherly
hila hila ko kasi eh, ayaw daw kumain.
"paano ako kakain kung hindi ka naman kakain.sige na best, Huwag mo munang isipin yong lintik na lalakeng yun, ako ang isipin mo kanina pa ako gutom eh!!"with matching puppy eye's.
"huhuhu...kasi naman eh...naaalala ko siya tuwing lunchbreak, siya kasi madalas kasama ko eh, huhu"
"best naman ako muna isipin mo, huwag mo ng isipin yung bryan na yun, sige na magorder kana"
"huhuhu..."
"haisssst...mas lalo pang umiyak, itigil mo nga yan ang daming tao na nakakakita sa atin, baka sabihin pinaiyak kita."
"huhu"
"oh siya, magorder na ako ng pagkain natin, huwag kang aalis diyan ahh"wika ko. gutom na gutom na kasi ako, wala akong magandang advice na maibibigay sa bestfriend ko. At isa pa anung alam ko sa brokenhearted, hindi pa nga ako nagkakaBF eh, ay teka nagkaBF na pala ako ng 3hrs haha, i remember philip that day in hotel.
Teka asan na kaya un sabi niya susunod.
Oh ayan kain na tayo, huwag mong subukan hindi kainin yan, kung ayaw mong kurutin kita sa singit."pagalit kong wika..haha nangungurot ako eh, wala akong pilipiling parte ng katawan. Si nathan yun yong kauna unahang lalakeng nakurot ko sa singit..bwahahaha..huwag niyo ng alamin kung anung dahilan bakit ko siya kinurot.
"best..."
"hmmm"
"best:..."
"hmmm"
"best..."
"anu ba pherly...best ka ng best, anu ang sasabihin mo!!?"
"ehhh...wala talaga akong ganang kumain eh"
"hindi pwede kainin mo yan!!..huwag mo ngang pabayaan ang sarili mo dahil lang sa naloko ka, tsssst dapat nga alagaan mo yan sarili mo.. Magpaganda ka. Para kung sakaling magkita kayo ulit, magsisisi siya na iniwan ka niya noh.!! Kaya kumain ka diyan..at ako'y nagugutom na!!"sermon ko sa kanya..
Ganito ako, nagagalit kapag naiistorbo sa pagkain, at gutom pa ako..hahaha.
Tumahimik siya at sinimulan galawin ang pagkain niya. Siguro napag isip isip niya ung sinabi ko.
"hey girl's!!!"
"oh bakit ngaun ka lang, malapit na kaming matapos kumain oh"
"eh, may kinausap lang ako sa telepono"
"ang tagal naman ang paguusap na yan,..sige na kain kana"
umupo naman siya sa tabi ko.
"teka, philip ,tine... Kayo na?"
Halos maibuga ko ang laman ng bunganga ko sa tanong niya. Paano naman kasi, kaina malungkot, ngayon bigla nalang umaliwalas ang mukha niya. Halatang excited sa balita. hindi nagpapahuli.
"ah hindi pa"sagot ni philip.
"so...nanliligaw ka kay best?"
tumango naman siya.
"ahemmmm best... May naalala ako, may pupuntahan pala ako,sige ahh alis na muna ako"
"hoyyy... Wag mong takasan ang pagkain mo, kainin mo yan, mamaya kana umalis pagkakain mo"alam ko naman ang gusto niyang gawin, pero hindi pa siya kumakain eh.
Lumapit siya sa tainga ko.
"eh best, nanliligaw pala siya , ayaw ko ng makaistorbo noh, kaya payagan mo na akong umalis ha!"bulong niya sa akin.
"hindi pwede!!"malakas ko wika.
"best!!"
"kumain kana, huwag kang magpalusot diyan"
"opo nay kakain na po!"
"good, ikaw din kumain kana, huwag mo ng pansinin tong bruha na to,"wika ko din kay philip. Di pa kasi siya nagsimulang kumain. Palipat lipat ng tingin sa amin kanina.
Kumain naman na siya, pati ako inubos ko na rin ang pagkain ko.
BINABASA MO ANG
10 Tips for having a Love life (COMPLETED)
RomanceThe story of a woman who wants to have a love life to hi's ultimate crush . So she followed the tips that his/her unknown guardian angel gave to her.