32 10 Tips for having a love life

73 4 0
                                    

10 Tips for having a love life

Chapter 32

christine jane POV

"nathan huwag mo akong iwan!"pilit kong siyang niyuyugyog, nawalan na kasi siya ng malay pagkabigay ng dalawag sulat sa akin.

Hindi ko akalain na siya pala ang nagbibigay ng tips sa akin.

"ANU PANG TINATANGA TANGA NIYO DIYAN! BUHATIN NIYO NA SIYA AT DALHIN SA OSPITAL!!"utos ni philip sa mga kasamahan niya.

Agad naman tumalima ang mga ito.

Tumayo na din ako at nilampasan si philip, ayaw ko na siyang makita pa, ang dating pagmamahal napalitan na agad ng galit, hindi ko lubos akalain kaya niya pala akong patayin, wala siyang kwentang tao!

Hindi siya karapat dapat sa pag mamahal ko.

"isakay niyo siya sa kotse niya, ako na ang magdridrive!!"utos ko sa mga tauhan ni philip.

"pero ma'am utos po ni sir, kami daw po ang magdadala sa kanya"

"wala akong paki alam kung anung utos niya!! Sundin niyo ang utos ko, kung ayaw niyong ipakulong ko kayo!! Tandaan niyo alam ko na ang mga pagmumukha niyo!!"

galit kong wika.

sumunod naman sila...

pagkasakay ko ay agad ko ng pinaandar ang sasakyan.

Nakita kong humabol si philip sa amin,kitang kita ko na pinagsusuntok niya ang mga tauhan niya.

Pagdating sa ospital agad akong tumawag ng nurse,

"parang awa niyo na iligtas niyo po siya doc!!"

"sige miss, kami na po ang bahala diyan ka na muna, bawal kang pumasok sa ER"

tumango naman ako. Umupo ako sa may upuan malapit sa pintuan ng ER

nag umpisa na naman akong ma iyak, dahil sa ginawa ni nathan para sa akin, sinalo niya ang bala na dapat para sa akin. 

Ang tanga ko, bakit hindi nalang siya ang manahal ko noong una pa.

Kinuha ko ang sulat na binigay niya sa akin.

"To: christine jane, tips # 9 avoid wearing too much makeup. It annoys men. Makeup is not even necessary!"

binuklat ko din ang isa.

"To: miss christine jane

tips# 10, dress decently!

Ps. If have a date with him, apply all the tips that i've given to you princess oh you know me now.. Yahh it's me nathan, i'll do my best to make you smile. I don't want to see you suffer, stay happy princess i'm always here in your side, i love you!!!"

napaiyak ako ng mabasa ang mensahe niya sa akin.

Ganun niya ako kamahal. Nakahanda siyang ibuwis ang kaligayahan niya mapasaya lang ako.

"kumusta na siya?"tumingala ako

"IKAW!! KAPAG MAY MASAMANG MANGYARI KAY NATHAN, TANDAAN MO HINDING HINDI KITA MAPAPATAWAD!!"sigaw ko sa kanya.

"sorry!!"nag umpisa na itong umiyak.

"UMALIS KANA, HUWAG KANG HUMINGI NG SORRY SA AKIN, DAHIL HINDI KITA PATATAWARIN!! PAGKATAPOS MO AKONG IPADUKOT!! HINDI KO NA HAHAYAAN NA MAGING TANGA AKO! TAMA NA YUNG ISANG BESES!!"

"tine magpapaliwanag ako!!!"

"WALA KA NG DAPAT IPALIWANAG PA!! KITANG KITA NG DALAWANG MATA KO ANG GINAWA MO, HINDI MO NA AKO MALOLOKO PA,

ALAM MO KUNG ANO ANG PANLABAS NA ANYO MO GANUN NAMAN KASAMA ANG UGALI MO!! ANG GALING MONG MAGPANGGAP NA MABAIT KA, YUN PALA DEMONYO KA!!"

"tine!!"

"UMALIS KA NA!! BAKA MAGBAGO PA ANG ISIP KO IPAPAKULONG PA KITA!!"

hinawakan niya ang kamay ko,

"BITAWAN MO AKO!! HUWAG MO AKONG HAWAKAN!!"

tumingin siya sa paligid namin, marami na palang nanonood sa amin.

"umalis kana!!"

tumalikod naman na siya,

nakahinga ako ng maluwang.

Kinakapa ko ang cellphone ko pero hindi ko makita, tatawagan ko sana sina mommy.

Oras ang lumipas, lumabas na ang doctor

"doc kumusta na po siya?"

"ligtas na siya, mabuti nalang  hindi mismo sa puso tumama ang bala"

"thank you lord!!"pasasalamat ko.

"doc, pwede ko na po ba siyang puntahan?"

"pwede na,ililipat na siya sa rm207, dun mo nalang siya puntahan"

"sige doc. Salamat"

umalis na ang doctor.

Pumunta na ako sa rm207, kasalukuyan pa lang inaayos ang mga host na nakakabit kay nathan.

Lumapit ako sa kanya, mahimbing siyang natutulog. 

Natapos na ang lahat ay umalis na ang mga nurse ,naiwan ako dun.

"nathan, salamat ha!! Sa pagligtas mo sa akin, utang ko sa iyo ang buhay ko.

salamat din at hindi mo ako iniwan, kasi kapag iiwan mo ako, hindi ko alam ang gagawin ko, salamat ha!! Hayaan mo pag gising mo, magiging mabait na ako sa iyo, hindi na kita pagtritripan,aalagaan na kita!! Ikaw ang bestfriend ko eh!"wika ko.alam kong hindi niya ako nririnig, pero ok lang basta sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko.

Hinalikan ko siya sa noo...

"nathan labas muna ako ha..tatawagan ko lang sina mommy.."paalam ko.

lumabas na ako ng kwarto at dumeretso sa kotse. Agad kong idial ang numero ni mommy, meron din akong gusto malaman.

"helow anak, kumusta na kayo diyan?"

nag umpisa na akong umiyak muli..

"mo..mmy?.."

"anak bakit ka umiiyak?"

"si nathan nasa ospital ngaun, dito sa batangas"

"ha! Anung ginagawa niyo dito?

"

"may kumidnap po kasi sa akin niligtas ako ni nathan, puntahan niyo po kami dito"

"sige anak;,saan ospital yan?"

agad ko naman sinabi kung saan kami naroon.

"sige anak, papunta na kami diyan"

at pinutol na ang tawag ko.

hindi ko na tinuloy ang magtanong, mas maganda na sa personal ko na malalaman.

10 Tips for having a Love life (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon