9 10 Tips for having a love life

157 2 0
                                    

10 Tips for having a love life


Chapter 9

Philip POV

Haissst pag ibig talaga, di ko maintindihan ang sarili ko, nuon si christine jane ang nagpapapansin sa akin, di ko siya pinapansin. Ngaun tumigil n siya namimiss ko. Tama nga ang kasabihan,

"hindi mo malalaman n mahalaga ang isang tao hanggat hindi p siya nawawala sa iyo" .

Simula nuong tumigil n si christine jane sa paglapit sa akin, naging malungkot ang araw ko. Namimiss ko ang paghawak niya sa aking mukha. Eto p ang masaklap, dahil sa pagkamiss ko, sinusundan ko siya.


FLASH BACK


Sabado, alam kong mamamasyal si christine jane, kanino ko nalaman secret n muna. Sinundan ko siya, napansin kong tulala siya sa paglalakad kaya may nakabangga siyang isang medyo may idad n babae.

Narinig ko naman n humingi siya ng tawad at nagpatuloy sa paglalakad, pumasok siya department store. Tumitingin lng, siguro wala siyang nagustuhan kaya lumabas siya at nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa mapadpad siya sa sinehan. Bumibili siya ng ticket buti nalang ang gusto niyang panoorin ay meron akong ticket nun. Kaya nauna ako sa loob ng sinehan. Di muna ako umupo kasi hinihintay ko siya kung saan siya uupo, hanggang sa umupo siya sa bandang likuran. Agad akong lumapit sa hilera ng inuupuan niya. Siya sa bandang kanan ako sa bandang kaliwa. Napatingin siya sa akin at napatingin din ako sa kanya. Saglit lng nagtama ang aming mga mata.

Nagumpisa n ang palabas,

Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. May dala dala p nga akong popcorn nun, at inalok ko siya pero tinanggihan niya. Hanggang sa matapos ang palabas. Nauna siyang lumabas at hinabol ko siya, gusto ko kasing yayain kumain. Buti nalang pumayag siya ang saya ko nun. At duon ko din niyaya n lalabas kinabukasan.


Linggo sa simbahan "peace be with you" ewan ko kung anu ang pumasok sa utak ko bakit ko siya hinalikan sa pisngi, nakita kong nagulat siya sa ginawa ko kaya ang tahimik niya.

Ng matapos ang pagsimba namin agad kaming naglakad lakad sa may baywalk, hinawakan ko ang kamay niya, kwentuhan kami tungkol sa nangyari nun high school at college namin. Sumapit ang hapon, naglakas loob n akong yayain siya tuwing week end n mamasyal buti nalang pumayag. 
Pero nadis-appoint ako kinabukasan di pa ako nagsisimula meron n siyang kasamang ibang lalaki. At best friend ko pa, bumati siya sa akin tanging bati din ang sinagot ko, dahil nga sa sobrang selos ko.

Oo nagseselos ako, kahit wala akong karapatan magselos. Pagdating ng hapon eto n naman kasama n naman niya si nathan eto naman lintik n bestfriend ko hinalikan pa sa pisngi si christine, maya maya nalang nag away sila nagsasagutan, hanggang sa hinila ni nathan ang kamay ni pherly. Papunta sa kotse nito. Nakita kong nagsimula n rin maglakad si christine jane. Balak ko sana siyang ihatid pero nabigla ako ng tumakbo si nathan at binuhat si christine jane. Selos n selos n ako sa ginagawa ng bestfriend kong tridor ang walang hiya.

Bubuhatin b naman si christine n parang bagong kasal lng ahh.


End of FLASH BACK


Eto ako mag isang kumakain, saan? Dito din sa kinaroroonan ng tatlo. Masaya sila kainggit talaga si nathan dalawang babae ang kasama niya. Samantala ako wala walang kasama.

"sir meron p ba kaung order?"

"ha ah wala n"

"ok sir enjoy your meal" sabay ngiti ng waitress.

Nagnod nalang ako.

10 Tips for having a Love life (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon