Frixion

178 19 0
                                    

"Ay taeng malaki!"

Nagulat naman ako ng may biglang humawak sa kamay ko kala ko tuloy kung sinong impakto (peace yow) si kuya Batotoy lang pala! Janitor ng school.

"Eto, wallet mo. Nahulog mo sa may gate habang tumatakbo ka kanina, pasalamat ka at ako ang nakapulot niyan hindi kung sino mang---" bago pa siya makapagmisa ay pinutol ko na. Daming satsat! Malalate na nga ako papatagalin pa niya tsaka sino pa bang makakapulot noon kung hindi siya at si kuya guard na araw-araw buraot ang mukha.

"Thank you po kuya batotoy, libre ko nalang kayo mamayang lunch!" nagpasalamat na ko at tinuloy ang naudlot na pagbukas ng pinto.

"Zoe! Why are you late!" Good morning sakin ni teacher terror na kamag-anak ata ni kuya guard.

"Eh, kasi po ma'am Zen nalate po---"

"Oh? Nangangatwiran ka pa?!" pasintabi lang ah, kung hindi ba naman siya 99 1/2 na loka-loka eh tinatanong nya tapos hindi siya maniniwala.Hindi ko na lang pinansin agad na akong dumiretso sa upuan ko. Kinuha ko na ang notebook at ang frixion ballpen ko, Kaso epic! Nahulog ang aking precious labidabs and pinakafavorite na ballpen ko, mayroon pa naman akong iba, pero hindi frixion mabababoy lang kabubura. Kaya labag man sa kalooban ko, kailangan kong hanapin. Isa pa mahal yon, hihihi tipid ang lola niyo.

"Nasan na ba iyon?" naglalaway na yung okra ko este kilikili ko habang si ma'am terror ay dakdak ng dakdak sa harap, hindi ko tuloy maintindihan pinagsasabi niya. Hinahanap ko kasi yung lecheng frixion na 'yun. Hinanap ko sa may bandang dulo pero wala, tingin naman sa may bandang kaliwa wala rin.

"Okay, suko na ko! Baka pag hinanap ko 'yon wala na talaga akong matutunan ngayong araw." bulong ko sa sarili ko habang pinapaypay yung cover ng notebook ko.

"Ano ba hanap mo?" tanong ng pakilamera, usisera, curious kong kaklase.

"Boyfriend." sagot ko naman

"Huh?!" hindi niya ata nagets, turtle net ang peg nitong baklang 'to.

"Ballpen ko, nahulog e."

"Frixion ba?" biglang nag-ala chingchong ang eyes ko, baka siya ang suspect sa who's the killer.

"Oo bakit? Nakita mo?" mas excited pa sa magblyfriend na magje-jerjer na tanong ko.

"Yep, kanina pa! Kanina pa din kita tinatawanan. Hirap na hirap ka diyan e nasa harap mo lang naman." abat hindi man lang niya sinabi sa akin kanina, naglaway pa tuloy yung okra ko. Mamaya amoy tokwa na 'to. Kung wala lang dito si ma'am, e baka kanina ko pa ito hinampas ng okra ko.

"Nakita mo naman pala eh, bakit hindi mo man lang sinabi? Pambihira naman, kanina pa ko pawis na pawis dito kakahanap sa lecheng ballpen na 'yan!"

"Hindi ka naman nagtatanong eh" pilosopo niyang sagot, minsan talaga nakakaasar itong si Jed parang bading na aning-aning na ewan na eklabu na churvacles, ay nahawa na ang lola niyo.

"May bago nga pala tayong kaklase!" mas excited pa sa mag-jowang magje-jerjer for the first time na sabi niya.

Kinuha ko na ang mahiwagang frixion at saka inikot-ikot ang tingin sa paligid.

"Oo nga no. Pwede na rin ,may itsura naman maputi, matangkad ang tanong may utak ba?"

"Syempre naman, may nakilala ka na bang taong walang utak?"

"Oo, kausap ko!" medyo hindi niya ata nagets dahil natigilan siya ng mga 40 seconds.

"Youtube, internet, S-L-O-W!" sunod-sunod kong sabi sa kanya, 'yun lang hindi pa niya magets.

Tiningnan ko ulit si Mr. Tansferee, para kasing familiar ung feslakz niya, para bang nakasama ko na siya dati, hindi ko lang maalala.

"Ano nga pala pangalan niya?"

"Yung bago nating kaklase?" tanong na obvious ni Jed na mala-aning-aning.

"Hindi Jed! ikaw, pangalan mo?"

"Ah kikiki este kekeke, ako si Jed Alcoseba nice to meet you!" isang mahinang sampal ang natanggap niya mula sakin.

"Dali na kasi Jed!"

"Seryoso na, siya si---" hindi nanaman natapos ang sasabihin ni Jed ng tawagin kami ni ma'am Zen. Pansin ko lang laging putulan ng linya ngayon, YENG TETEE TEH?

"Ms. Zoe at Mr. Alcoseba, kanina ko pa naririnig ung bunganga niyo! Ano ba yang importanteng bagay yang pinag-uusapan niyo? Baka gusto niyong i-share?" pang-aasar na medyo galit na pagkasabi ni ma'am.

"Sagutan niyo 'tong nasa board at paki-explain, labyu." Buti nalang at ulirang estudyante ako, pinag-aralan ko na ito kagabi, ang problema si Jed aning-aning.

Buti naman at nasagot ko ng maayos pinagawa ni ma'am zen, Si Jed nga lang naiwang nakatayo ng 30 mins. hindi nya kasi nasagot. Ewan ko ba sa baklang yon, laging wala sa sarili.

-----------------

3 hours and 30mins. YES! natapos narin ang math kaya recess na! Nakaupo lang ako sa may sulok at tinitingnan ang mga kaklase ko na nag-haharlem shake.

Haays, kaboring maging loner. Wala pa kasi akong medyo mga kakilala eh. Naalala ko namang dala ko pala yung book na binili ko sa NBS kaya naman yun ang napagdiskitahan kong pagkaabalahan.

"Miss paupo." tanong sakin ng lalaking balak akong upuan.

"Ayaw ko nga! Baka mabigat ka, tsaka hindi naman ako upuan!" saad ko kay Mr. Stranger.

"Ay miss hindi, ano k-kasi wala ng upu---" pag-papaliwanag niya sakin. Hindi niya ata nagets ang joke ko, pakamatay na ako mga bH3, wala nang nakakagets sa joke ko.

"Alam ko, nagbibiro lang!" natatawa kong sabi habang nag-aayos ng kalat sa mesa kakahiya naman kay kuya! Mamaya isipin niya sobrang dugyot ko, unti leng!

Habang nagbabasa ako sa mesa, may nakapa akong fries,at nginata ko.

" *munch *munch* pwe! Anong klaseng fries to?" tsaka ko lang naalala na hindi pala ako bumili nun at tiningnan ko si Mr. Stranger na nagpipigil ng tawa at natigilan ako sa pagnguya.

-______-

0_____0

O____O

o____O

(/_____\)

"ha-ha-ha-ha" ewan ko kay kuya stranger at tumawa siya. Saka ko lang napagtanto na siya pala si Mr. Transferee! OMG SUPER KAKAHIYA *tago sa palda ni inay* yak, bakit nandito ka dad?

"Sorry miss, natawa lang ako sayo kanina kasi may kinakapa ka inabot ko yung fries ko sayo."

"Ah he-he-he salamat po, ANG SHEREP PO" panloloko ko nalang. Buti nalang nagbell at dali-dali akong tumakbo papuntang room.

HAY, SUPER NAKAKAHIYA TELEGE.

Angels' Revenge [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon