Prologue

74 5 0
                                    

One day, I met a man


Lalaki na minahal ako at minahal ko ng lubusan


He made me very happy


Pinasaya nya ko. Ako na yata yung pinakamasuwerteng babae sa buong mundo, kasi sa tuwing sasapit yung monthsary namin, lagi niya akong sinusurpresa. Kahit kami na, parang nililigawan pa rin niya ako araw-araw.


We had a lot of memories


Marami kaming masasayang alaala na aming pinagsaluhan at pinagsamahan na hanggang ngayon..nananatili pa rin sa puso't isipan ko.


But everything had change


Hanggang sa isang araw, nagbago ang lahat. Parang nagunaw ang mundo ko noon. Ang araw na dapat magkasama naming icecelebrate yung first anniversary namin. Nakita ko na may iba siyang kasama. Magkahawak ang kamay nila at naghahalikan. Hindi nila ko napansin na nandoon ako. Saan ko sila nakita? Doon sa mismong lugar na sinabi nya kung saan may inihanda daw siyang malaking surpresa para sa akin. Ang ganda ng surpresa niya no? Sobrang nakakagulat. Nung una nga, hindi maproseso sa utak ko yung nakikita ko. All this time, niloloko niya lang pala ako. Ayokong maniwala na siya yun. Pero siya yun eh, siyang siya. Halos isampal sa pagmumukha ko yung katotohanan na nagawa niya kong lokohin. Kaya wala na kong nagawa kundi tumakbo ng tumakbo kung saan ako mapunta.


He say sorry


Humingi siya sa akin ng tawad. Pero hindi sapat yun eh. Kasi napakasakit ng ginawa niya. Tagos sa puso. Nangako kasi siya sa akin dati na hinding hindi niya ko sasaktan. Pero anong nangyari sa pangako nya?


But still he failed. He failed to take care of my heart..






Just A One Last Chance (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon