Chapter 2

46 3 0
                                    

Autumn's POV




Naglalakad na ko ngayon papunta sa opisinang pinagtatrabahuhan ko. Bawat mga ka-officemate ko na masasalubong ko ay kinakamusta ako kung okay na ba ang pakiramdam ko dahil ang pagkakaalam nila ay nagkasakit ako kaya hindi ako nakapasok ng halos isang linggo. Kaya naman pag tinatanong nila ko umo-oo na lang ako at nginingitian ko na lang sila.



"Huy!"



"Ay palaka!" halos mapatalon naman ako sa gulat nang kalabitin ako nung oh-so-long-time-best friend ko na si Yna Velasco. Halos sabay na kami lumaki ng babaeng ito. Mula noong magkaisip kami hanggang ngayon na nagtatrabaho na kami ay magkasama at matalik na magkaibigan pa rin kami kahit na minsan ay nagkakaroon kami ng mga hindi sinasadyang tampuhan. Oh diba? Kabog!



"Ay excuse me ha! Sa ganda kong to?! Ako palaka? Duhh?" sabi niya sabay flip ng hair habang nakapameywang pa na parang beauty queen. Ito talagang best friend ko oh! Hmp! Namiss ko tong babaitang to!



"Namiss kita girl!" masayang sabi ko sabay yakap sa kanya.



"Ako rin girl. Oh ano? Ayos ka na ba?" malumanay na tanong niya sakin sabay hawak sa magkabilang braso ko.



"Oo naman! Ako pa! Tsaka hindi lang siya ang lalaki sa mundo para iyakan ko siya ng todo no! Sa ganda kong to! Duhh?" matapos ko sabihin yon, ginaya ko yung ginawa niya kanina--flip ng hair with matching kamay sa bewang.



"Tumpak ka dyan!" pagsang-ayon niya at nakipag-apir pa sakin.



"Anyway, mamaya mag-shopping tayo ah! Bonding tayo!" masayang pag-aya ko sa kanya at nakita ko namang kumislap ang kanyang mga mata. Nakarinig lang ng salitang 'shopping' eh.



"Sige sige! Mamaya ah!" paninigurado niya. Napaghahalatang excited eh.



Actually, literal na namiss ko talaga tong best friend ko, paano ba naman kasi, nabawasan na yung oras ko sa kanya simula noong naging boyfriend ko yung balahura na lalaking yun na ngayon ay ex ko na! Bwiset.



Naalala ko nanaman..



Aish! erase erase that thought. Huwag mo na siyang isipin Autumn. Tama na please.



Umiling iling na lang ako para maisantabi yung naalala ko.



Naupo na kami sa kanya-kanya naming mga office table upang simulan nang magtrabaho.




Lunch



Andito kami ngayon ni Yna sa isang fast food chain at kasalukuyan na kaming kumakain.



Muntik ko ng maibuga yung iniinom ko ng makita kong parang kinikilig na naiihi ang bruha kong best friend habang siya'y may katext. Ano na naman kaya kinababaliwan nitong babaeng 'to? No, no, no. Scratch that. SINO kaya ang kinalulukahan nitong bruhang 'to?



"Ahihihi..hihihi" My ghaaad! Ba't ganyan siya? Lord, ano ba nangyayari sa best friend ko?



Nang malunok ko na yung kinakain ko uminom muna ako ng tubig at saka ko hinarap ang best friend ko.



"Bes.." pero patuloy pa rin siyang kinikilig sa kung ano/sino man ang kinakikiligan niya.



"Hoy Bes.." aba't?! Hindi pa rin niya ako napapansin ha?!



"HOY YNA VELASCO!" tignan ko lang kung hindi pa niya ko marinig.



"Oh sunog! Nasaan ang sunog?! Tumawag kayo ng ambulansya!! #*#%#&#*#%-- " what the heck is that?! Nagulat ko yata siya sa pagsigaw ko sa kanya. Tsaka ano daw? Sunog? Tapos ambulansya?!



Just A One Last Chance (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon