Chapter 5

47 4 2
                                    



[ Play "Pasensya Ka Na" by Silent Sanctuary for better reading :') ]




Someone's POV




Hindi alintana ng isang lalaki kung gaano na karami ang naiinom niyang alak. Basta ang alam lang niya sa sarili niya, kailangan niya ng alak, kailangan niyang makalimot kahit sandali lamang pero kahit gaano pa kadaming alak ang laklakin niya, hindi pa rin nawawala sa puso niya ang sakit. Sakit na nadarama dahil sa pagkawala ng babaeng pinakamamahal niya. Yun na eh. Nasa kanya na yung taong mahal niya, pero siya pa ang gumawa ng dahilan upang ito na mismo ang kusang lumayo sa kanya. Kaya eto siya ngayon, labis na nasasaktan.



"Ang tanga ko eh! Ang tanga tanga ko! Bwiset na buhay 'to! Bwiset kayo! Mga walangya kayo! T*ng*na lang!" inis na sabi niya na halos masabunutan na niya ang kanyang sarili. Dahil sa sobrang galit niya, naibato niya ang bote ng alak na hawak niya pero hindi sinasadya'y may tinamaan pala nito. Lumingon sa kanya ang lalaking natamaan niya ng bote pero wala siyang pakialam. Hanggang sa nilapitan na siya ng lalaking natamaan niya at siya'y hinila patayo saka kinwelyuhan.



"Anong problema mong g*go ka ha?! Ba't ka nambabato?! Sino ka ba sa akala mo ha?!" galit na sabi ng lalaking natamaan niya ng bote. Pero imbis na sumagot, tinitigan lang niya ang lalaki. Nginitian niya ito ng nakakaloko saka dinuraan sa mukha.



"Aba! P*tang*na mong g*go ka! Anong karapatan mong duraan ako ha?! Ang yabang mo!!" galit na singhal ng lalaking natamaan niya sabay suntok sa tyan niya ng malakas dahilan para mapahiga siya sa sahig. Pero hindi siya tumitinag, hindi siya tumatayo kahit patuloy pa rin siyang sinusuntok at pinagsisisipa ng lalaking natamaan niya.



"S-Sige..p-patayin mo na lang akong..g-g*go ka. T-tutal wala na rin..n-naman na yung..t-taong dahilan para gustuhin..k-ko pang mabuhay.." hinang hina at hirap na hirap na sambit niya habang siya'y binubugbog pa rin ng lalaki. Pero hindi niya daing ang sakit na dulot ng pambubugbog sa kanya, sa halip ay mas nangingibabaw pa rin ang sakit na nadadama niya sa kanyang puso. Wala siyang magawa, kusa na lang tumutulo ang kanyang mga luha.



Hindi nagtagal, nagtaka siya kung bakit wala ng bumubugbog sakanya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, nakita niya ang lalaking bumugbog sa kanya na nakahandusay na sa sahig. Saka lang niya napagtanto na ang bestfriend pala niya ang tumulong sa kanya. Inalalayan siya nito na makatayo at pinaupo muna siya sa may bar counter.



"Tol, ano bang nangyayari sayo? Ba't ka nagpapakalasing ha? Tsaka ba't hinayaan mo lang na bugbugin ka ng shokoy na yun, eh alam ko naman na kayang kaya mo yun." nag-aalalang sabi sa kanya ng bestfriend niya.



"Tol, ang sakit lang eh. Napakasakit. Parang hindi ko kakayanin." nasasaktang sagot niya habang nakatulala sa kawalan. Anytime tutulo na naman ang mga taksil niyang luha.



Walang magawa ang kanyang bestfriend kung hindi kaawaan na lang siya dahil sa sitwasyon niya ngayon. Ngayon lang siya nakita ng bestfriend niya na ganito kahina at labis pang nasasaktan.



Napayuko na lang siya sa may bar counter habang nakapatong ang kanyang mukha sa mga braso niya at doon na niya nilabas ang sakit at halo-halong emosyong nararamdaman niya. Halos mapahagulgol na siya sa sobrang pag-iyak.



Hindi rin maiwasang masaktan ang kanyang bestfriend dahil sa sitwasyon niya. Hindi talaga alam ng kanyang bestfriend kung paano matutulungang mapawi kahit papaano ang sakit na nararamdaman niya. Pwera na lang sa isang paraan. Pero imposible naman ang paraang naiisip ng kanyang bestfriend dahil baka mas lalo pa siyang masaktan.



Pero hindi na matiis ng best friend niya na nakikita siyang ganito.



"Ba't di mo subukang...kausapin siya." sambit ng bestfriend niya.



Just A One Last Chance (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon