Chapter 7

28 2 0
                                    

Yna's POV


Hi! Hindi na ko magpapakilala dahil alam kong napakilala na ko ni Autumn sa inyo. Mwahaha!


Anyway, patapos na rin pala 'tong presentation na ginagawa ko. Sana lang makapasa 'to kay Sir Jacob. Hayy nakakagutom pala gumawa ng presentation!


Kakain ba ko o hindi?



Ay wag na lang! Diet nga pala ko ngayon. Iinom na lang ako ng tubig.


Pumunta ko sa water dispenser para kumuha ng maiinom na tubig.


Nang makainom na ko, natanaw ko yung isang security guard namin sa may elevator sa floor na 'to. Hmm. Ba't niya hinahampas-hampas yung elevator? Baliw na ba si Manong Guard? Hindi naman siguro. Siguro tina-try niya kung bubukas?


Tutal ipo-polish ko na lang yung presentation na ginawa ko at patapos na rin naman yun, pinuntahan ko muna sa Manong Guard para itanong sa kanya kung ano ba yung ginagawa niya sa pinto ng elevator. Teka, baka naman may sira 'yung elevator?!


"Manong, ano pong ginagawa niyo dyan kanina sa pinto ng elevator? Bakit niyo po hinahampas? Sira po ba yang elevator?" sunod-sunod na tanong ko kay manong pagkalapit ko sa kanya.


"Ah hindi po ito sira Ms. Yna. May nangyari lang po kasi--" hindi ko na hinayaang patapusin si Manong Guard sa pagsasalita dahil inatake na naman ako ng pagiging OA ko.


"Ano pong nangyare?!"


"Ah Ms. Yna, kumalma ka po muna. Wala naman pong nangyaring grabe. Kanina pa po kasi may lalaking lasing dun sa lobby at hinahanap niya po si Ma'am Autumn. Pero nung sinabihan po namin siya na bawal po siya pumasok hanggang dito, nagalit po siya at nagsimula na siyang magwala. Pero nung sinabi ko po kay Ma'am Autumn ang tungkol dun, bigla na lang po siya sumakay dito sa elevator at hindi ko na po siya naabutan--" hindi na naituloy ni Manong ang sinasabi niya ng pumasok ako sa elevator pagkabukas pa lang ng pinto nito. Agad kong pinindot ang button papunta sa groundfloor.


Narinig ko pa 'yung pagpigil sakin ni Manong pero napagsarahan na siya ng pinto nitong elevator. Naku, Manong Guard, pasensya na po concerned lang po kasi ako sa bestfriend ko eh.


Aish! Anu ba kasing pumasok dyan sa kokote mo Autumn? Pa'no na lang kung masamang tao pala yang naghahanap sayo?! Paano na lang kung killer yan, rapist, gangster, adik sa kanto, rugby boy, tagatulak ng droga o druglord yang lalaking yan?! WAAAA! Mababaliw ako sa pag-aalala sayong babae ka!


Pagbukas ng pinto ng elevator, agad akong lumabas at pumunta malapit sa lobby. Hindi pa ko nakakarating malapit sa lobby, may naririnig na agad akong sumisigaw.


"Papasukin nyo na kasi ako! Parang awa niyo na! Kailangan ko siyang makausap!" teka yung sumisigaw ba na yun yung sinasabi ni manong na naghahanap kay Autumn?


Binilisan ko agad ang paglakad ko papunta malapit sa lobby.





Yung boses ng lalaking sumisigaw..




Napakapamilyar ng boses na yun..







No, no, no. Wag naman sana. Mali sana yung nasa isip ko.



Nang makarating ako malapit sa lobby..



"Autumn! Lumabas ka dyan! Kausapin mo ko please! Patawarin mo ko dahil sa ginawa ko! Kailangan kita Autumn! Sige na naman oh! Maawa ka na sakin! Kasi mahal na mahal kita eh! Hindi ko kaya pag nawala ka!"



Just A One Last Chance (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon