Chapter 4

44 2 3
                                    

Pagmulat ko ng mga mata 'ko, nasilayan ko agad ang city lights. Ang ganda ng view. Sakto palubog na ang araw.

"Gising ka na pala.."

"Jake!" sabay yakap ko sa kanya. Nandito nga pala kami sa isang hill na madalas naming puntahan ni Jake at kasalakuyan kaming nakasandal sa isang puno habang nakaupo.

"Oh! Nakatulog ka lang, namiss mo na 'ko? Ikaw talaga myloves, kaya loves na loves kita eh!" mapanuksong sabi niya sabay kurot sa magkabilang pisngi ko.

Arayy. Masakit yun ha.

"Aray naman Jake myloves! Ba't mo kinurot 'yung pisngi kooo, yan tuloy namula. Hmp!" sabi ko habang nakatingin sa maliit na salamin na kinuha ko sa purse na dala ko.

*!!PAKSH!!*

"Aray naman myloves! Ba't mo ko hinampas? Nagiging sadista ka na ha?" reklamo niya habang hinihimas 'yung parteng namumula na hinampas ko.

Ay? Masyado yatang napalakas 'yung hampas ko. ( -____-)

"Sooooorryy po myloves, kinurot mo kasi ako ee. Ginantihan lang kita. HAHA. Soooooorryy!!" sabi ko habang nakapout with matching puppy eyes pa. ^_^

"Hinde! Tampo ko sayo!" sabi ni Jake myloves habang nakacrossed arms sabay talikod pa sakin. Ay nagtampururut?

"Sooooorryy na kasiiii! Huy, myloves!" pangungulit ko sa kanya.

"Hindeee! May parusa ka!" sabi niya habang nakapout. Ay ang cutee! Sarap kurutin!

"Ano namang parusa yun?" curious na tanong ko.

Humarap muna siya sakin sabay ngiti ng malawak. Hala? Baliw lang?

"Kiss mo kooo.." sabi niya habang nakanguso.

Kiss daw oh? Hihi kilig much naman si ako! ^///^

"Hmmm.. Pikit ka muna." pumikit naman siya at halatang excited na excited habang nagkakandahaba pa rin yung nguso niya.

Kinuha ko yung bote ko sa bag na walang laman.




*evil laugh*


"Ang tagal naman myloves! Nangangawit na 'yung labi ko oh!" reklamo niya. Mwahahaha kung alam mo lang gagawin ko sayo Jake myloves. Haha!

"Eto na malapit na" sabi ko habang dahan-dahang tinatanggal 'yung takip ng bote para hindi niya marinig.

"Okay, malugod akong naghihinta--" hindi ko na siya pinatapos magsalita kasi..

*tsup*

Pfft! Pigil na pigil na ko sa pagtawa ko dito. Eh paano ba naman, parang feel na feel niya eh at hanggang ngayon nakapikit pa rin siya. Di niya alam bote lang kumiss na kanya. Hahaha! Ang bad kong girlfriend! Hayaan na, minsan ko lang naman siya pagtripan eh. Haha!

"Woah! Myloves ang bilis naman nun. Isa pa nga!" demand niya habang umaayos pa ng pagkakaupo. At nakapikit pa rin siya ah.

"Sige" sagot ko habang nagpipigil pa rin ng tawa. Aba! Akalain mo ba namang umisa pa ha. Pfft!

Pero bago ko pa man maidikit ulit sa labi niya 'yung bote, dumilat siya. At tila naging slow motion ang lahat.

Tinanggal niya 'yung bote na hawak ko at ipinulupot niya ang mga kamay ko sa batok niya. Unti-unti naman niyang nilagay ang kanyang mga kamay sa bewang ko.

Habang palapit nang palapit ang mukha niya sa akin, pabilis naman ng pabilis ang pagtibok ng puso ko. Nagugulat ako sa mga nangyayari.

At tila may fireworks na sumabog sa puso ko nang maglapat ang mga labi namin.

Just A One Last Chance (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon