We both so happy habang palabas ng amusement park.Kahit papano ay gumaan din ang mabigat na pakiramdam ko kanina.
Bahagya kong nilingon si Vander..napansin kong nakangiti din sya.
Mabuti naman pala at nagawa pa nyang ngumiti..akala ko pa naman ay buong maghapon na syang iiyak.
Tutunguhin ko na sana ang kinaroroonan ng pick-up truck na sinakyan ko nang....
"Lymara..."
"What?"Sabay lingon sa kanya.
"Samahan mo akong magdinner tonight...my treat."
Saglit akong napaisip..tama kaya na pagbibigyan ko sya?
Sabagay...sa bigat ng problema na pinapasan nya ngayon tungkol sa family issue kailangan nga nyang may makakausap.
Baka mamaya ay maisipan pa nyang magbigti..mahirap na,baka hindi pa ako patulugin ng konsensya ko.
"Saan?"naitanong ko kaagad.
"Sa unit ko...ipagluluto kita.."
Haisst...kung kay Vince sana nanggaling ang mga paanyaya na narinig ko ay marahil nagpagulong-gulong na ako dito sa semento.
Pero teka...bakit bigla yatang umalsa yung puso ko?
Excited ba yun? Kailan pa ako naging excited sa paanyaya na nanggaling sa mortal kong kaaway?
Never mind na nga!ufff.
"Okay..."Wala sa loob na sang-ayon ko nalang sa kanya.
"Saan ka sasakay?"tanong nya ulit at halos hindi maikubli ang tuwa mula sa kanyang mga mata. Or, baka namali lang ako ng tingin?
Tinuro ko sa kanya yung lumang pick-up truck ni Papa.
"Hahahaha.."
Nagulat nalang ako nang bigla syang tumawa.
"What?"Singhal ko sa kanya.
"Nothing..naisip ko lang kasi na yang sasakyan mo ay sing-gulo rin ng hitsura mo..Hahaha."
Haissst!naasar ako dun ha! Vander na'to kahit kelan!
Agad kong pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan.
Nakasuot ako ng pantalon na may butas sa magkabilang tuhod.
Kulay itim na malaking t-shirt..
Rubber shoes..
Dagdag pa ang messy hair ko!
Argh!
Para akong taong grasa...
Paano nga pala ako mapapansin ni Vince sa ganitong ayos ko?
"But anyways...maganda ka pa din!"
Napakurap-kurap ako sa huling sinabi ni Vander.
Its my first time..na may tumawag sa akin na maganda maliban sa aking pamilya syempre!
Hindi kaya..inaasar na naman nya ako?
"Argh!never mind...mamaya ka sa akin,Vander!makakatikim ka talaga sa akin.."banta ko sa kanya.
Napangisi nalang sya habang tinungo ang sariling kotse.
Vander na yun...wala na talagang ibang ginawa kundi mambwesit!
*
*
*
Pinasadahan ko kaagad ng tingin ang loob ng condo unit ni Vander nang makapasok kami sa loob.
BINABASA MO ANG
PAG-IBIG,MAGKANO KA?
RomanceNaturingang ako ang panganay na anak sa aming tatlong magkakapatid.. Pero.. Ako yung walang silbi. Nakapagtapos sa pag-aaral pero jobless. Walang ginawa kundi umasa sa magulang.. Naging palamunin..huhu. Happy go lucky at barumbada.. Masaya ako sa ga...