Chapter 16

5.4K 217 2
                                    

Lymara's POV

"Isuot mo 'to.."

Napasimangot ako nang biglang iabot ni Vander sa akin ang isang apron.

Nasaan na ang ka-sweet'an nya?

Diba dapat sya ang magpasuot sa akin nyan?

Dumating lang dito si Riana ay nakalimutan na nya ang mga bagay na dati ay ginagawa nya sa akin..

Argh!

Naiinis talaga ako..

"Ayoko!"

"Lymara,kailangan mong suotin 'to para hindi madumihan ang damit mo.."

"I don't care!"

Nagtanggi-tanggihan lang naman ako eh..

Pero,nagtatampo na ako..promise.

Agad syang lumapit sa akin tapos  hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko.

Tiningala ko ang kanyang mukha..napapansin ko na para syang natatawa.

"Inaasar mo ba ako,Vander?" Nakanguso na ako.

"Haha..hindi ah!"

Kinuha nya ang apron at pinasuot sa akin..bahagya pa syang dumikit sa akin yun bang parang nayayakap na nya ako?Kasi inaayos nya yung tali ng apron sa bandang likod ko.

Ikinapit ko ang aking kamay sa kanyang baywang.

Wala lang..trip ko lang gawin...

Naramdaman ko ang paghinga nya ng malalim.

"What are you doing?"

"Wala..may ginagawa ba ako?"Balik-tanong ko sa kanya.

"Yang kamay mo..."

"Bakit,masama ba?masama bang kumapit dito sa baywang mo?masama bang yakapin kita?"

Napakurap-kurap ako..huli na para bawiin ko yung sinabi ko.

"Lymara...alam mo ba ang sinasabi mo?naiintindihan mo ba kung ano yang lumalabas sa bibig mo?"

Hinawakan nya ako sa aking magkabilang balikat at mariin akong tinitigan sa aking mata.

Ang lapit ng mga mukha namin..

"Do you miss me,Lymara?"

Ramdam ko ang biglang pag-init ng aking mukha.

Waaaah!gusto kong makawala sa mga hawak nya.

Anong gagawin ko?huhu.

"Ah,Vander..magsimula na tayong magluto...sayang yung oras,nagugutom na din ako."Yes!nakahanap din ng paraan.

"O-okay..."

Marahan na nya akong pinakawalan at lumapit na sya sa ref para kumuha ng lulutuin namin.

Haissst...gusto ko na tuloy iuntog yung ulo ko.

"Ang lulutuin natin ngayon ay tinolang manok..." nakangiti nyang balita sa akin.

"Wow..masarap yan!" Umahon na naman ang excitement mula sa aking dibdib.

"And?sisiguraduhin ko na hindi na sasakit ang ulo mo,pagkatapos kumain.."

Napatingin ako sa gawi nya..ano kaya ang ibig nyang sabihin?Diko kasi ma-gets eh..

And this time..naging concentrate na rin ako sa ginagawa.

Mula sa pagbalat ng sibuyas at potato ay nakaya ko narin gawin.

Sinundan ko din kung paano hinihiwa ni Vander ang mga iyon..

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon