Lymara's POV
Marahan akong pumasok sa loob ng bahay..iniiwasan ko ding makagawa ng kahit na konting kaluskos.
Alam kong tulog na ang lahat..madaling araw na kasi.
Tunguhin ko na sana ang hagdan paakyat sa aking kwarto nang mapansin kong nakabukas ang ilaw sa loob ng kusina namin.
Haiisst!mga taong ito...hindi marunong magtipid sa kuryente.
Pumunta ako sa kusina para sana patayin ang ilaw pero natigilan ako nang makita si Papa na nakaupo sa dining chair na kaharap ang maliit na mesa sa loob ng kusina namin.
Wait...
Umiinom ba si Papa?
Kelan pa?
"Papa..."
Gulat syang napalingon sa direksyon ko.
"Lymara,hindi ka pa natutulog?"
Eh?hindi kaya nya napansin na kararating ko lang?
Pero dahil pinalaki naman nila akong honest kahit na andami ko ng kasinungalingang nagawa ay nanaig parin ang kabutihang-asal ko ngayon habang kausap si Papa.
"I'm sorry Papa..nagkayayaan kasing kumain sa labas,kasama kaibigan ko..."
"Sino?"
"Vander po.."
Tumango lang sya at hindi na muling nagsalita.
Nanibago ako dun ah!Dati-rati hindi kasi ganito si Papa.Sermon agad ang aabotin ko kapag late na akong umuuwi.
'Hindi na ito oras ng uwi ng matinong babae,Lymara..'
Naalala ko yung kataga na lagi nyang pambungad sa akin.
Dapat sana masaya ako kasi nagbago si Papa.
Pero...
Bakit ako kinakabahan?
Nagdulot tuloy ng malaking palaisipan sa akin ang bigla nyang pagbabago.
Di kaya?
"May problema ba Papa?"
Wow!
For the first time ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para mangialam.
Huminga sya ng malalim.
"Wala 'to..hwag mo akong intindihin..pangpaantok lang..matulog kana."
Napakagat ako sa aking labi kahit na nga ba ay may pagdududa akong nababanaag kay Papa.
"Sige po akyat na ako..ikaw din Papa...matulog kana rin."
Tango lang ang naging sagot ni Papa sa akin.
Haissst!
Abnormal na siguro itong puso ko kasi madalas akong kinakabahan.
Marahan akong humiga sa aking kama nang makapasok ako sa aking silid.Gusto ko ng matulog pero pagpikit ko ng aking mata ay repleksyon ni Vander ang sumalubong sa aking balintataw.
Ni-refresh na naman ng aking memory yung moment kanina..kung saan nakatulala akong pinagmamasdan sya sa paghihiwa habang nakasuot ng apron.
Haissst!
Nagpagulong-gulong ako sa ibabaw ng aking kama.
Ano ba ang nangyayari?
Damang-dama ko pa din ang init ng kanyang palad sa aking kamay.
Huhuhu...
Insane!
Nagpagulong-gulong na naman ako..pauli-ulit,hanggang sa....
BINABASA MO ANG
PAG-IBIG,MAGKANO KA?
RomantikNaturingang ako ang panganay na anak sa aming tatlong magkakapatid.. Pero.. Ako yung walang silbi. Nakapagtapos sa pag-aaral pero jobless. Walang ginawa kundi umasa sa magulang.. Naging palamunin..huhu. Happy go lucky at barumbada.. Masaya ako sa ga...