Chapter 8

5.6K 211 3
                                    

Lymara's POV

Halos hindi na ako makatayo mula sa dining chair dahil sa pagkabusog.

Pahamak talagang Vander na'to..

Si-nuggest ba naman na kailangan naming ubusin yung buong round pizza?

Tinakot pa ako ha?

Hindi daw sya kakain kung hindi ko sya sasamahang kumain.

Kaya dahil may konsensya naman akong tao kaya ayun...pinagbigyan ko nalang sya.

"Get up.."~Vander~

"Why?" Kunot- noo kong tanong.

"Hugasan mo yung kalat mo sa kusina..wala yung katulong namin umuwi sa kanila at sa isang araw pa ang balik.." utos nya sa akin na syang ikinatigil ko.

"Ano?ako ang maghuhugas nun?"Andami kaya..huhu.

"Get up na..kailan ka pa matututo ha?"

Hinawakan na nya ako sa magkabilang balikat ko para piliting tumayo.

"Vander!hindi ko gawain yan..kahit sa bahay hindi ako naghuhugas." Reklamo ko.

Totoo naman ah!hindi ako hinahayaan ni Mama na mangialam sa kusina.

"Ayaw ng Mama mo?" Curious nyang tanong.

"Oo.." tumango pa ako.

"Bakit?" Tanong nya habang
hila-hila parin nya ako patungo sa kusina.

"Eh,kasi...imbes daw na makatulong ako mas lalo pa daw akong pandagdag sa kanilang trabaho."

Napansin kong kumuha sya ng gloves ba yun?ah basta..

"Isuot mo'to.."Inabot nya sa akin ang gloves.

"Paano ba 'to?" Habang inieksamin ko ang hawak na gloves.

"My gosh,Lymara!gloves ng pang-boxing ay alam na alam mong isuot samantalang kasimple-simpleng gloves ay hindi mo alam?akin na kamay mo..."

Hinayaan ko nalang syang ipasuot sa aking kamay ang gloves. Alam ko namang isuot yan kaya lang sa ayaw kong maghugas, ano ba! Pero mapilit talaga ang Vander na'to.

Habang ginagawa nya iyon ay hindi ko napigilan  ang aking sarili na hwag syang titigan.

Huminga ako ng malalim..bakit may mumunting kilig akong nararamdaman kay Vander?

Kung dati ay agad akong naaasar sa mga sigaw at sermon nya..ngayon naman...

Naku-cute'an na ako..

Haissst..what happen ba kasi?

"Paano ka naman nagiging pandagdag sa trabaho?"

Ibaling ko sana sa ibang direksyon ang aking paningin pero huli na...umangat na ng kanyang mukha si Vander para titigan din ako.

Napailing ako at dumistansya sa kanya.

"Kinakausap kita..Lymara...."

Haissst!

Ito talaga ang pinakaayaw ko sa kanya...ang kulit!!!

"Kasi..ang arte nga nila,kesyo amoy ng sabon yung hinugasan ko...kesyo hindi malinis,ay ewan!!!hwag mo na nga akong tanungin.."nayayamot kong sagot kunwari.

"Damihan mo kasi ng tubig kapag magbabanlaw kana..para hindi mangangamoy ng sabon..."

Hinihingi ko ba ang advise nya?

Lumapit na ako sa lababo at kinuha yung kaldero na ginamit ko kanina. Hinayaan ko syang nagdadada. Salita ng salita at wala na akong natatapos!

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon