Chapter 21: Ego

184 9 0
                                        

RED'S POV


"Let's go?" Sabi nya



Nagpapapogi ba to o sadyang gwapo lang talaga sya?



Nakataas nanaman yung bangs nya na madalas ay nakababa.



At tadhana nga naman. Parehas kaming may blue sa katawan. Nakablue syang shorts at white na V neck.



Medyo natulala ako sakanya..



"Let's go?" Hinawakan nya abg kamay ko, nagpahigit nalang ako sakanya papunta sa sasakyan, nadaanan pa namin si Lee na nakangisi sa gilid



Pinagbuksan nya ako ng pinto ng ferrari nya.



Ngayon nalang ulit ako nakasakay sa sasakyan nya.



Katamtaman lang ang takbo namin.



"Kailan daw ang balik nila Tito?" Tanong ko



"Maybe 4 months pa sila dun" sabi nya



"Oh okay" tumahimik na ulit ako



Pansin ko na pinark nya yung sasakyan sa isang magarang restaurant.



Ngayin nalang ulit ako nilibre ng mokong na to. May parte sakin na sumaya.



Umorder agad kami, gutom na gutom yata ang isang to eh.



"Samin kayo sasabay bukas" sabi nya



"Sinabi na sakin ni Kookie kanina" sagot ko



"Kookie? Kayo na ba?" Medyo irita nyang sabi



"Hindi ah" pagtanggi ko



"Sus, at bakit Kookie ang tawag mo?" Ayan na yung Taehyung na kilala ko



"Tseh. Ang cute lang" sagot ko



"Sabi mo sakin dati, ako lang ang cute sayo" sabi nya tapos nag pout shemay! Bakit bigla syang naging ganito?



"Dati yun, hindi ngayon. Past is past dude" sabi ko



At dumating na yung order namin



Gosh andami nya talagang umorder



"Hinay hinay naman jan" sabi ko



Tiningnan nya lang ako



"Bakit ba gutom na gutom ka?" Tanong ko



"Hinintay kasi kita, di pa ko naglalunch" nalaglag ang panga ko.



Now he's vocal. Ganun.



"Dapat si Luna nalang ang sinama mo" sabi ko



"May pinuntahan kasi sya" sabi nya



So panakip butas lang ako?!



"Try this, masarap to" kinain ko yung nilagay nya sa plato ko



"Hmm oo nga" sabi ko



Mukhang walang nangyari ah, mukhang walang nangyayari, mukhang okay lang kami kung titingnan.



Kaswal kaming nagkwentuhan pero hindi tulad dati na nagbabangayan.



matapos naming kumain, nagulat ako dahil dumaan kami sa Mcdo, nagtake out sya ng bff fries at mcfloat



"Busog pa ko Taehyung" sabi ko



"Bakit pag ako na ang bumili, di mo na tatanggapin? Bakit pag si-"



"Wait, are you jealous?" Tanong ko



"It's my ego Red. I am not jealous" aniya at binigay sakin ang binili nya

He Left MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon