RED'S POV
Nagising ako, teka nasa kwarto na ko?
Binuhat nalang siguro ako ni Taehyung kagabi. Bumangon na ko at nagtungo sa sala. Nakita ko sya na tulog na tulog sa sofa. Never pa syang nakitulog sa kama ko. He respects me daw. Napangiti nalang ako ng bigla kong naisip yon. Naghilamos at nagtoothbrush muna ako. Tapos nagluto ako ng bacon and egg. Habang nagluluto ako ng bacon, medyo nagtatalsikan yung mantika kaya napapa ouch nalang ako. Ginagawa kong shield sa flying mantika yung bilao. Haha hindi kasi ako tulad ni Taehyung na magaling magluto.
"Aish" sabi ko ng napaso ako nung frying pan
Biglang may yumakap sakin mula sa likod. Of course kilala ko na yun. Ipinatong nya sa balikat ko yung mukha nya.
"Ako na nga haha" sabi nya at sya na ang nagpatuloy sa pagluluto
"Sorry ah. Nakatulog na pala ako kagabi, binuhat mo pa tuloy ako" sabi ko habang nakaupo sa tabi
"Sinong may sabi sa'yo na binuhat kita? Pinagulong gulong kaya kita kagabi haha!"
"Ouch!" Dugtong nya
"Isa pa Taehyung!" Pagbabanta ko
"Alam mo ba kung bakit ko nalaman na tulog kana kagabi?" Tanong nya
"Eh kasi di nako sumagot nung kinausap mo ko?"
"Nope haha natuluan na kasi ako ng laway mo hahahahaa!" Pagkasabi nya ay tumakbo sya
Ibinato ko sakanya yung tsinelas ko
"Laway pala ha! Eto kainin mo!" Ibinato ko pa yung isa kong tsinelas at nakaiwas nanaman sya. Naghabulan nalang kami, buti tapos na syang magluto kundi masusunog yung bacon. Nung napagod na kami, kumain na kami.
*ring*
Si Mama tumatawag, tumingin muna ako kay Taehyung then nag nod sya.
"Hello po Mama... okay po, around what time po? Okay po. Ingat po kayo. Bye"
"Nasa barko palang sila mama, around 12:30 daw sila dadating" sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain
"Dito ba sila maglalunch?" Aniya
"Oo. Pinapagluto nga ako eh" sabi ko
"Ako na magluluti, alam ko naman na di ka masarap magluto haha" pang aasar nya
"Oy marunong ako magluto noh! Di lang magaling."
"Whatever. Punta muna ako sa condo, liligo muna ako then dadaanan kita dito, bibili tayo ng ingredients. Dapat nakabihis kana pagbalik ko ah" sabi nya
"Aye aye, Sir!" Sabi ko
Umalis na sya, pumili na ko ng susuotin ko. White tshirt na mejo fitted na V neck at fitted jeans tapos converse na red. Ayoko magshorts, hindi sa panget ang legs ko, kundi ayoko kasi ng tinitingnan ng mga lalake yung flawless kong legs haha malamig kaya pag nakashort shorts. Nagsho'short ako pero hanggang tuhod lang haha. Lumaki akong mga lalake ang kasama kaya siguro ako ganito. Naligo na ko at nag ayos ng mukha. Eyebrows and lipstick lang. After ko magselfie at mag ayos ng buhok,
Narinig ko naman na bumusina na yung sasakyan ni V.
Lumabas na ko at nilock ang gate. Pagpasok ko sa sasakyan, may fries!
"Waaah sakin ba to?" Tanong ko
"Hindi, sakin yan" sabi nya habang nagmamaneho
Hindi yan mahilig sa fries eh, sa milktea lang.
"Anong sabi sa'yo nila Tito at Tita kanina nung dumating ka?" Tanong ko habang busy sa pagnguya ng bff fries na binili ni Taehyung
Napansin kong bigla syang nagblush
"Bakit ka nagbablush?" Tanong ko
"Erm. Kasi sabi nila baka daw kung anong ginawa natin kagabi" sabi nya habang nagbablush at nakatingin sa daan
"Ahh" wala akong masabi. Feel ko tuloy nagbablush narin ako
Nakarating na kami sa mall.
At parang nakakita nanaman ng artista ang mga tao. -_____- ang gwapo kasi ng kasama ko. Sorry girls, HE'S MINE! nilakasan ko yung pagkakasabi ko ng word na Baby tapos umakbay pa sya sakin so halos lumuwa na ang mga mata nila sa inggit. Bleeeeh!
Habang nasa Supermarket, ako ang nagtutulak ng cart. Sya ang pumipili ng mga ingredients. Then nakita ko nanaman yung side na puro trolli *Q*
I hate chocolates but I love sour candies. Kumuha ako ng malaki. Favorite namin to ni baby bruh si Seb (Sebastian). He's ten years old na pero binebaby ko parin haha
"Okay na ba? Wala ka ng ihahabol?" Tanong ni Taehyung
"Wala na hihi tara na" sagot ko
Si V na ang nagbayad ng lahat. Yaman kasi eh. Nang makabalik na kami sa apartment ko, nag umpisa na syang magluto. After several hours, dumating na sila Papa. Binuksan ko agad yung gate.
"Hi Ma, Pa, Seeeeeb! Halika dito bilis!" Sabi ko
Nung nakita ako ni Seb, bigla syang tumakbo papalapit at sumigaw ng
"Kuyaaaa!" Yung nilampasan lang ako ng kapatid ko. Ang epic fre. Hindi pala ako ang lalapitan, si Taehyung pala. Napalingon nalang ako at nakita ko ang sexy kong boypren na nakasandal sa pinto ng apartment at nakacross arms. Bigla syang yumuko para makipag apir kay Seb. Aigoo nakakapagselos, ako ba ang kapatis o si V? Pero ang cute cute nilang pagmasdan.
"Mukhang si Taehyung ang namiss ni Seb, hindi si ate Red ah" sabi ni Mama
Nagbless muna ako kay Mama at Papa, lumapit din si Taehyung samin para magbless kila Mama
"Kamusta po?" Bati nya
"Ayos naman. Mukhang lalong gumagwapo ah!" Bola ni Mama
"Nako ayan na si Mama" sabi ko
"Tara na sa loob" ani Papa
Pumasok na kaming lahat at kumain ng niluto ni TaeTae ko.
"Kuya Taehyung, laro tayong COC ah" yaya ni Seb
"Oo sige mamaya Seb" sagot ni Taehyung
"Tayo rin Baby Seb ah laro tayo mamaya" singit ko
"Ayoko po ate. I'm not a baby anymore. Malaki na ako. And you're a girl ate, dapat sa boys ako" pangangatwiran nya
"Ayaw mo ng kalaro si ate? Huhu I'm so sad, bahala ka ang dami pa naman nito" sabi ko sabay labas ng trolli na binili ko este ni Taehyung kanina.
"Ate what time tayo maglalaro?!" Sabi ni Seb
Natawa nalang kaming lahat. Sabi ko na nga ba at di nya mareresist ang all time favorite namin hahahhaha
V's POV
Ang saya saya talaga ng family nila Red. I wish I could have parents like hers. I cannot blame my parents for being so busy all the time, I know na ginagawa lang naman nila yun para sakin. Isa siguro sa nagustuhan ko kay Red ay ang pagiging caring nya. Mahal na mahal nya talaga si Seb, masyadong bine'baby. Haha ang cute lang..
Eh sa magiging babies kaya namin? *smirks*
