RED's POV
Bigla kong naalala yung mga masaya naming ala ala.. kanina... kahapon... nung isang buwan... nung isang taon... nung una kaming nagkakilala... dati... lahat yon ay parte na ng nakaraan para sakanya ngayon.
Halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang mga sinabi nya. Ayoko. Ayoko. Pakigising ako kung masamang panaginip lamang ito.
"I also thought I can forget... forget her.. I know hindi pa huli ang lahat para makapagsimula ulit tayo... bilang magkaibigan" aniya
"And don't worry welcome ka parin dito, I know you are my responsibility..." dagdag nya
"Ayoko! Hindi ko to matatanggap Taehyung! Argh! I wanna kill somebody right now. Shit Taehyung, If I have to force you, I'll do it, I will never let you go Taehyung" mariin kong sinabi
Aalis na sana ako ng higitin nya yung braso ko
"Look Red, gusto kong magkaayos tayo, sayang nama-"
"Shut it Taehyung!" Sigaw ko
Umalis na ako at bumalik sa kwarto ko...
Hindi ko mapigilan ang umiyak..
Ganun nalang yon? Matapos ang tatlong taon, basta basta nya na lang yon itatapon dahil nakita nya yung first love nya?
Kung kinakailangan kong maging kontrabida, gagawin ko yun. You'll taste my wrath Taehyung, even you Luna.
Kinabukasan...
Pagmulat ko palang ng mata ko,
Napapikit na agad ako.
Namumugto pala yung mga mata ko, kaiiyak kagabi.
9AM na pala, wala daw the whole month yung parents ni Taehyung dahil sa isang business trip. How unlucky am I, but I guess mas okay na yun, kaysa malaman nila ang kalagayan namin ng anak nila.
Lumabas ako sa kwarto matapos kong maghilamos at magtoothbrush. Pagbaba ko, kumulo agad ang dugo ko. Makita mo ba naman ang taong pinakamamahal mo, nakikipaghalikan sa taong kasalukuyang mahal nya? Kahapon lang, kami pa tapos ngayon ganito?! Ang aga naman ng Luna na to. At talagang nakashort shorts pa sya kahit winter. Gusto ba ni Taehyung ng babaeng nagshoshort? Kaya ba nya ko pinagpalit dahil masyado akong conservative?
Ngayon ko lang nakita na may hinahalikang iba si Taehyung. Kahit ako, di pa man lang nya hinahalikan sa labi tapos si Luna...? Gusto ng tumakbo ng mga paa ko at umiyak nalang sa kwarto pero sabi ng utak ko, ipaglaban ko si Taehyung.
Narinig siguro nila yung malakas kong paglakad kaya napatigil sila. Medyo nagulat si Taehyung.
Hindi man lang ako pinansin nung dalawa?
Ni hindi nya ako pinansin! Ghad! Is that what you call gusto-kong-magkaayos-tayo? Really? Suckers!
Nandito ako sa kusina, akala mo naman marunong ako magluto, ganun pa man, naririnig ko parin ang pag uusap nila..
"Honey, what do you want to eat? I'll cook, oh your favorite, Japchae!"mapang akit na tanong ni Luna
Ngumiti lang si Taehyung. So gusto nya pala talaga yung magaling magluto? Tapos ako di marunong magluto... kaya ba nya 'ko iniwan dahil mas magaling si Luna magluto?
Masakit. Gusto ng tumulo ng luha ko pero pinipigilan ko.
Gusto ko ng umalis pero wala akong kakilala na mapupuntahan.
Kinain ako ng takot na baka paalisib nya ako dito sa bahay nila, pero dahil ako si Red Santos, di ako magpapatali sa bruhildang yun!
Akala mo Taehyung, I'll take note of what you want from a girl. Lahat yon isasacrifice ko, magising ka lang sa malalim na pagkakahulog sa bitag ni Luna. Wait and see.
"Oh you're here, do you wanna help me?" Maarte nyang tanong sakin
Tiningnan ko lang sya kasi... hindi naman talaga ako marunong magluto...
Isa pa, nasa Korea kami, ni hindi nga ako fan ng KPOP kaya wala talaga akong kaalam alam dito. Wala akong alam na pagkain, di ko nga alam na favorite pala ni Taehyung yung.. ano nga ulit yon? Jamche? Kimchi lang ang alam ko eh. At isa pa, ang alam kong favorite namin ni Taehyung ay isaw dun sa may P. Campa. Aish. The memories, they keep on flashing on my mind! Medyo natulala nanaman ako.
"Or you really don't know how to cook? Haha. Aigoo. Please stay away, you might poison ng baby" maarteng sabi sakin ni Luna habang umiirap
Umirap din ako pabalik! Sino sya! Dukitin ko mga mata nya eh!
"I'm not planning on helping you, hell no!" Dahil sa inis Mejo napalakas yung pagkakasabi ko nun kaya pinuntahan na kami ni Taehyung sa kusina, napapansin nya na siguro na nagbabangayan na kami.
"Red? I don't know that you're like this. I am so disappointed" aniya
Aba sya pa ang may ganang madisappoint?
"Sya nagsimula! Di daw ako marunong magluto, baka daw lasunin kita" pagngangatwiran ko at kitang kita ko ang pagkairita sa mukha nya
"Totoo namang di ka marunong magluto. Sabi mo pa kagabi, kaya mong pumatay. Baka nga lagyan mo ng lason" sabi nya
What? For years nakita at alam nya hindi ako ganun.
"What? So you really took that seriously? Sorry naman! Kaya pala di nalason yung mga batang namamalimos dati." Sabi ko at nagwalk out
Bumalik ako sa kwarto ko.
Sumalampak ako sa kama at umiyak.
Ugh. I did not expect these sudden changes to happen in my, in our lives...
Sana pala nagstay nalang kami sa Pinas...
Maghapon akong nakadapa at umiiyak. May nagdala sakin ng lunch at breakfast pero di ko kinain. Malay ko ba kung lagyan ng Luna na yun ng lason yung pagkain. Maganda nga, para namang mangkukulam kung umasta. Why Taehyung? Why are you doing this to me?!
Nung gumabi na, lumabas na ko nang kumatok si Lee at sinabing ready na yung dinner. Wala na si Luna.
Nakita ko naman na kumakain si Taehyung.. umupo ako sa tabi nya.
Napansin nya na hinawakan ko yung kamay nya.
"Taehyung... Taehyung naman! Ipagpapalit mo sa three years natin yon?" Pagmamakaawa ko
I just don't know what to do. This is the only thing that came into my mind.
"Sorry but we're more than three years... before" boom
Ang'sakit. Ano nga ba ang three years namin sa childhood years nila? Kung mas matagal kaya kami, ipagpapalit parin ba nya ako?
"I'm sorry. Pero di na kita maihahatid at masusundo, Lee will take care of it" sabi habang walang ekspresyon sa mukha at tsaka umalis na
Pinilit kong kumain para may lakas ako bukas sa first day sa review center.
Akala ko pa naman, iaassist nya ako, sabi nya sya daw bahala sa akin tapos bigla nya akong iiwan sa ere?