My Girl Next Door
written by MISS_MinZha48
All Rights Reserved 2013
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
HIS POINT OF VIEW
GOOD MORNING :)
Idinikit ko na ang yellow cartolina sa may bintana ko at hinintay kang sumilip sa may bintana.
Alam mo nilakhan ko talaga ang bawat letrang nakalagay sa cartolina para makita mong maigi ang mensaheng gusto kong maiparating sayo.
Naghintay ako. Inintay kong mahawi mo ang iyong pulang kurtina nang sa gayon mabasa mo naman ang mensahe ko. Pero wala eh, kahit kaunting silip na mula sayo, wala akong nakita.
Haays, kelan mo ba ulit hahawiin yang kurtina mo? Kelan ko makikita muli ang mga ngiti mong napakaganda, yung ngiting kahit kelan hindi ko magagawang pagsawaan?
Alam mo miss ko na yun. Alam mo may kakaiba talaga sa mga ngiti mo. Biruin mo isang beses ko palang nakikita yung ngiti mo pero nakatatak na agad sa isipan ko! Ang galing nuh?!
Naalala mo ba nun? Bagong lipat ako nun eh. Napag-isipan kong tumira sa isang condominium na malapit sa school ko para hindi na ako mahirapan sa pagpasok ko araw-araw.
Sa sobrang pagod sa pag-aayos ng mga gamit ko, umupo ako sa sofa ko. Nakaharap ito sa pader na bubog kaya malaya kong makita ang isang building na wari ko'y isa ring bahay-patuluyan.
Tiningnan kong maigi ang kaisaisahang bintanang hindi nakahawi ang kurtina. Lumapit ako sa glass wall upang mas lalo ko itong mapagmasdan. Dala na rin siguro ng kyuryosidad ko kung sinong nakatira duon ay inintay kong mahawi ang makapal na pulang kurtina.
Pagkaraan ng ilang oras ay unti-unti na akong nagsasawa sa kakahintay na mahawi ang kurtina. Siguro wala duon ang may-ari kaya nanatili itong nakasara. Naalala ko rin pa lang marami pa akong aayusing mga gamit para sa unang araw ng aking pasukan.
Tumalikod na ako ngunit masyado na akong nagiging curious kung sino ba talaga ang nakatira sa likod ng kurtina na iyon kaya napagdesisyonan kong sumilip muli. Isang glance na lang talaga at kapag wala pa rin ay aayusin ko na talaga ang dapat ayusin.
Sa aking pagkaharap ay ang nakita ko ang unti-unting pagkakahawi ng pulang kurtina.
Nakita kita! Ang ganda mo! Hindi ko talaga inaasahan na isang magandang dilag pala ang nakatira sa room na iyon.
Napatitig ako sa iyo. Nakita ko kung paano kumurba ng kaunti ang manipis mong labi habang pinagmamasdan ang paruparong napadapo sa isang bulaklak na nasa maliit na paso na nakasabit sa may paitaas na bahagi ng iyong bintana.
Hindi iniwan ng mga mata ko ang maganda mong mukha. Nakita kong bumababa ang paningin mo hanggang sa magtama ang ating mga paningin.
Nagkatitigan tayo. Hindi mapigilan ng labi kong hindi makangiti sa pagsilay sa maamo mong mukha.
Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sayo, marahil medyo naiilang ka na kaya medyo umiwas ka ng tingin. Nakita ko namang ngumiti ka ng may halong pagkahiya, kasabay ng iyong mabilis na pagkaway ay mabilis mo ring itinakip muli ang iyong kurtina.
Hindi maalis sa mukha ko ang ngiti dahil sa patuloy pa ring sumisirkulo sa utak ko ang magandang imahen mo. Ang ngiti mong talagang nakapukaw sa atensyon ko ay hindi matanggal sa isipan ko.
Hindi ko namamalayan bumibilis na pala ang tibok ng puso ko! Bakit? Na-like at first sight ba ako sayo? Bakit hindi? Talagang hindi ko naman maitatanggi ang angking kagandahan mo. Oo ilang beses ko ng naulit kung gaano kaganda ang mukha. Bakit? Totoo naman eh.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Barbero [A Compilation of One-Shots]
Short StoryIsang kumpol ng mga storyang magpapa-tawa, kilig, at iyak (optional XD) sa iyo ng husto. Ewan ko na nga lang kung magiging epektib ang writing skills ko sa inyo. Hope so *cross fingers*. ROCK AND READ BEYBEH \,,/(òÓ,)\,,/