[네] My Pal

82 4 2
                                    


[] My Pal
written by MISS_MinZha48

>~>~>~>~>~>~>>~>~>~>>~>~>~>~>

HER POINT OF VIEW


"Nakakainis ka naman tol eh!"
Sabi ko with matching padyak-padyak and yuko-yuko plus wagwag of kamay.



"Bakit naman aber? Kasalanan ko bang wala kang t-shirt, huh?" Sinapok ko naman sya ng mahina sa braso nya.



"IIIIIHHH! Kainis ka talaga! Napaka wala mong konsiderasyon! Hmp!" Sinimangutan ko lang sya tapos nagpapa-padyak pa rin. Arrrghh!



"Tamo Drei oh, ang ganda nung font!" Sabi nya habang matiim na sinusuri yung t-shirt. I just shot him an irritating look and gave him another punch in his arm.



"Tigil-tigilan mo nga ako Christian at talagang makakatay talaga kita!" Inis kong sabi sa kanya.



"Haha. Joke lang tol! Kaw naman, hindi na mabiro," sinuot naman nya yung shirt even though naka polo pa rin sya, "bagay ba?" Tapos nag-pogi pose kuno pa sya.



Abat talagang naghahanap ng away tong lalaking to ah! Argh!



"LINTEK kang lalaki ka! At nagawa mo pang mang-asar huh? Ano gusto mo away o gulo sige pumili ka!" Hinila ko ang sleeve ng uniform ko pataas para maging angst yung dating.



"Pwede yung O?" Bumelat sya at kumaripas ng takbo!




"Arrrgh! Pag talaga nahuli kita, ibabaon na talaga kita sa lupa! As in 6 ft. below the the ground!!" Pasigaw kong sabi sa kanya.



"Hoy mareng Drei, ano ba yang tuong ikinapuputok ng butsi mo, huh? Agang-aga eh umuusok na yang tenga at ilong mo," singit na sabi ni Anghel. Oo may ganyang pangalan sa section namin!



"Eh kasi bwisit na Christian yan. Napaka-INCONSIDERATE!" Malakas kong sabi para marinig ni Christian, "hindi nya kasi ako pinadamay ng t-shirt ng press con. kay Ma'am Prechi eh," tapos sumimangot naman ako ng pagkakainam.



"Haha! Alam mo muntanga ka!" Glinarean ko naman sya. Yung parang may kuryente effects.



"Aray huh! Kelangan talagang muntanga hindi ba pedeng kawawa ka naman mare ang sabihin? Frustrated na nga yung tao, mumurahin mo pa plus tinawanan mo pa!"



"Chillax ka lang girl. Hinahighblood ka na naman eh,"
kunyareng comfort nya saka humagalpak ng tawa. Makaalis na nga at lalo akong naba-bad trip!



Dumeretcho ako sa canteen namin na halos puros mga ginto ang tinda! Believe me, hindi ako nagjo-joke, mamumulubi ka talaga sa mga tinda nila!



Bumili ako ng my oh-so-favorite-temptation Chukie at dumiretso sa kinauupuan ni Christian.



"Hoy Mr. Napaka-INCONSIDERATE! Ano na naman ba yang kalokohan yan huh?" Manang na manang na pagkakasabi ko.



Sa halip na sagutin ako eh binigyan nya lang ako ng silence hand gesture. Abat!



"Hoy ano ba yan huh?" Umupo ako sa harap nya at pilit na tiningnan yung sinusulat nya.



"Wag ka ngang magulo. Nagko-consentrate yung tao eh!" Inis nyang sabi.



"Ano ba kasi yan? Wattpad?" Sabi ko tapos sinip yung oh-so-favorite-temptation Chukie!



"Yup!" Tapos tuloy pa sya sa pagsusulat.



"Sows. Nako Mr. sexygangster13 (uso plug! Haha :D) ang pagsusulat ng kwento sa wattpad ay hindi ganyan kasineseryoso. Sa tingin mo maie-express mo yung totoong emotion kung super ka duper serious ka? Noo!" Exaggerated kong explain sa kanya.



"Alam ko naman yon MISS_MinZha48 (umuulan talaga ng plugs! Haha.) ! But in this kind of story I think kelangan kong mag-concentrate."




"Ano bang genre nyang sinusulat mo teen fiction?"
Umiling sya, "romance?" Muli ay umiling na naman sya, "uhmmm action?" Iling lang sagot ni koya, "ahh mystery?" Iling ulit! TSKKK!



"Hwag mong sabihing NON-TEEN FICTION!" Nakita ko namang sumilay ang matawa-tawang mukha nya. Yung mukhang natatae na Ewan.



Huminga sya ng malalim at pilit na tinanggal ang super funneh fes nya, "yup! And guess what."




"What?"




"Tapos ko nang sulatin! MWAHAHAHA!" Yung tawang may balak sya ng masama na ewan ganun yung tawa nya!



"And then?" Bored kong sabi.



"And then Hollywood actor na ako!" Papapalakpak pa nyang sabi.



"Grabe sino bang Poncio Pilato ang sumapi sayo, huh?" Pa taray ko sabi.



"Uhm.. Si Harry Styles?"



"Whatever! So ano nga palang plano para sa teachers' day?"
At tuluyan ko ng naubos ang oh-so-favorite-temptation Chukie ko.



"Basta. Kunyare magulo ang klase tapos syempre susugod duon si Ma'am tapos voila program na sa classroom. Bahala na basta dapat maiyak si ma'am!"



"Wow huh! At anong balak mo para mapaiyak si ma'am aber?"
Pataray kong sabi.



"Bahala na. Siguro kelangan ng cooperation ng TPK para mas ma-feel ni ma'am," tapos animo'y na nag-isip siya.



Nagkibitbalikat na lang ako at itinuloy ang diskusyon tungkol sa animo'y non-teen nyang story. Pwe!



Teachers' DAY


"Happy Teachers' Day Ma'am Prechi!" Bakas ang gulat na expression ni ma'am sa sorpresa ng section namin na walang iba kundi ang EL SERBISYO! Wooooh! Haha.



MASAYA ang naging flow ng munting program namin para kay Ma'am. We gave her two novels and a bouquet of roses. Syempre hindi mawawala ang bonggang message all thanks to Mea! And ang walang kasawa-sawang kantahan! HIHI.



"Speech! Speech!" Request ng buong klase.



"Ahhmm thank you mga Anak sa surprise nyo. Though medyo pahalata kayo sa una. Ang message ko lang is that I'm thankful dahil na-handle ko ang class nyo, though malimit sumasakit ang lalamunan at ulo ko sa pagsesermon sa inyo araw-araw eh nagagampanan nyo pa rin ang mga dapat nyong gampanan bilang estudyante. Tulad na lang ng Buwan ng wika, mural, door decor, at marami pang iba. Your section has always been united, which is why happy ako para sa inyo. Sana lang hanggang fourth year nyo eh sama-sama pa rin kayo." And there nagsimula ng umiyak si ma'am.



"Awwwww," O.A. na reaction ng pagka-touch na sabi ng classmates ko.



Napa-baling naman ako kay Christian at hindi mo maikakaila na bothered yung face nya.



Nilapitan ko naman sya at tinanong kung bakit, " ahh wala, na-touch lang talaga ako sa sinabi ni ma'am" rason nya.



"Talaga lang huh?" May halong pagdududa kong sabi.



"Yup!" Then he smiled widely kaya hindi mo na makikita yung mata nya. Wala eh makapal eyebags! Haha. Joke. Chinito RAW kasi sya eh!



After ng teachers' day nagkaroon kami ng semestral break kahit hindi naman talaga kami college pa. Pero oks lang kasi haller NO CLASSES! BWAHAHA!



After ng sembreak back to school na naman which is I think is the most terrifying thing that can happen! Ajuju.



"Aba, aba, masyado yatang nae-enjoy ni Christian ang bakasyon nya," napalingon naman ako sa sinabi ni Bert.



Napadako naman ang tingin ko sa chair nya and wala nga sya, akala ko late lang sya pero nakarating na si CD-ang laging late sa klase, eh waley pa rin sya.



Nakalipas ang dalawang linggo at hindi pa rin sya napasok. Madalas gloomy ang klase kasi wala yung jolly na President namin na si Christian nga. HAAAYS, kelan kaya sya babalik???



Dumating ang Monday ulet ang wala pa rin at sight si Christian. Aksuali miss na miss na sya ng klase. Walang nakakaalam kung ano na nangyari sa kanya until....



"I'm sorry to say class, but Christian transferred to another school, " and then everyone went silent.



After a couple of minutes saka pa lang nagkaroon ng kani-kanilang reaction ang klase. Me' umiyak, nalungkot, at nagprotesta na akala mo'y magra-rally. Oo ganyan ka O.A. ang klase namin mana raw sa adviser eh.




Lumipas ang ilang araw at unti-unting natatanggap na namin ang paglilipat ng school ni Christian, buti na lang nandyan yung adviser namin para ipaintindi ang mga nangyayari.



"Haay. Miss ko na si Christian. Sa tingin mo babalik pa sya next year?" Tanong sakin ni Yeye.



"Malay ko. Pero sana..."



*story ends here*


*|*|*|**|*|*|**|*|**|*|*|*|*|**||**|*|*|*|*|*|*|*


SandyKEYT's LETTER

Hi dur!! Ilang Buwan na ba ang nakakalipas simula nung last update ko?? Umm, wag na nating alamin at subrang nakakahiya! Oo marunong po akong mahiya! Haha. Kidding aside.

Ang bagong addition po sa collection ng kwentong barbers ay inspired kay
sexygangster13 -isang masugid kong die-hard fan! Haha :) . Oo inspired sayo to halata naman diba! Kaya hoy! Basahin mo to OKE? Hoy lalaki! Alam mo ba miss ka na ng El Serbisyo! Kawawa nga sina Dianne at Arylie at tinalo pa nila ang mga mata ng adik! Nakakainis ka alam mo yun? Syempre hinde! Haha! Basta, ikaw kasi wala ng formal goodbyes and such samin! Hmp! Ni hindi mo nga kami pinuntahan nung nag-seventh aniv ang school eh. Nevertheless mahal ka pa rin ng Serbisyo! Nakuu, bumalik ka na huh! Matamaan ka sana sa sinabi ni Ma'am Prechi nung nag-recollection tayo! Syanga pala, pasensya at late ko na itong nai-publish, ang hirap Gawin ng ending eh. Oh well, I just want you to know na miss na miss na miss ka na ng service ikaw ba miss mo ba kami? Oo nga pala tingnan mo yung class picture ng El Serbisyo huh! HIHI. HOY MAG-COMMENT KA HUH! :)


. VOTES . COMMENTS . BE A FAN . --------> Highly Appreciated ;)

Mga Kwentong Barbero [A Compilation of One-Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon