Long Distance Relationship

524 32 1
                                    

"Long Distance Relationship"

 By: forever_im_happy

ENJOY READING!!!!!

---

"Ace ma mi-miss kita" sabay yakap ko sa likod nya habang  nililigpit nya yung mga damit at pinasok sa kulay itim na maleta.

Napabuntong hininga sya sa ginawa ko. napapikit na lang ako habang yakap ko sya, pinipigilan ang pag patak ng luha.

Humarap sya sa akin at tinanggal nya yung braso ko na nakayakap sa bewang nya. tiningala ko sya dahil mas matangkad sya sa akin

"Tandaan mo, aalis lang ako para sa future nating dalawa. Okay" sabay ngiti nito sa akin at saka hinalikan ang noo ko.

"Kahit anong mang yari tayong dalawa parin para sa isa't-isa." tumango ako bilang sagot ko sa kanya.

"Kahit anong mang yari tayong dalawa parin para sa isa't-isa."

________

"Babe mag ingat ka doon ah?" Sabay yakap ko na naman sa kanya. Tumango sya bilang sagot nya.

"Huwag mo akong papalitan ah?" hindi ko alam kung saan ko na kuha yun, basta-basta na lang lumabas yun sa bibig ko. napatawa naman sya sa sinabi ko.

Ang tawa na yun ay ngayun ko na lang muli maririning ng personal. naan dito kasi kami ngayun sa NAIA....

.. Dahil ngayun na yung alis nya patungong France...

"Bakit naman kita ipag papalit?" sabay hawak nya sa ulo ko at iniharap nya 'to sa mukha nya

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon