The Deaf.

60 5 1
                                    

"The Deaf."

By: forever_im_happy

ENJOY READING!!!!! 

"Ms. yung bag mo naiwan mo."

Habol ko sa babaeng naka uniform, pero imbis na tumigil ay nag tuloy-tuloy lang ito sa pagtakbo na akala mo ay hindi na rinig yung pag sigaw ko.

Unti-unti na rin syang nawawala sa paningin ko gawa ng madaming tao dito ngayun sa park .

Bukas ko na lang siguro 'to ibabalik ,siguro naman ay magkikita parin naman kami dito.

.Araw-araw ko sya ditong nakikita kaya hindi na din ako nanibago o nagulat kapag may naiiwan syang gamit dito sa inuupuan nya.

Pero dalawang linggo na ang nakalipas, hindi ko pa din sya nakikita dito sa park. Ang dami dami na ngang pumapasok sa isip ko 'Baka lumipat na sila ng bahay' O 'Baka naman ay sawa na itong  mag punta dito'.Pero kahit na ganun ay ipinagdarasal ko parin na kahit isang araw manlang ay magpakita sya sa akin. sana nga... sana nga ay magkita uli kami. dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag hindi kami nag kita O nagkausap.

Dalawang buwan na ang nakalipas pero ganun parin.. Umaasa parin ako na sana ay makita ko sya dito sa park na naka headset at nilalaro ang kanyang cellphone.Sa araw-araw na ginawa ng dyos ay alam ko kung ano itong nararamdaman ko para sa kanya. Una palang alam ko na sa sarili ko kung ano ito ngaunit pinabayaan ko na lamang dahil alam ko na habang tumatagal ay palalim ito ng palalim. kaya ngayun kung gaano kalalim ang pagmamahal ko sa kanya ay ganun din ka lalim ang pag iisip ko kung paano ko ba sya makikita. Ipinag darasal ko rin at hinahanda ko na din ang sarili ko kung mag tatagpo man ang landas namin.

"Pre,Jude huling araw mo na lang" sabi ni Jay,kaibigan ko.

"Gago ano to huling pulaw? bukas ang libing ko." sabay batok ko sa kanya. Nag tawanan nalang kami. Ngayon ay huling araw ko na lang dito sa pilipinas kaya sinusulit na lang naming mag kakatropa ang araw na ito. Pero nababahala parin ako kung tutuloy ko pa ba ang pag alis ko. Hindi ko alam, nalilito na ako. Ayaw ko namang iwanan si Savnah dito sa pilipinas na hindi nag papaalam at hindi ko pa sinasabi ang nararamdaman ko. kaya nag promise ako sa sarili ko na kapag nakita ko syang muli ay aamin na ako.

Nagtataka ba kayo kung paano ko na laman ang pangalan nya? sa bag nya kasi,nung time na pinakialaman ko yung bag nya ay doon ko nakita na may naka lettering na 'Savnah Sue' O 'Ms. Double S'.

Nagpaalam na sa ako sa kanila at dumeretso ako sa park.Ngayon ay nakaupo ako kung saan inuupuan nya rin ito. napa facepalm na lang ako habang nakayuko. Naiiyak ako.

Kung iisipin parang bakla ako dito sa park na umiiyak natawa na lang ako sa sarili ko. Hindi ko sumagi sa isip ko nakalimutan sya. Lagi syang nasa isip ko at puso.

"Naman kasi,dapat sinabi mo na rin..."

"Haaay ewan ko sayo. tsk..."

Napataas ang tingin ko sa boses ng babae at kasabay non ay ang paglaki ng mata ko.

"Savnah..." Hindi ko alam. halo-halong emotion ang nararamdaman ko.

Napatingin silang dalawa sa side ko. Hindi ko alam pero nung napatingin sya sa akin ay napangiti na rin ako. Hindi ko alam kung papaano ko uumpisahan. Hindi ko napansinsin na unti-unti na pala akong humahakbang papaunta sa kanila at hindi ko rin alam kung papaano ko nasabi yung katagang iyon. ''Savnah ... Buti bumalik ka' Nakita kong nagulat ang katabi nya habang sya naman ay nakatutok parin ang paningin nya na hanggang ngayon ay wala paring emotion.

Ngayon na nasa harapan na nila ako ay hindi ko napigilan na yakapin sya,

"I miss you so much" kasabay din nun ang pag patak ng luha ko, tears of joy.

Nang bumita ako ay ganun parin ang motion nya,walang pinagbago. napansin siguro iyon ng katabi nya.

"She unable to speak ..." Parang gumuho ang mundo ko nung sinabi nya iyon.Nag tuloy-tuloy ang pag patak ng mga luha ko. Niyakap ko na lang sya. Hindi dahil sa awa kundi dahil sa tanggap ko sya, dahil naniniwala ako sa kasabihang 'Kung mahal mo ang isang tao dapat tanggapin mo ito Kung ano man ang meron sa kanya'

Naramdaman ko ang dalawang kamay nya na nasa likod ko.

I make a hand language and I mouthed...

''I love you''

THE END~

-------

Vote|Comment|Be A Fan

-forever_im_happy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon