Maririnig mo ang tunog ng takong mula sa sapatos ng ang apat naggagandahang babae sa gitna ng hallway.
Exaggerated mang pakinggan pero sa sobrang ganda nila, para silang naglalakad na glitters sa sobrang kinang nila. Oo kumikinang sila sa paningin ng mga estudyanteng humahanga sa taglay nilang ganda.
Ang isa sa kanila ay si Lashiana Kraft. Siya ang maituturing na anghel sa kanilang apat. Laging top 1 sa klase nila, mahinhin, kaibigan ng lahat at napakasimpleng tignan, pero makikita mo pa din ang pagiging fashionista niya.
Ang isa naman ay ang kakambal niyang si Lareine Kraft. Maganda din si Lareine pero makikita mo na kahit kambal sila ni Lashiana ay may pagkakaiba pa din sa kanila bukod sa itchura nila. Matalino din siya tulad ng kapatid niya pero mas nagfo-focus siya sa talent niya.
Si Winona Stravinsky naman ang napakamasiyahin sa kanilang apat. Kilala din siya sa university nila dahil apo siya ng may-ari at founder ng Hoshida Constellae University. Friendly at mabait din siya tulad ni Lashiana.
At ang isa pa ay si Tiarah Amerae Grant. Masasabing siya ang pinakaangat sa kanilang apat, dahil bukod sa siya ang pinakamay maputing kutis sa kanila, blonde din ang buhok niya. Makikita mo sa appearance niya ang pagiging Half-Canadian niya. Sa edad niyang 17years old, meron na siyang sariling clothing line. At kung tatanungin niyo naman ako kung anong ugali niya? Ang masasabi ko lang ay MAGANDA SIYA. Napakaganda ni Tiarah.
Nahinto ang tunog na nanggagaling sa takong ng stilleto ng apat na dalaga nang harangin sila ng mga varsity players sa University nila.
"Hi Tiarah, I want you to be my queen later sa ball." -Jameson, ang team captain ng Basketball team ng HCU na matagal ng may gusto kay Tiarah
Marami ang nakarinig non dahil sinadya ni Jameson na marinig ng nasa paligid nila ang sinabe niya. Dahil sigurado siya sa sarili niya na hindi siya tatanggihan ni Tiarah na maging partner sila sa ball na gaganapin mamayang gabi. Lahat tuloy ay nagaabang ng magiging sagot ni Tiarah, at siguradong marami ding nageexpect na papayag siya sa gusto ni Jameson dahil kung titignan sa physical appearance nila ay bagay na bagay silang dalawa.
"Queen your a*$. Move."
Sagot ni Tiarah na naging dahilan ng pagkawala ng ngiti sa labi ni Jameson. Napalitan ng inis ang reaction sa mukha niya. Ilang segundo pa ay hindi pa din siya gumagalaw sa kinatatayuan niya kaya nakaramdam ng inis si Tiarah. Tumingin siya sa mata ni Jameson at saka ulit nagsalita.
"I.said.MOVE."
Natakot naman ang mga kasama ni Jameson kaya hinatak siya ng mga 'to para gumilid sa dadaanan nila Tiarah. At pagkagilid naman nila kay Jameson ay nagtuloy na ulit sina Tiarah sa paglalakad pabalik sa room nila.
"Napakaarte. Kala mo naman may iba pang magaaya sa kanya sa ball mamayang gabi. Pasalamat nga siya inaya pa siya."
Bulong ni Jameson habang nakatingin sa likuran ni Tiarah. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kanya ng mga kasama niya at nagsimula ng maglakad. Nagsimula na ding bumalik sa pagkilos ang ibang mga studyante na kanina lang ay nanunuod sa kanilang dalawa.
- - - - - - - - -
Pagkabalik nilang apat sa room ay agad na kinausap ni Winona si Tiarah sa nangyari
"Grabe ka kay Jameson. Sayang naman yun inaya ka na nga niya oh. Kawawa tuloy yung tao." - Winona
"Di ko naman siya inutusang kawawain yung sarili niya sa harap ng mga tao." - Tiarah
"Pero nagmamagandang loob lang yung tao. Saka matagal ka na kaya nun gusto." - Winona
"Sinabe ko bang magkagusto siya? Na magmagandang loob siya?" - Tiarah
BINABASA MO ANG
PERFECT TWO [ON-GOING]
Teen FictionHow will you know that they're perfect for each other? That they will be the PERFECT TWO?