CHAPTER TWO

264 11 15
                                    

TIARAH'S POV

Nag-alarm na ang phone ko after kong makapahinga after 30minutes.

Kailangan ko ng pumunta ng comfort room. Nagmamadali na ako ng biglang nabangga ako sa katawang tao na hindi ko alam. Kaya tinignan ko kung sino man ang nakaharang sa pinto ng CR.

"What's the matter here? Bakit kayo nakaharang sa pinto ng comfort room?"

Pataray kong tanong sa mga nakaharang sa pinto. Ayoko pa naman sa lahat na maiistorbo ako sa gagawin ko lalo na kung call of nature.

"It's you!"

Sigaw ng babae after niyang huminto sa pagkatok sa pinto.

"Huh??"

Nagtataka ako kung bakit niya ako tinuturo. Napagtaasan ko tuloy siya ng kilay. Agad naman na lumingon sakin ang tatlong lalake after magsalita nung babae.

"Tama, ikaw nga si Tiarah."

"Ikaw ba yung nagpaiyak sa kapatid ko?"

Lalo kong naitaas ang kilay ko. Hindi ko alam ang tinutukoy ng lalakeng lumapit sakin at sa aura niya papalapit sakin ay inaangasan niya ako pero sino ba siya para masindak ako sa pag-aangas niya.

"And so? Kung ako nga nagpaiyak sa kapatid mo, wala akong pake. Gagamit ako ng comfort room, so please get out of my way."

Napa-smirk ang lalake sa harapan ko. Wala akong pakealam kung mainsulto siya sa sinasabe ko, dahil ayoko din sa lahat ay aakusahan ako sa hindi ko naman alam na ginawa ko. Malay ko ba kung sino ang kapatid niya, at wala akong natatandaang may bata dito sa campus na pinaiyak ko. Yes, I hate kids pero hindi ako nagpapaiyak ng bata.

Biglang bumukas ang pintuan ng comfort room at lumabas ang babae namumugto ang mata. Familiar na siya sakin. Siya yung babaeng tinry pahiyain si Lavignia. So siya pala ang tinutukoy na pinaiyak ko. Napa-ngisi na lang ako ng sarcastic habang hapalapit siya sakin at sa tingin niya ay halatang halata na naiinis siya sakin.

That's what I like, yung makikita kong may naiinis sakin dahil sa kagagawan din nila.

"It's your fault! Everyone thinks that I'm a loser now."

Ramdam na ramdam ko ang pagkainis niya. Lalo naman akong natutuwa sa pagkakarinig ko sa sinabe niya. Alam kong onting ihip lang ng hangin ay iiyak na ulit siya.

"Is it really my fault na ang babaw mo?"

I crossed my arms habang nakangisi pa din ng sarcastic after kong magsalita. Biglang nangilid ang luha niya saka siya napasigaw.

"I'll kill you!"

Akmang susugurin na niya ako ng hinarang siya ng dalawang lalakeng nakaabang din kanina sa pintuan ng cr.

"Can you please stop being psychotic. Paalala lang hindi mo ko matatakot sa pagpatay mo sakin, not unless gusto mong sayangin ang buhay mo sa kulungan dahil lang sakin? Wow!" Tumingin ako ng direkta sa mata niya habang lumapit ng kaunti sa kanya pero nakaharang pa din yung mga lalake. "I feel special." Dugtong ko pa.

"Stop calling my sister 'psychotic'. Baka hindi kita matancha."

Singit ng lalakeng feeling knight in shinning armor sa little sister niya. How cute to look at him, ang sarap niyang tirisin kasama ng kapatid niya.

"Then tell your sister to stop being psychotic, okay?" Pang-aasar na sagot ko.

Nakipagtitigan pa sakin ang lalakeng kapatid ni Psychotic. Akmang sasampalin na niya ako pero hindi ako nagpasindak dahil hindi talaga ako takot masampal kasi sigurado akong may kapupulutan siya sakin once na idikit niya ang kamay niya sakin.

PERFECT TWO [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon