Chapter One

35 6 0
                                    

Shin Hyun Hee

"Dadaan ang mahal na reyna!!!" Sigaw ng aking kawal, naka upo lang ako sa aking karwahe na binubuhat naman ng aking mga alalay, papunta kasi ako sa hardin upang pagmasdan ang mga halaman na nagpapagaan sa aking pakiramdam na dahil doon ay nakakalimutan ko ang aking mga problema lalong lalo na ang aking malalang karamdaman...

Ang sabi ng aking manggagamot ay malapit na akong pumanaw,

napakasakit isipin....

Labing pitong taon na ang nakakalipas...

"Ina!! Ama!! Gumising kayo!" Sigaw ko, habang pumapatak ang aking mga luha

"Shhh...A-anak tahan na, tu-tumakas ka na" bulong ni nanay,

"I- itago mo ang ku-kuwintas na ito anak ko, ilalayo ka nyan sa mga masasamang ispiritong mangangahas na ku-kumuha sayo" iniabot ni ama ang isang kuwintas na may pulang palawit

"Mag iingat-" hindi na natapos ang sasabihin nila dahil sinakal sila ng isang kulay itim na espirito, wala na sila, kinuha na nung masasamang espirito ang kaluluwa nila

Dali dali akong nagtago sa ilalim ng kama, habang pinapanood ko na mawalan ng kaluluwa ang ina at ama ko, tinakpan ko ang bibig ko upang mabawasan ang pag hagulgol ko, gusto ko sanang sumigaw ng

Tama na! Itigil mo na yan

Kaso hindi ko magawa dahil narin sa sobrang natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari, naalala ko yung binigay saakin ni ama at naalala ang mga binigkas nila

"I- itago mo ang ku-kuwintas na ito anak ko, ilalayo ka nyan sa mga masasamang ispiritong mangangahas na ku-kumuha sayo"

Hindi ko alam kung papaano ako nakakuha ng lakas ng loob pero lumabas ako sa pinagtataguan ko at sinabing "itigil mo iyan!!" Habang umiiyak

"Aw, isang paslit, gusto mo na bang sumunod sa kanila" sabi ng nakakatakot nyang boses, inilapit ko ang pulang kuwintas sa kanya na sya namang nagliwanag, at hindi ko napansin ang itim na mahika nya, kaya dumapo sakin ang sumpa nya at sinabi nya ito bago sya mawala

"PAGBABAYARAN MO ITO!! SA IKA DALAWANG PO AT IKATATLO MONG KAARAWAN AY MAMAMATAY KA SA ISANG MASAKLAP NA KARAMDAMAN!! SUMPAIN KA!!" At tuluyan na syang nilamon ng liwanag hingal na hingal ako pagkatapos ng ginawa ko mukhang nahigop yung lakas ko at bigla naman dumilim ang paligid at nawalan na ako ng malay.

Park Chi Min

Dumating na kami ng mga kawal sa patutunguhan namin, may tatlong bangkay, tinignan ko ang hitsura nila at sinabi sa kanila na "ganitong, ganito rin ang hitsura nila, ng mahal na amang hari at inang reyna ng makuha ang kanilang kaluluwa ng masamang nilalang na 'yon", at napansin ko yung batang babae, malusog sya maliban sa dalawa na buto't balat na lamang.

itinuro ko sya "maliban na lamang sa batang ito"

Tinignan nung kawal ang pulso nya "buhay pa po sya"

Buti naman at may nabuhay sa masaklap na trahedyang ito. Talagang kaawa awa yung lagay nung bata

"Dalhin sya agad sa palasyo at ipagamot ngayon din, kailangan natin malaman kung ano ang nangyari" utos ko

"Opo, prinsipe Chi Min" sabi ng dalawang gwardya, may napansin akong nahulog sa kamay nung bata nung buhatin sya nang dalawang kawal, isa itong kuwintas na may palawit na pulang bilog, mukhang sakanya ito

Shin Hyun Hee

Nagkamalay na ako, medyo malabo pa ang nakikita ko, ngunit nakaka aninag ako ng isang tao, lalaki, mapupungay ang kanyang mga mata, makisig, ma- argh tumigil ka nga Hyun Hee! Tinanong ko ang napakakisig na lalaking ito "na-nasaan ako..... aray!" napahawak ako sa ulo ko,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Queen And JeremyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon