Chapter 1

26 2 0
                                    


"Date tayo?"


"Ayoko nga. Ano ka sinuswerte?" Inirapan ko lang siya.


"Ang arti akala mo naman pretty." Pinanlakihan ko siya ng mata. Napahalakhak naman siya ng makita niya ang reaksyon ko.


"Oh saan ka na pupunta?" Sabi niya ng mapansin niyang sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko. At isa-isang nilagay sa bag ko.


"I'll take you on friendly date unlike any other you've been on." And gave me he's billion dollar smile.


I sighed. How can I ever say no to these Kingking of mine?



**********


"Saan ba kasi tayo pupunta?" Hingal na hingal na ako pero patuloy pa din siya sa paghila sa akin dito sa loob ng mall.


Teka, sa supermarket?


"King Romeo." I called him again. Pero hindi pa din niya ako pinansin.


He led me inside the supermarket. Made me sat on a chair in front of the empty lobster tank which he borrowed from one of the sales lady.


"Wait for me here my Juliet."


He came back with a bag of chips and two cans of coke.


Ibinigay niya muna sa akin yung chichirya na dala niya pati yung isang coke. Tapos binuksan niya yung hawak niyang coke at binigay sa akin tsaka niya kinuha yung mga hawak ko. Pati ang bag ko ay sinukbit niya sa balikat niya.


"Huliet? Ano? Ready ka na?"


"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" Inginuso niya yung nasa harap namin. Tsaka ko na lang napansin na ang kaninang walang laman na lobster tank ay nilagyan na ng laman. Dalawang lobster na ang meron and they don't seem to be in good terms.


"Tapos?" Nagtatakhang tanong ko sa kanya.


Tiningnan naman niya ako na para bang ako na ang pinaka-imposibleng taong nakilala niya dahil sa tinanong ko sa kanya. "Pustahan tayo. Akin yung lobster number 1, sayo yung lobster number 2."


Narealize ko na lang ang ibig sabihin niya ng magsimulang mag-away yung dalawang lobster sa loob ng tank. Nang liningon ko siya ay napakaseryoso na ng hitsura nito.



Wala sa sariling napangiti na lang ako nang maisip ko kung anong ginawa niya ngayong araw na 'to para sa akin. Ano bang ginawa kong mabuti at biniyayaan ako ng ganito kabuting bestfriend?

Love Got Me TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon