Chapter 2

15 2 0
                                    

It was monday morning when I finally decided to go back to work. Nakakatamad, pero I have to because dad's gonna kill me. I messed up last time kaya dapat bumawi ako.

Pagpasok ko sa Buenavista Towers ay bumungad sa akin ang pagbati ng mga emplayado. Being the bitch they know, hindi ko na lang sila pinansin. I headed to my office and started scanning the papers which I have to sign.

Maya maya pa ay pumasok na si Beau to tell my schedule for today. He keeps on blabbering stuffs about something I dont understand because my mind is flying somewhere else. Hindi pa din kasi ako makapaniwala sa nangyari kahapon.

I saw him again, the guy who made my 'high school life' painful and memorable at some point, if I may add. I don't know what to feel. I am happy but at the same I wanna punch his face because of what he did to me. And so I did. Umuwi siya ng may bangas. A broken nose and a bleeding lip is what I guess he deserves.

I thought he would get mad, but he just smiled at me and patted my shoulder as if he's trying to say that he understand. He left me speechless.

Beau snapped his fingers in front of my face bringing me back to reality. "Ma'am?" He asked in a worried tone. "What is it again?" I cleared my throat and started to scan again the papers in my tables.

"Your supposed to meet the said investor ma'am but they rescheduled it for some important matter. So the only thing you need to do today is meet Ms. Jeremy Aranes for your interview for their February Issue." He said as he reads his notes.

Napamaang naman ako ng marinig ko ang sinabi niya. "What? Kailan ko inaapprove yang interview na yan? And for what magazine?" I said as I gave him the what-the-fuck-did-you-just-said-look. I don't remember saying yes. The mere fact that they get a chance to ask me personal questions is making me see red all over. I hate interviews. Period.

"But--" I raised my hand making him stop from talking, "Cancel the fucking interview with that Jane."

"Its Jeremy ma'am."

"Jane or Jeremy doesn't matter. I dont care. Cancel it. And leave."

Nang makalabas na si Beau ay nagsimula na ulit ako sa pagbabasa ng mga ilang dokumento. Being the chief operating officer is kinda hard. Isang taon pa at ako na ang susunod na CEO ng kompanya namin. Hindi ko na nga ma-imagine kung gaano kadaming paper work yon.

The door in my office clicked meaning may pumasok, obviously Mikael? How stupid of you.

"Beau I told you already. Cancel the interview. Kailangan paulit-ulit?"

"You really did."

"D-dad."

Umupo siya. At nakapangalumbabang tumingin sa akin. "MR ako mismo ang nag-approve ng interview. At hindi ka pwedeng umangal."

"B-but daddy." I used my puppy dog eyes. There's no way Im gonna do that stupid interview!

"No buts." He said in a calm but authorative tone, "In fact pinapunta ko na nga dito si Ms. Aranes." Tumayo siya at binuksan ang pinto.

What?

Pumasok naman ang isang babaeng naka-corporate attire with in heels, and her hair in a neat bun. She's smiling outside but I can sense her nervousness. Oh wow.

"Good morning Miss Buenavista." Tumingin siya sa akin, "Good morning Don Buenavista." Ganon din ang ginawa niya kay daddy.

"Sige. Maiwan ko na kayo." He stood up and went to the door, "Good luck with your interview MR." He gave me his last look.

Napipilitang tumango ako sa kanya. Tsaka lang siya lumabas.

I cleared my throat making the girl stiffen in her seat. Scared? Ginusto mo 'to kaya panindigan mo.

"Lets start. Madami pa akong mas importanteng gagawin." I said emphasizing the word 'importante'.

Matapos kong sabihin iyon ay nagmamadali niyang kinuha ang notepad at ang black recording tape.

"Whats your name again ma'am?" Sabi niya habang nakatingin sa akin. I raised an eyebrow.

I scoffed. Hindi niya ba ako kilala! Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya, this is insane! I mentally counted from one to ten. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

"May nasabi po ba ako ma'am?" She asked innocently. Kinuha ko ang magazine kung saan na feature ang pamilya namin, at inabot sa kanya. Nagtataka man ay tinanggap niya pa din ito.

"Ano pong gagawin ko dito?"

I was about to strangle her to death when someone knocked. It was Beaumont, and he looked stressed. "What happened?" imbis na sumagot ay agad siyang lumapit sakin at inabot ang cellphone na hawak niya.





Daig ko pa ang nasa marathon sa sobrang bilis ng takbong ginawa ko papuntang parking lot. Ni hindi ko nga mapigilan ang panginginig ng kamay ko habang binubuksan ko ang makina ng sasakyan. Nang makapasok ako ay agad kong in-on ang GPS.

I was crying while driving and its not helping! Ilang kapwa driver ko na din ang namura ko sa sobrang pagmamadaling ginagawa ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, should I be happy for him? Anong sasabihin ko kapag nakita ko siya?



And when I finally arrived at the said church, walang pag-aalinlangan kong binuksan ang malaking double doors ng simbahan. Napanganga yung mga bisita at halatang nagulat sa biglang pagsulpot ko. Nang makita ko siyang nakatayo sa kabilang dulo habang nakaharap sa altar ay parang gripong nag-uunahang tumulo ang mga luha ko.

"Romeo!" Iyak lang ako ng iyak habang papalapit ako ng papalapit sa kanya, paulit-ulit ko ding tinatawag ang pangalan niya, "Romeo!"

Ilang tao na rin ang humarang sa daan ko pero hindi ako nagpapigil. At nang makalapit na ako sa kanya doon ko na inilabas lahat ng sama ng loob na kinimkim ko ilang taon na ang nakalipas, "Bakit?!" wala pa ding tigil ang mga luha sa pagpatak, "BAKIT BIGLA KA NA LANG NAWALA?! INIWAN MO KO NG MAG-ISA!! YOU PROMISED ME YOU WILL NEVER LEAVE!! TAPOS NGAYON ANO TO ROMEO?!"

Humarap ang babaeng katabi niya at kulang ang salitang nagulat ako sa mga nakita ko. Pucha naman! Ganyang mukha?!

Hahawakan ko na sana si Romeo ng may naramdaman akong humawak sa balikat ko. Si Beau.

Naguguluhan man ay tinanong ko pa din siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang tigil pa din sa pagtulo ang mga luha ko.

"Mika, hinga ka lang. There's a misunderstanding."

"Beau! Misunderstaning! Nasa harap ko na nga siya oh!" Medyo tumaas na ang boses ko. Sa halo-halong nararamdaman ko.

"Ano bang sinasabi mo miss?"

Halos malalag ang panga ko ng sa wakas ay humarap na yung Romeo na tinatawag. Holy fuck.

"Ni hindi nga kita kilala eh"

"Siraulo ka miss ha! Maninira ka ng kasal ng may kasal!"

Akmang sasabunutan na niya ako ng awatin siya ng inakala kong si Romeo.

"Mika, halika na"

Naestatwa ako. Kaya si Beau na ang kumalakadkad sakin palabas ng simbahan. Hindi ko na din namalayan na nasa loob na pala kami ng sasakyan ni Beau.

"Oh my god. Beaumont! What just happened?"

"Your stupidity happened"

I glared at him. Pero nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

"Nagsasalita pa ako kanina. Pero hindi mo ko pinatapos. You already rushed out from the building! Sinubukan kong habulin ka pero nahuli na pala ako!"

Walang tigil pa din sa pagsasalita si Beau. But my mind is floating elsewhere. I heard him mumbling about the media's reaction and he's gonna go crazy if my dad finds out.

Naalala ko lang lahat ng kagagahan na ginawa ko kanina. Oh my god. This is so not happening. Really.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Got Me TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon