Habang kumakain kami ng pananghalian ni mama at ng bata kong kapatid na si Art ay nagce-cellphone naman ako sa kabilang kamay. Nakikibalita sa mga kapwa ko fangirl kung ano na ang balita sa lagay ni Ezekiel ngayon. Lahat kami ay hindi mapakali dahil wala man lang kahit isang balita. Maraming pulis daw kasi ang nakabantay sa hospital kung nasaan ito.
"Si ate oh, cellphone lang nang cellphone. Tibay mo rin eh, noh?" Sabi ni Art habang kumakain. Bully talaga 'tong batang 'to kahit na 12 years old palang. Sa tingin ko ay mga natutunan niya sa mga kabarkada niya sa school.
"Angelee, mamaya na 'yan. Kumakain tayo." Saway sa akin ni mama. Tinignan ko ng masama si Art at nag-tongue out lang ito sa akin. Binaba ko ang phone ko at nagtuloy kumain.
"Si ate Angelee kasi, wala pa ngang dede, lumalandi na." Sabi ni Arthur. Aba ang batang ito- Jusko!
"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ko sa kanya, at napatingin sa hinaharap ko. Maliit yan kasi payat ako! Kapag ako tumaba, lalaki yan, who you kayong lahat saken! Tsaka late bloomer ako, feel ko lalaki pa talaga 'yan. 14 years old na ako nagkaron ng menstruation at mukha pa rin daw akong bata kahit na kaka-nineteen ko na.
"Ate, wag ka munang magpantasya dyan kay Ezekiel na yan, playboy 'yan. Kapag nagkatuluyan kayo, ano ipapadede mo sa kanya?" Tumatawa tawa pa ito. Aba't- bastos! Ang dami nang natutunan ng batang ito, ah!
"Ma, oh!" Sumbong ko kay mama.
"Art, saan mo naman natutunan 'yang mga 'yan, ha?" Suway sa kanya ni mama. Nag-tongue out din ako sa kanya. Ang bastos kase!
Bago pa sumagot si Arthur, biglang may kumatok sa pintuan namin. Tatayo na sana ako nang sabihin ni mama na siya nalang daw ang magbubukas, kaya nagpatuloy ako sa pagkain.
"Jusko Arthur!" Napatili si mama kaya nagkatinginan kami ni Art. "Akala ko hindi ka na babalik."
"Angelee, Art..." Tawag ni mama. "Andito ang papa niyo!"
Punong puno ng pagkain ang bibig ko at napahinto ako. Pumasok ito ng bahay at napatitig ako. Sampung taon. Sampung taon na hindi nagpakita si papa sa amin. 9 years old palang ako nun at two years old naman si Art.
"Angelee, Art? Kayo na ba yan?" Lumapit ito sa amin. Nakaitim itong jacket. Hindi kami kumibo ni Art nang yakapin niya kami. Ang alam ko, iniwan niya na kami. Wala ni isang balita mula sa kanya.
Pagkatapos ay may sumunod na lalaking pumasok sa loob. At putang---
---ina.
Punong puno ng pagkain yung bibig ko at hindi malunok lunok. Paano kasi... tangina talaga! Hindi maprocess pucha nag-slow motion ang lahat. Pota!
Naka olive green field jacket ito at may black shirt sa loob, may hawak itong dalawang malaking Nike bag tapos dire-diretsong tumuloy sa bahay namin. May bandage pa ito sa noo na lalong nagpa-hot sa kanya. Tangina lang talaga! "Kuya Arth, where should I put this?"
"Dyan mo nalang muna, Zeke." sagot ni papa. Nakatulala pa rin ako kay Bradley Ezekiel Alcantara lang naman! "Angelee, anak, wala ka bang balak lunukin yung kinakain mo?" Baling sakin ni papa, kaya napalingon siya sa akin! Tangina. Nginuya ko agad yung kinakain ko tsaka yumuko. Ang init ng pisngi ko tapos pawis na pawis yung kamay kong pasmado!
"Ate, diba nag-aalala ka pa kanina kung anong nangyare sa kanya?" Biglang singit ng walanghiyang si Art! Agad kong pinigilan yung pagsasalita niya. Sinubuan ko siya agad ng pagkain at nginitian ko nalang silang lahat. Sana mabilaukan kang ulol ka! "Eh ate diba, ayaw mo pa nga kumain nun kasi- arbwarajejtkha rynbyt876."
BINABASA MO ANG
The Unsophisticated's Secret Love
RomanceGrowing up in a far away province, without a father figure, simple lang naman ang gusto ni Angelee Zen Francisco. To love, be loved back, and get married. She wants someone she can call hers. Iyong tipong kahawak ng kamay, kayakap, kasama maglakad l...