Chapter 5

14 0 0
                                    

Ito na ang araw na kinakabahan ako. Not because it's the time of the school year where everyone has to introduce themselves in front of the class, but because of the fact that Zeke is handsome. At ang pagiging gwapo niya ang dahilan kung bakit dadami ang fans niya. Maeexpose lang siya and I don't want that.

"Are you serious about commuting from your house to the college?" Tanong ni Zeke habang nagdadrive. Nakakunot ang noo niyang sumulyap sa akin. "I mean, look.. Walang masyadong sakayan. Simula kanina, dalawa palang yata ang nakikita kong sasakyan."

Tumango ako. "Kailangan 'yon..."

Nakakunot ang noo niya na parang nagtataka pa rin kung paano ko nagagawang mag hanap ng tricycle, gayong wala masyadong dumadaan. The tricycle terminal is not far away, though. Hindi lang namin nadaanan.

"Then you really should wait for me." Sagot niya nang di lumilingon sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa kanya. "Ha? Eh, hanggang 3PM lang ako. 6PM ka pa!"

"Eh, anong gusto mong gawin? Go home by yourself? Tapos ganyan suot mo?" Sigaw niya. Pinasadahan niya ng tingin ang suot kong v neck shirt at baggy pants. What's wrong with that???? This is the fourth time, ha! Konti nalang iisipin ko nang crush mo 'ko, ha, Ezekiel!

"Kasabay ko naman si Marie. Tsaka may tricycle station naman sa may school." Sagot ko.

Huminga siya nang malalim. "Whatever you say...."

No I'm just kidding! Pilitin mo 'ko, please! I'm willing to wait kahit 12AM pa, makasabay ka lang.... Pilitin mo 'ko! Argh! Joke syempre....

"Tumayo ka nga! Nakakahiya ka!!" Iyon ang bumungad sa pagpasok namin ni Zeke sa school. Nagkakagulo ang mga tao.

"Tama na, Ches..." Umiiyak ang isang babae na gulo gulo ngayon ang buhok at nakaupo sa sahig.

"Now, don't you dare tell dad about this." Nang silipin ko ay nakita ko na si Franchesca ang babaeng kanina pang sumisigaw.

At sa gitna pa siya nag eskandalo. She loves the attention so much it's almost eating her! Grabe!

"Is that what students here always do?" Malamig ang tonong sabi ni Zeke. Pagkatapos ay nilagpasan niya na ako at naglakad...

Parang magnet naman ang presensiya ni Zeke. Dahil ang mga nakikiusisa ay lumipat ang tingin kay Ezekiel ngayon na walang pakialam na naglalakad. Shoot! Ito na iyon...

"Wait!" Hinabol ko siya. Nagbulungan naman ang iilang nandoon. Seryoso ang mukha ko but I was smiling at the back of my mind. "Sabay na tayo..."

The Unsophisticated's Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon