Chapter 8

4 0 0
                                    

Naglalakad kami papunta ng canteen. Kasama ko si Marie at Claudine para maumpisahan na rin namin kahit papano yung report. Lunch break palang rin naman at dalawang oras pa bago ang susunod na klase.

"Hay nako. Minamalas ka nga naman, step sister mo pala yung demonyang 'yon!" Sabi ni Marie na ngayon ay kausap si Claudine. Di ako masyadong nakikinig dahil hindi ako ganon kainteresado.

"Okay lang yun. May pagkamabait din naman siya minsan. Yun nga lang, pag tinotopak..." Sagot ni Claudine.

Pumasok na kami ng canteen at nahagip ng mata ko kaagad si Ezekiel sa dulo ng canteen, kasama ang mga varsity ng basketball at ang mga kaibigan ni Franchesca. Lumingon din naman siya pero pakiramdam ko hindi ako makahinga dahil kay Claudine siya nakatingin.

Why am I so selfish of him? He's not even mine...

Napalingon ako kay Claudine. Matangos ang kanyang ilong, pula ang kanyang labi at ang mahaba niyang buhok ay kulot sa dulo. Maganda ang katawan niya. She's not fat and she's not thin. Kung siguro ay siya ang nakalaban ko noong pageant ay paniguradong talo ako. Payat lang ako, my hair is straight... Kung mas matangkad lang siya sa akin ay siguro manliliit ako sa sobrang ganda niya.

"Actually, di naman ganun kahirap iyon. We can rephrase the words nalang dun sa research ko." Patuloy ni Claudine. She's smart as well.

Patuloy siya sa pagkikwento. She's still clueless that the guy everyone's wishing for probably likes her. Nakakapanghinang isipin.

"Ano kakainin niyo?" Nanghihinang tanong ko. Wala akong gana ngayon pero ayoko magpalipas dahil alam kong pagsisisihan kong hindi kumain.

Pasimple kong tinignan si Zeke na ngayon ay kausap si Franchesca. Sabay silang napatingin sa akin. Tila pinag uusapan nila si Claudine and he's asking Franchesca about her. He's interested! I knew it!

Maghahanap nalang ako ng ibang crush! Hmp!

Bakit, Angelee, ganun kadali? Ilang taon mo na ba siyang gusto? Ngayong malapit ka na sakanya saka ka uurong?

Tulala ako sa susunod naming klase. I'm making up stories in my mind. I mean... I can be a writer for this! Happy endings... ugh! Kaya ka hindi umaasenso, Angelee, eh, puro ka imagination!

"Aantayin mo ba ako?" Tanong ni Zeke nang matapos na ang klase, nandun siya sa labas ng classroom. Sa likod niya ay ang iilan sa mga basketball varsity. Pati na rin si Franchesca at ang mga kaibigan niya na binigyan ako ng mga mababait na ngiti! Aba! Nagpapagoodshot sila kunwari sa akin porket 'kuya' ko kuno si Ezekiel! Eh itong mga babaeng to ang galit na galit sa akin nung natalo ko si Chesca eh!

Lumagpas ang tingin niya sa likuran ko. Claudine is probably behind me right now. Oo na, tangina, gusto mo siya. Oo na! Wag mo nang ipakita sa harap ko!

"Hindi." Sagot ko. Bakit ba ako nagtatampo? He won't get it anyways. Hindi ko naman siya syota! What's the use of being like this?

Nilagpasan ko siya. Nagseselos ako! Gusto ko akin lang ang atensyon niya! Naiinis ako... naiinis ako.. naiinis ako!!!

"Angelee!" He said with authority. I bit my lip... Oo nga pala, kuya ko siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unsophisticated's Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon