Chapter 4

18 1 0
                                    

Isang linggo nalang ay pasukan na. Tinatamad ako.... I can stay at home and stare at Zeke all day. Chos!

"Angelee..." Nanunuod ako ng TV nang tawagin ako ni Zeke. Basa pa ang buhok niya at pinupunasan niya ito ng tuwalya. He grabbed his keys. "Ikaw na sumama sa kin."

"H-ha? Saan?" Agad akong napatayo mula sa pagkahiga sa sala. 

"Are you working out? Or what?" Bumaba ang tingin niya sa suot kong jogging pants at blue tank top. Bakit ba lagi niya nalang pinapansin ang suot ko? This is the third time! If I know naman, sa Manila, puro mga mas malala pa sa sinusuot ko ang mga sinusuot ng mga nagugustuhan niyang babae. 

"Hindi. Pambahay ko 'to!" Sagot ko. Inirapan ko siya.

"Fix your hair. Samahan mo 'ko sa bayan... I need to withdraw." Sagot niya. Buti nalang at maaga ako naligo ngayon. Naisip ko lang, simula nung dumating siya dito, maski sa bahay nagmi-make up ako. Baliw na ata ako...... sa kanya. 

Lumabas na siya habang ako ay tumapat sa salamin. Inayos ko ang buhok ko at pinush ang push up bra ko! Nag powder ako at nagretouch ng lipstick. Ang ganda mo talaga, Angelee! Paibigin mo 'yang mayabang na 'yan! Nako.....

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. I was trying hard not to smile but I just can't... I bit my lip para hindi ako mapangiti. Pero nakita niya ata kaya kumunot ang noo niyang tumingin sa akin. Pagkasarado niya ng pintuan ay umikot siya para pumunta ng driver's seat. 

"You know... you really should work that boobs out." Sabi niya habang nilalaro ng isang daliri niya ang labi niya at ang isang kamay naman niya nasa manibela. He was laughing. "I mean... ang liit." 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at sinimangutan siya. But he wasn't looking anyway. 

"Hmp! Malaki kaya!" Giit ko at inipit ito nang pataas para magmukhang malaki.

Nang mag-double look siya ay saka ko lang na-realize ang kagagahang ginawa ko. Uminit ang pisngi ko habang siya naman ay tumatawa. One hot laugh. Shit! Nang lingunin ko siya ay nilalaro pa rin niya ang labi niya habang nakangiti. At least I made him smile, right? 

"Pasok ka na ba sa basketball team?" Tanong ko. I need more topic para hindi kami tahimik. At para masulit ko rin ang moment na 'to!  

"What do you expect? I was a varsity in college. Malaking university iyon kumpara dito. I was an MVP twice.. paanong hindi ako makukuha dito?" Nagtaas siya ng kilay. Aba mayabang! Pero ah, MVP twice... Grabe. 

"Ang yabang mo eno?"

"I'm just stating the fact..." sagot niya. I just love it when I'm making him laugh or smile. I should carry on with the conversation! Ugh! Ang gwapo niya... 

"Stating the fact stating the fact mo mukha mo! Sus, oo na, sige na, MVP na. Sa malaking school, oo na. At maliit na school lang ang meron kami dito. Oo na. Okay sige." Sabi ko. He laughed again. He's just so hot when he's laughing. Nakatingin siya sa daan habang nilalaro ang labi niya, yung isa naman ay nasa manibela. 

"Bawal ba? Then, go on... brag your achievements din. You're free to tell me.." Sabi niya.

"Ah, iyong campus queen ba? Sus...... wala 'yon." Sagot ko at tumawa. "Ako naman kasi talaga pinakamaganda sa school, eh! Kitang kita naman diba?" Biro ko. 

Tumigil siya. But he was still smiling after his laugh at parang sinuri ang mukha ko. Saka tumingin ulit siya sa daan at tumawa. "I saw someone prettier than you, nung enrollment.... you must have won because you're smarter." 

Napawi ang ngiti ko. So, he's eyeing someone already? Bakit pakiramdam ko nanghina ako bigla? Sino ba 'yon? Iyong nagpapabebe ng boses? Yung papansin? O yung natapilok kunware? Sino?

"Aba... hindi ka umaagree ha!" Sabi ko nalang, although deep inside me is hurt. 

Tumawa siya. "But who knows? You're probably prettier. I just took one glance... baka pangit na siya pag second." 

Uminit ang pisngi ko. He indirectly said I'm pretty. Again! Medyo malayo rin ang byahe namin dahil medyo malayo kami sa bayan. Actually, ayaw niya sa bayan. He wants to withdraw in the city kaya mas malayo. But I'm enjoying every single second of it! Nasaan na ba ang pinakamamahal kong kapatid at magpapasalamat ako sa kanya na ako nalang ang isinama ni Zeke dito! 

"You're hungry?" Tanong niya. Hindi niya na inantay ang sagot ko dahil nagpark na siya sa tapat ng isang Mexican restaurant. Nalaglag naman ang panga ko. Parang mga sosyal ang pumapasok dun! And what am I wearing? Pang bahay ko! Na sabi niya pang gym daw! 

Paano naman kasi siya, kahit na anong suotin, mukhang bilyones pa rin! Now I'm wondering kung magkano ang ibinibigay sa kanya ng magulang niya. Probably millions? Oh, edi siya na ang mayaman!

"Wait lang... yung suot ko." Sabi ko. Nauuna na siyang maglakad noon at nilalaro laro ang susi ng kotse niya. Huminto ito para lingunin ako.

"What? We're just going to eat." Sagot niya saka naglakad na ulit. And when I thought he would left me, inaantay niya ako sa may pintuan at pinagbuksan pa ako ng pintuan! Wow... talk about an asshole and a gentleman at once! 

Inilibot ng mata ko ang buong lugar. I've never been to places like this. Ni hindi ko nga alam kung ano ang pagkain ng mga Mexicano. Nachos? Tacos? Iyon lang ata ang alam ko... Ang laki ng lugar at parang mga may kaya ang kumakain. There were huge ass chandeliers... wow, just wow. 

Uminit ang pisngi ng babae nang tanungin siya ni Zeke about sa tables. Sinimangutan ko naman siya at nang mapansin niya iyon ay nginitian niya ako na parang nahihiya. Tama yan! Wag kang kikiligin sa boyfriend ko. Oo, boyfriend ko siya sa utak ko ngayon. 

Wait, are we on a date? 

Nang maupo kami ay binigyan kami ng waiter ng menu. Lumunok ako at sumilip sa kanya na seryosong tinitignan ang menu. Mula sa menu ay nalandas ang tingin niya sa akin. 

 Tinawag niya ang waiter at nag order ng mga pagkaing hindi ko maintindihan. It was an order for two kaya naintindihan niya siguro na wala akong alam sa mga mexicanong pagkain. He's just so hot doing that. Bakit ganun? Ang gwapo niya sa lahat ng galaw niya. Kahit siguro mag wacky ang isang 'to, I'll still find it hot. Do I really like him? Or am I obsessed with him?

"Angelee..." tawag niya. "I said... do you eat seafood? Are you allergic or what?" Nakakunot ang noo niya. Maging ang waiter ay tinitignan ako. 

Nataranta ako sa isasagot ko. "No... no... It's okay." 

"Alright, tsaka iyon. And... what's your drink, Angelee?" Tanong niya.

"Water nalang, Zeke..." Sagot ko. Sumimangot siya sa sinabi ko. Why? What's wrong with drinking water? Mas healthy nga iyon, eh! 

Pag alis ng waiter ay bumaling siya sa akin. Nanliit ang mata niya habang tinitignan ako. I raised my eyebrow at him. What now? May dumi ba ako sa mukha? 

"May boyfriend ka ba?" Tanong niya. Hindi ko napigilan ang pagpula ng pisngi ko. What, Angelee, nagfi-feeling ka nanaman! Ugh! 

"W-wala..." Sagot ko.

"Kaya pala. Walang nagbabawal sayo ang magsuot ng ganyan. I can see your bra from here... Tsaka iyong non-existent cleavage mo, tinitigan kanina ng waiter. Hindi ka ba naalibadbaran?" Nakataas ang kilay niya habang nakasandal siya sa upuan at nakahalukipkip. Inayos ko ang damit ko at pinandilatan siya. Malay ko ba, akala ko magwi-withdraw lang eh! 

"Tse! Marami akong manliligaw!" Sigaw ko sa kanya at humalukipkip. 

"So? I'm not asking..." Sagot niya. Uminit ang pisngi ko sa pagkapahiya. Oo nga no. He's not asking it, bakit ko ba iyon sinabi? Bakit sa dinami dami ng pwedeng isagot, iyon pa ang nasagot ko! Ugh. Angelee's brain, work please! Work work work work. 

I bit my lip. 

The Unsophisticated's Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon