Chapter 1

24.6K 645 6
                                    



NAIINIP na pinagmamasdan ni Zyrus si Devey habang kumakain ng pizza pie. May kalahating oras na siyang nakatambay sa bahay ni Dario upang bantayan pansamantala ang pasaway nitong anak. Hindi niya pinangarap minsan na mag-alaga ng batang sa sobrang kulit ay parang gusto na niyang sakmalin nang tumahimik. Dose anyos na si Devey pero mas makulit pa ito sa limang taong gulang na bata.

Mabuti na lang isinama ng ina nito ang kapatid nitong limang taong gulang na lalaki rin. Pero mas matino nang konti ang isang iyon. Mabuti na lang din wala siyang duty sa ospital, clinic o kahit sa crime laboratory. Hawak niya ang kanyang oras. It suppose to be his rest day, but Dario pleased him to babysit his son for a while.

Busy kasi lahat ng ibang miyembro ng sangre organization dahil sa mahalagang misyon. Siya lang ang hindi sumasama sa mga raid operation, of course, he is working only to their laboratory and examine the shreds of evidence and some specimen for their experiment.

Gumagawa siya ng iba-ibang armas na mas madaling pumatay sa mga kalaban nilang bampira. Pinag-aaralan din niya ang mga plano ng kalaban at ekspiremento. Minsan lang siya tinutulungan ni Dario dahil busy na rin ito lalo't may pamilya na.

Anyway, Dario was his half-brother on his father's side. They both cursed their father because of his darkest plans against humans and some innocent vampire. Dr. Dreel was evil. Mas matanda lang siya ng dalawampu kay Dario. Late na niyang nakilala si Dario, noong minsan siyang iniligtas mula sa kasamaan ng kanilang ama.

Malaki ang utang na loob niya rito. Binigyan siya nito ng magandang puwesto at sabay nilang tinatahak ang tuwid na landas. Kaya kahit anong hilingin nito sa kanya ay pinagbibigyan niya kahit minsan ay hindi niya masikmura.

Magkatapat sila ni Devey habang nakaupo sa sofa sa malawak na sala. Panay ang tawa nito habang nanonood ng nakakatawang pelikula sa telebisyon. Ito lang ang umubos sa binili niyang isang kahong pizza pie. Wala raw kasi itong ganang kumain ng kanin kaya inalok niya ng pizza.

Seryoso siyang nagbabasa ng medical magazine nang muling humalakhak si Devey. Tinitimpi lang niya ang iritasyon niya sa batang ito. Hindi na nga siya nakaligo, dahil kahit iihi lang siya sa palikuran ay nakabuntot ito at kinikuwentuhan siya ng mga nakakatuwang karanasan nito sa paaralan.

"Nakita mo 'yon, Tito Zyrus? Parang tanga lang 'yong babae. Isinubo niya 'yong—"

Naitapal niya sa bibig ni Devey ang kinulukot niyang magazine dahilan upang hindi matuloy ang sasabihin nito. Kinilabutan siya nang makita ang senaryo sa pelikula na pinapanood nito. Hindi niya inasahan na may sexual scene palang kasama sa disc na isinalpak niya sa player. Dagli niyang pinindot ang remote at in-fast forward ang pinapanood ng bata. Itinabing nito ang magazine na sumupalpal sa bibig nito.

"Bakit mo naman in-forward? Ang sakit ng bibig ko, ah," angal nito.

"Hindi ka dapat nanonod ng mga ganoong eksena. Masyado ka pang bata," aniya.

"Hindi ko naman gagawin 'yon, eh. Nakakadere kaya 'yon. Penis is so dirty especially we use it to pee, right?" walang gatol na sabi nito.

"Kahit na. Mag-asawa lang dapat ang nanonood ng ganoon."

"Dahil ginagawa rin nila? Ginagawa rin naman nila mommy at daddy 'yon, 'di ba?"

Napakamot siya ng batok. "Kumain ka lang d'yan. Maliligo lang ako," pagkuwa'y apila niya saka tumayo.

Hindi lang kumibo si Devey. Nakatutok na ulit sa pinapanood nito ang mga mata.

Mabuti na lang bago sumapit ang alas-siyete ng gabi ay dumating na si Martina. Nakabalik na siya sa CDO, sa mansiyon ni Dario, at headquarter na rin nila. Dapat ay hindi muna siya magtatrabaho pero hindi siya nakatiis. Pakiramdam niya'y magkakasakit siya kapag nawala siya nang matagal sa laboratory.

Sangre 7: Zyrus Clynes, My Mysterious LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon