PABOR kay Ellie na si JM ang na-assign para sumama sa medical mission sa iba-ibang bilangguan. Maraming sideline si JM kaya hindi ito regular sa hospital. Nagtatrabaho rin ito sa isang non-profit organization, and forensic laboratory. Kaya ang dami nitong nasasagap na balita dahil sumasama ito s amga crime scenes, taga-kolekta ng mga ebidensiya.
Katunayan ay niyayaya siya nitong mag-sideline rin sa agency pero ayaw muna niya. Mag-focus muna siya sa hospital, okay naman ang sahod niya. Masaya naman siya kahit papano. Night shift palagi ang duty niya, bihira ang shifting sa posisyon niya. Sa umaga ang maga lalaking autopsy nurses dahil mas maraming trabaho.
Pagpasok niya kinagabihan sa ospital ay dalawang patay na pasyente kaagad ang bumungad sa kanya. Halos araw-araw ay may namamatay, hindi lang isa, dalawa o tatlo. Maraming krimen kaya marami ring patay. Minsan ay may naisugod pang pasyente roon na dead on arrival, dried ang katawan, naubusan ng dugo na tanging maliit na sugat lang sa leeg ang nakita nila.
Nasa emergency room si Mica at isang lalaking nurse. Morning shift ang lalaki kaya aalis din ito. Nagulat siya nang siya ang napili na isa sa mag-assist sa autopsy. Napangiwi siya, pero nang maalala niya si Dr. Clynes ay bigla siyang na-excite. Si Dr. Clynes pala ang pathologist na naka-duty sa gabi. Pagkakataon na niya iyon para mas mapalapit sa guwapong doktor.
Pagdating naman niya sa autopsy teatre malapit sa sa laboratory ay bigla siyang kinilabutan nang makita ang bangkay na nakalatag sa kuwadradong mesa na gawa sa stainless. Kinakabahan siya. First time niyang sumabak sa totoong pag-assist sa autopsy. Seryosong trabaho iyon.
Mabuti na lang kilala na niya ang partner niyang autopsy nurse na lalaki, si Jake. Mahaba-habang oras ang igugugol nila sa operasyong iyon. Pagkatapos niyang magsuot ng laboratory gown at mask ay inayos na nila ni Jake ang mga gagamitin ni Dr. Clynes. Sinundan niya ng tingin si Dr. Clynes na pumasok sa dressing room. Hindi man lang nito hinawi ang berde na kurtina, na siyang nagsisilbing pinto ng dressing room. Napako na ang tingin niya sa direksiyong iyon nang biglang maghubad ng polo ang guwapong doktor. Mabuti na lang nakatalikod ito sa kanya.
Napalunok siya nang masilayan ang malapad nitong likod na may nagkaparte-parteng muscles. Hugis letrang 'V' ang likod nito, maskulado ang mga balikat at braso. Isang mapagnasang bangungot na makatagpo siya ng ganoon ka-hunk at kaguwapong doktor. Sa tatlong taong pagtatrabaho niya bilang nurse, wala pa siyang na-encounter na batang doktor, lalo na espisyalista. Natural, ilang taon ba naman ang iginugugol ng mga ito sa pag-aaral. Kaya ayaw niyang mag-doktor dahil ang tagal at mas magastos ang pag-aaral. She was thankful that she finished her studies bago nawala ang nanay-nanayan niya.
Ibinalik niya ang isip kay Dr. Clynes. Kaduda-duda talaga ang physical appearance nito. Lahat ng natanong niyang staff sa ospital tungkol sa guwapong doktor ay hindi alam kung ilang taon na ito, pero sigurado ang mga ito na single pa ang doktor. Ang bata nitong tingnan, siguro around thirty something. Well, hindi lang naman siya ang nagtataka. Baka raw talagang genius itong si Dr. Clynes at maagang natapos ang pag-aaral.
Hindi niya namamalayan na nakanganga siya habang nakasilip sa nagbibihis na doktor. Hindi siya nakailag ng tingin nang bigla itong humarap at nahagip siya ng paningin nito. Kumislot siya nang magtama ang kanilang mga mata. Wala itong suot na eye glasses. May kung anong hindi mawaring emosyon na umahon sa puso niya nang masaksihan ang mapula nitong mga mata.
Kumurap-kurap siya. Tama ba ang nakita niya? May isang dipa lang ang layo nito sa kanya kaya kitang-kita niya ang mga mata nito. O baka nagmalikmata lang siya na kulay dugo ang nakita niyang eyeballs nito. Ang linaw naman ng paningin niya.
Hindi niya natuunan ng tingin ang magandang hubog ng katawan nito dahil sa mga mata nito. Hindi niya alam bakit bigla iyong namula. O baka dahil lang sa ilaw. Hindi man lang nito hinawi ang kurtina upang maitago ang katawan nito.
BINABASA MO ANG
Sangre 7: Zyrus Clynes, My Mysterious Love
VampirPublished on Dreame Zyrus was one of the most mysterious vampires in his generation. He was a diplomat in the Doctor of Medicine and Pathology. He also studied forensic science in London. He has the weirdest behavior among other vampires. He grew up...