eight

91 4 0
                                    

Seara's POV

Hindi ko pa rin maiwasang isipin yung nagyari kanina. Iniisip ko palang na nagkahalikan na sila, parang hindi ako makahinga. Ang sakit lang. Teka, ano bang nangyayari sakin?. Crush lang naman tong mararamdaman ko diba?. Huwag mong sabihing inlove ako?. Hindi. Wag. Ayoko. Ayoko pa. Hindi pa ko handang magmahal at umiyak. Kasi hindi ko pa naman naranasan eh. NBSB ako kaya hindi ko alam kung love nga ba tong nararamdan ko o plain gusto lang?.

Haaaaayyy. Ang complicated naman nito. Pati si Bessy, nadadamay na sa kaaartehan ko. Wala naman talaga akong balak na hindi siya pansinin. Kanina kasi, pagkatapos kong uminom ng tubig, aakyat na sana ako sa taas nang makita ko si bessy sa may sala. Tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Ewan ko ba?. Wala naman siyang kasalanan pero hindi ko alam kung bakit ganito tong inaasta ko. Siguro wala lang talaga ako sa mood non.

Haaayy. Paniguradong iniisip ako nun ngayon. Siguro iniisip niyang nagtatampo ako sakanya o kaya galit?. Eh hindi naman. Aish. Bat ba ang drama ko?. Puntahan ko na kaya siya?. Magsosorry ako.

Papatayo na sana ako nang mapatingin ako sa purple wall clock ko. Past ten na pala?. Pupuntahan ko pa ba siya?. Baka tulog na yun?. Siya pa naman yung tipo ng tao na madaling makatulog pero mahirap gisingin.

Arrgghh. Bayaan na. Sisilipin ko lang naman siya. Titignan ko kung tulog na ba siya.

Paglabas ko sa kwarto, rinig ko na may nagsasalita sa loob ng kwarto niya, hindi siya yun, alam ko boses nun. Siguro TV niya.

Pumasok na ko at nakita siyang nanunuod nga ng TV. Hindi niya ako napansin kasi busy talaga siya sa panunuod. Tinignan ko naman kung anong pinapanood niya. Pfftt. Hello kitty?. Seriously?. Adik talaga to sa hello kitty. Halos lahat ata ng gamit niya hello kitty.

Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko kaya humagalpak na ko sa tawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Tawa ko nang malakas kaya napatingin siya sakin. Medyo nagulat pa siya. Hindi niya talaga ako napansin huh?.

"Anong ginagawa mo dito?." Gulat niyang tanong tsaka natatarantang pinatay yung TV niya. Wahahaha. Nahuli ko parin siya. Pfftt.

Lumapit naman ako sakanya at naupo sa tabi niya. Umusog naman siya para makatabi ako sakanya.

"Lakas makahello kitty ah." Sabi ko sabay tawa. Sinamaan naman niya ko ng tingin sabay irap tas higa. Humiga na din ako. Nakakangawit umupo.

"Kung makapagsabi ka diyan ng childish, parang ikaw hindi." Sabi ko parin habang nakatingin sa kisame at nakangiti.

"Che. Ano bang ginagawa mo dito?." Tanong niya. Napatingin naman ako sakanya. Nakakunot ang noo niya at halatang naiinis talaga siya.

Humarap naman ako sakanya bago nagsalita.

"Ihh. Bessy naman eh. Sorry na. Hindi ko naman sinasadyang hindi ka pansinin kanina." Sabi ko sabay pout. Naiiyak na ko. Ganito talaga ako kasensitive pagdating kay bessy ko. Konting tampuhan lang namin, naiiyak na ko. Ewan ko ba. I just love her that much.

Napatingin naman siya sakin. Nakatingin din kasi siya kanina sa kisame bago ko kausapin.

"Wag ka ngang magpout. Para kang baboy. Tsaka wag kang umiyak diyan, masyado kang iyakin. Bakit mo ba kasi ako hindi pinansin kanina? Bwiset ka eh. Hindi ako makatulog dahil sayo. Alam mo namang hindi ako sanay na late na natutulog."
Sabi niya. Bakas pa rin sa pananalita niya ang pagkainis. Pero medyo nabawasan naman kahit papano.

"Ihh. Sorry na nga eh. Ewan ko din sa sarili ko kung bakit hindi kita pinansin. Wala na kasi ako sa mood non. Tas, naiinis din ako kasi hindi tayo nakapagshopping, may gusto pa naman akong bilhin damit sa Juana. Kaya yun. Pero bukas balik tayo ah?." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Nakatingin din siya sakin habang naglilitanya ako.

"Psh lagi naman tayong nasa mall ah. Kailan ba tayo hindi pumunta dun?. Tsaka, ikaw din naman may kasalanan kung bakit tayo hindi nagshopping. Umuwi ka agad gaga ka."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Yey. Bati na kami. Wahaha.

"Bati na tayo?." Tanong ko habang nakangiti at kumikislap kislap pa ang mata.

"Nag-away ba tayo?." Tanong naman niya. Wahahaha. Hindi talaga ako matitiis ni Bessy. Ang swerte ko talaga sakanya. Thank God. Biniyayaan ako ng isang supportive and loving bestfriend. I love her so much.

Niyakap ko naman siya after that. Wala lang, sanay na siya sakin. Masyado akong clingy sa kanya. At sa kanya lang.

"Hmmp. Bitaw. Hindi ako makahinga." sabi niya habang kumakalas sa yakap ko. Kumalas naman ako at nginitian siya.

"Tulog na nga tayo." Sabi niya sabay hila sa kanyang kumot na nasa dibdib niya pataas.

"I love you bessy." Sabi ko.

"I know." Sabi naman niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Loko talaga to.

"Haha. I love you too Seara. Gosh. Ang korni. Puta." Sabi naman niya habang namumula. Hindi talaga sanay to sa sweet moments. Pano kaya pag nagkaboyfriend to?. Ay meron na pala siyang boyfriend. Sino?. AKO. Wahaha. Coz im here to protect and love her no matter what.

Oh. Inggit kayo no?. Daig pa namin magjowa sa kasweetan namin.

Kasi nga you don't need a lover if there's a friend to protect, support and love you.

After ng kaekekan eklabush namin, natulog na kami. Yes, natulog ako sa tabi niya. Sweet namin no?. Pwes, mainggit kayo. Good night ^_^

Let It Be MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon