thirteen

76 4 0
                                    

Seara's POV

Baliw na ba tong kaibigan ko? Ngiti ng ngiti. Hindi ko naman alam kung bakit. Pag nagtatanong ako, mas lalo pa siyang ngingiti. Ang creepy lang. Kaya hindi ko na siya tinatanong, para siyang tanga.

Oh well, andito kami ni bessy sa talyer, ipapaayos namin yung aircon. Nasira eh.

"Bessy, matagal pa ba? Kainip na ah." Sabi ko. Bored na nga ko eh.

"Maghintay ka, malapit na din naman yan." Sabi naman niya. Haaay. Tas nakatayo pa kami dito, wala man lang bang upuan? Tas nakakasulasok pa ang amoy. Ang sakit sa ilong. Nagtakip naman ako ng ilong, pero waepek. May butas yung kamay ko eh. Pumapasok pa rin yung amoy. Hoy, wag kayong ano. Malamang yung pagitan ng mga daliri ko, may butas dun. Gosh.

Nakita naman siguro ni bessy na naiinis na ko kaya binigay niya yung panyo niya. Itinakip ko naman agad yun sa ilong ko habang siya nakatitig lang sa ginagawa ng mekaniko. Buti hindi siya naiinis. Kung sabagay, ba't naman maiinis ang isang taong ngiti ng ngiti. Parang tanga.

After so many many minutes, natapos din. Ghad. Buti naman. Mabubulok na ata ako dun eh.

Pumasok na ko sa kotse, sa may katabi ng driver's seat. Hmmp. Bahala si bessy magdrive. Wahahaha. I'm so bad. Oh well, cute naman ako. Hihi.


In-on ko ang aircon para siguraduhing gumagana yun. Well, gumagana naman. Mas malamig pa nga eh. Okay, worth it naman pala ang paghihintay.

Pumasok na si bessy sa driver's seat. Tumingin naman siya sa'kin nang nakangiti bago inistart ang engine. Gosh. Hindi ko na yata kaya ang pagka-weird niya ngayon. Ang creepy niya, super.

"Uwi na ba tayo agad o mall muna?" Tanong niya nang nakangiti pa rin.

"Uwi na. I'm so dirty and baho na. I want to make ligo." Sabi ko nang nakapout pa.

"Okay."

Napakurap-kurap ako. Totoo ba to? Minsan kasi, i mean palagi, pag nagkoconyo ako at pout, iirap siya at maiinis. Gosh. Ano ba talagang nangyari?

"Bessy umamin ka nga. Ba't kanina ka pa nakangiti diyan? Weird mo ha." Tanong ko na naman. Paulit-ulit kong tanong yun sa kanya kanina pa pero dahil napagod ako, hindi ko na tinanong. Pero dahil gusto ko na namang malaman, tatanungin ko ulit. Sa ang weird niya talaga eh. Okay, pauli-ulit na. Eh sa ang weird niya nga. Arrggh.

And as usual, ngumiti lang ulit siya at tinignan ulit ang daan. Psh.

"Pag hindi mo sinabi, magtatampo ako, hindi na kita papansinin forever." Banta ko pa.

"Edi hindi. Wala namang forever." Sabay behlat niya pa. See? Mas childish pa siya sa'kin.

"Babalik na ko sa bahay namin. Iiwan kita dun mag-isa. Lilipat na din ako ng school para hindi na kita makita pa. Hmmp. Bad ka." Sabay pout ko ulit. Makonsensya ka.

"Mamaya sa bahay. Promise." Sabay taas niya pa ng kanan niyang kamay kahit nagda-drive siya.

"Hoy umayos ka nga, pag tayo nabangga." Banta ko. Well, expert naman siya sa pagdadrive pero nakakatakot pa rin. Inayos naman niya yung kamay niya at tumawa-tawa pa. "Promise yan ha? Pag hindi mo sinabi, iiwan na talaga kita." Banta ko ulit. Kabanas siya eh.

"Oo nga." Sabay tawa. Psh. Kung di lang kita bestfriend eh.

Makalipas naman ang 20 min. nakarating na din kami sa bahay. Medyo malayo-layo din kasi yung talyer dito.

Bumaba ako sa kotse at binuksan yung gate para makapasok si cooper. Yung car naming cute. Syempre kasama na din si bessy. Siya nagdadrive eh.

Nauna na kong pumasok kay bessy. Kating-kati na ko. Agad naman akong naligo pagkapasok ko sa c.r ng kwarto ko. Swear, parang may tumutusok sa katawan ko. Pawis din kasi ako.

Pagkatapos kong naligo, nagsuot lang ako ng short shorts tas sando. Ang init pa rin eh. Bakit kaya? Naka-aircon naman kami at six pa ng gabi ngayon. Haay. Oh well, climate change.

Bumaba na ko nang makaramdam ako ng gutom. Aissh. Magluluto pa pala ako. Ako in-charge dun eh.

Nang makababa ako, tumambad sakin ang naka-hanging shirt at naka-short shorts na si bessy. See? Hindi lang ako ang naiinitan. Mas malala pa nga siya eh.

Pumunta agad ako sakanya at umupo sa tabi niya. Nasa dining table kasi siya at kumakain ng ice-cream. Yung buong box.

"Haay. Ang init." Sabi niya habang kumakain ng ice-cream. Nilapag niya yung kutsara niya kaya kinuha ko yun at scoop ng ice-cream.

"Sorry ha. Ang hot ko kasi." Sabi ko sabay subo ng ice-cream. Sanay na kami ni bessy sa isa't isa na magshare-an ng laway. Yuck. Kadiri ng term.

"Psh." Sabi naman niya at tumayo. Pagbalik niya, may dala na siyang spoon.

"Hoy, kwento ka na. Akala mo nakalimutan ko? Hmmp. Kailangan kong malaman ang dahilan ng pagka-weird mo ngayon." Sabi ko habang nakasubo ang kutsara sa bunganga ko. Ewan ko lang kung na-gets niya yun.

"Oo na. Kasi bessy. Kyaaaahhh." Okay. Mag-bestfriend talaga kami ni bessy. Una ang tili bago ang kwento. Psh.

"Ano na?" Say ko habang hindi na makatiis. Okay, alam ko na ang pakiramdam kapag nagkekwento akong una ang tili. Kabwisit din pala.

"Kasi. A-ano. Ahhm."

Mukhang matagal-tagal pa to. Ghad

"Kasi Seara. M-may f-ffffff"

"Fffff what? Fish? Gosh bessy. Bwiset na ko ah."

"Ganyan ka din kaya. Ginagantihan lang kita."

"Oo na. Psh. Kwento ka na nga. Dali."

"Mayfirstkissnako." Mabilis na sabi niya. Wait. W-what?

"ANO?" Sigaw ko habang nanlalaki ang mata at ilong. Oo, alam kong nanlalaki yun. Bakit? Kasi cute ako.

"Na-gets mo yun?" Tanong niya ng nagtataka. Tumango-tango lang ako habang nakanganga. Hindi talaga ako makapaniwala.

"Ghad bessy. Hindi na virgin yang lips mo." Tinignan ko ang mapulang labi niya. Tas tingin ulit sa mukha niya. Wahahaha. Nahiya si ateng. Namumula.

"Ihh. Seara naman eh." Sabi niya sabay pout. See? Mas childish pa siya sa'kin.

"Teka. Wait. Sino?"

Nakita ko naman siyang umiling. Hindi niya kilala?

"Hindi mo kilala? Bakit? Paano? Gosh naman bessy. Dapat inalam mo. Panagutan ka niya no. Siya kaya ang first kiss mo. Ang gaga mo naman. Pa'no pag panget pala yun. Edi kadiri yang first kiss mo? Yuck." Sabi ko habang nandidiri. Kadiri kaya pag panget 'yun. May laway laway pa. Eeww. Nandidiri talaga ako. Nakita ko namang nanlaki ang mata niya at parang nandiri din. Pero nabawi din agad yun at napalitan ng simangot.

"Hindi kaya. Ramdam kong gwapo siya kasi matigas yung dibdb niya tas mabango pa ang hininga tapos alam mo ba? Ang lambot at init ng labi niya. Kyaaah."

"Eh pano ngang nangyaring hindi mo siya kilala?" Tanong ko ulit. Kulet eh.

"Kasi ganto----" At kinwento na nga niya with matching tili at palo. See? Mas matindi pa to kiligin sa'kin. Nasa loob lang ang kulo nito. Pahinhin pa ang peg ni ate. Psh.

Pagkatapos niyang magkwento, magsasalita pa sana ako nang.

*ding dong *ding dong

May tao? Ay hindi magandang Seara, hayop siguro. Psh.

Let It Be MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon