eleven

74 4 0
                                    

Seara's POV

One week had passed. Tuloy-tuloy pa rin ang school. Syempre. One week na din ang lumipas simula nang sabihin ni bessy ang problema niya. Nagcut nga kami nun. Tas naisipan naming magvacation muna kaya heto kami ngayon naghahabol ng lessons. Three days ba naman kaming absent. Pero okay na din yun para na din makapagpahinga at makarelax si bessy. Syempre ako rin. Kastress kaya mag-aral. Ghad.

"Seara. Pano magconvert ng decimals into fraction?" Tanong ni bessy sakin. Seriously para yun lang? Ghad.

"Seriously bessy?. Pinag-aralan na natin yan nung elem. tayo."

"Eh sa nakalimutan ko na eh. Ilang years na kaya yun."

Tignan mo to. Sasabisabihan niya ako ng makakalimutin parang siya hindi.

Inexplain ko naman yung tinatanong niya. Kedali-dali. Psh.

After that, busy na naman kami sa pagbabasa. Andito kami sa library. Nagkacatch-up kami ng lessons ngayon. Wala pa namang exam pero mas maganda na ring magreview kami para alam namin. Malay mo may quiz. I mean. Malay namin. Right?.

Nagbabasa lang kami nang biglang lumipad ang utak ko. Not literally pero kasi may naalala ako kahapon.

*Flashback*

Hayy. Waahh. I miss this school. Three days ba naman kaming wala. Oh kahit three days lang yun, miss ko pa rin to no.

"Bessy. Una na ko ah. Babay." At tumakbo na nga ako papunta sa classroom. Oy wait, kaklase ko pala si Daniel sa klase na to. Waaahh. I miss him din. Hindi ko rin kasi siya napapansin nung nakaraang linggo. Kasi yun nga yung time na may problema si bessy. Kaya nag-aalala ako sakanya kaya hindi ko napapansin si Daniel bebe labs my love so sweet baby babe ko. Hihihi.

Andito na ako sa classroom. Weird nga eh. Kinamusta ako ng mga kaklase ko. As if namang close kami. Like duh?

Pumunta na rin ako sa assigned seat ko. Andun na si Daniel ko. Waaahh. Hahaha.

Umupo na ko sa seat ko. Sya naman sa gilid. Sinisisi ko pa nga rin yung bag ko eh. Dahil sa bag kong yun hindi kami tabi. Yan tuloy, yun na yung seat niya. Ayoki namang lumipat sa tabi niya kasi. Haler? Nakakahiya kaya.

Nang nakaupo na ako. Naramdaman kong may nakatitig sakin. Paglingon ko sa gilid, OH MY  GEE. Nakatingin sakin si Daniel ko. Like seriously? Bakit? Ghad. Nakakaconcious tuloy.

"Bakit ka absent?" Nagulat naman daw ako dun. Yung tono kasi ng pananalita niya, parang nagtatampo? Huh? Oh baka guni-guni ko lang yun. Bakit naman magiging ganun ang tono niya? As if naman boyfriend ko siya. Pero sana nga. Hihihihi.

"Huh? Ah kasi nagvacation kami ni bessy. Three days lang naman yun. Sana nga makacatch-up ako ng lessons eh." Oh my gash. I cant believe it. Nakakausap ko si Daniel ko?. Oh my gee. Achievement tech. Hahaha.

Nagulat naman ako nang lumipat siya sa tabi ko. Waaahh. Gosh. Baka mabaho ako. Pasimple kong inamoy yung kili-kili ko. Baka may putok ako. Pero hindi naman, nag-deodorant kaya ako.

"Gusto mo turuan kita?." Waahh. Ang bango ng hininga niya. Ang lapit niya din sakin. Mas nakita ko ng malapitan ang mukha niya. Kyaahh. Ang gwapo niya. Swear.

"H-huh?. Ay hindi na. Kaya ko naman na. Hihiram nalang ako ng notes sa kaklase natin tas igegets ko nalang." Sagot ko naman. Take note. Sinasabi ko yan habang nakatingin sa kabilang side. Bale nakatalikod ako sakanya Namumula kasi ako. Pano ko nalaman? Ang init eh. Tsaka baka mabaho hininga ko. Major turn-off yun.

Nagulat naman ako nang hawakan niya ang baba ko at ihinarap ako sakanya. Kyaaahh. Feeling ko sasabog na ako sa sobrang pula ng mukha ko.

"I insist. You can borrow my notes then I'll teach you. It's kinda hard to learn it. You know?"

Kyaaahhh. Ang lapit ng mukha namin sa isat isa. Tas nakahawak pa siya sa baba ko. Kung may tao sa likod ko o kaya sa likod niya, iisiping naghahalikan kami. Tas nakatingin siya deretso sa mga mata ko habang sinasabi niya yun. Kyaaahh.

Wala na kong nagawa kundi tumango nalang at inalis ang kamay niya sa baba ko. Swear, pulang pula na ko.

"By the way," napatingin ulit ako sakanya nang magsalita siya.

"Ang ganda ng mata mo."

H-hanu daw? Kyaaaaahhhh.

*End of flashback*

Tuwing naaalala ko yun, hindi ko maiwasang mamula. Hihihi. Kasi naman, ang ganda daw ng mata ko. Hindi ko alam kung insulto ba yun o complement? Kasi, wala akong eye lid. Monolid ako. Kung yung pilikmata ko pa, okay lang kasi pa-twirl siya at mahaba. Pero yung mata ko? Na-uh. Pero dahil si Daniel ang nagsabi, I'll take it as a complement. Hihihi.

Nakita naman ata ni bessy na kanina pa ko hagikhik ng hagikhik kaya..

"Anyare sayo? Para kang baboy na kinikiliti."  Ouch ha. Ang ganda ko namang baboy. Pero, dahil good mood ako, hindi ko muna siya aawayin.

"Kasi bessy----" Nagtaka naman ako nang bigla niya akong hinila. Bastos nito, nagsasalita ako eh.

"Teka lang bessy."

"Shhhhhh."

Ay. Haha. Nasa library pa pala kami. Ang sama tuloy ng tingin nung librarian. Psh.

"Now spill." Sabi ni bessy nang makalabas na kami ng library.

"Bat dinala mo pa ko dito? Pwede namang sa loob na." Sabi ko habang nakanguso. Pacute lang.

"Heh. Knowing you, mas marami pang tili ang gagawin mo kaysa sa kwento mo kaya mas mabuti nang lumabas na tayo kaysa palabasin tayo."  Ayy ganun ba ko? Eh sa kinikilig ako eh.

Ngumiti ako ng pagkalapad-lapad. Hihi. Naalala ko na naman kasi.

Kinwento ko naman sa kanya ang nangyari, as in lahat. Wala akong hindi sinabing detalye. Si bessy naman, nakatingin lang sakin. Minsan ngingiti, tas pag titingin ako sakanya, sisimangot. Hah. Selos lang to eh.

Pagkatapos kong magkwento, nakatingin lang siya sakin.

"Hoy, salita ka naman." Sabi ko, hindi nagsasalita eh. Badtrip.

"So yun na yun?" Pagtataray niya naman. Psh.

"Anong yun na yun? Nakakakilig kaya. Hmp. Selos ka lang eh." Sabi ko sabay pout.

"Ako?. Selos?. Hah. Asa ka no. Wala akong gusto sa asungot na yun. Like eww kaya. Kaderder ka."

"WAHAHAHAHA. Wag mo namang ipahalatang defensive ka bessy. Okay lang naman sakin eh. Mas maganda nga yun na pareho tayo ng crush. At isa pa, hindi naman yun yung ibig kong sabihin. What i mean is selos ka sakanya kasi, inaagaw niya ako sayo. Wushu. Wag mo na ideny. Cute naman ako eh. Hahahaha." Andami kong tawa, di ko mabilang.

"Connect nang pagiging cute mo? Echos nito. Tsaka, hoy. Hindi ako selos. Utot mo. Natatawa nga ko eh. Para kang tanga magkwento. Hahaha."

Nawala naman ang ngiti ko at napalitan ng pout. Gaga nito.

"Ang bad mo. Hmp." Sabi ko sabay walk out. Bad siya eh.

"Hoy, yung gamit natin nasa loob pa. Sige iwan mo yung sayo." Narinig kong sabi niya. Ayy oo nga pala. Haha. Bumalik naman ako agad at sinundan si bessy.

Let It Be MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon