nine

85 5 0
                                    

Chandrea's POV

Andito na kami ni Seara sa school. Actually lunch na nga eh. Hindi pa kami kumakain kaya naisipan naming mag-brunch nalang dito sa cafeteria. Hindi din kasi kami nagbreakfast.

Pagkatapos naming magdrama kagabi, natulog na agad kami. Late na nga kaming nagising eh, mga eleven ganun kaya hindi na nakapagluto si Seara. Buti nalang sa hapon yung next class ko. Pero si Seara nagabsent kasi nine sana yung class niya kaya ngayon nagdadrama.

"Ihh kasi naman bessy eh. Magagalit yung prof ko." Sabi niya sabay nguso. Putang nguso yan.

"Eh ano ngayon?. As if namang ngayon ka lang nagabsent. Tsaka ayaw na ayaw mo kaya yung subject na yun. Anyare sayo?." Tanong ko na takang-taka. Oo kaya. Sya nga yung mas B.I samin.

"Syempre naman bessy no. Bagong buhay. Tsaka baka maturn off sakin si Daniel no?. Tsaka bessyyyy. Hindi ko siya nakita ngayon. Yun pa naman yung subject na classmate kami." Sabi niya habang mangiyak-ngiyak. OA talaga nito. Para yun lang, iiyak na siya. Gaga.

"OA mo para yun lang ganyan ka na makareact."

"Ihh syempre. Crush ko kaya siya. And I think gusto ko na siya."

"What?. Seara naman. Kakakilala niyo palang. Walang ganun. Its just a crush okay?. Ni hindi mo pa nga alam kung anong ugali niya. Malay mo playboy pala siya tapos paiinlovein ka niya tas sasaktan ka niya sa huli."

Diba ganun naman yung mga playboy?. Paasa.

"At pano mo naman nasabing playboy siya aber?." Sabi niya habang nakataas ang kilay. May pagkamaldita din to eh. Nahawa siguro sakin.

"Syempre. Mukha palang alam mo na noh?. Halata kaya." Sabi ko na parang obvious na obvious.

Tumingin naman siya sakin na parang hindi makapaniwala. Bakit?. Totoo kaya.

"Seriously bessy?. Ang galing mo ding manghula no?. The best." Sabi niya in sarcastic mode.

"Psh. Totoo naman eh. Playboy siya at pag napatunayan ko yun sayo. Libre mo ko." Sabi ko sabay ngiti ng pagkalapad-lapad.

"Sige ba. At pano naman kung hindi?." Tanong naman niya habang nakataas pa rin ang kilay. Psh, parang mas maldita pa ata sakin to ah.

"Edi ako manlilibre sayo." Sabi ko naman.

Seriously, habang pinag-uusapan namin si Daniel, wala yung kabayong puso ko. Diba ganun pag inlove?. Hayyshh. Hindi nga ko sabi ako inlove. Bwiset naman. Basta mageexplain pa rin ako. Nang mapatunayan ko sa inyong hindi ako inlove. Oh yun nga, diba pag inlove, pag binanggit palang yung pangalan nung kinaiinlavan niyo, may kabayong puso na kayo, eh kanina naman habang pinag-uusapan namin si Daniel, wala akong kabayong puso. So that means. IM NOT INLOVE. Muahahahahaha.

Kulang lang talaga ako siguro ng tulog kagabi kaya kung ano-anong iniisip ko.

**********

Seara's POV

Hindi naman playboy si Daniel diba?. Sabihin niyo. Hindi naman diba?. Pag yun playboy talaga, di ko na siya crush. Ayoko sa playboy. Pano kung magkatotoo yung sinabi ni bessy na sasaktan lang niya ako. As if namang magiging kami. Heh. Basta, pag hindi siya playboy, magiging kami. Pero pag playboy siya, bye bye. Andiyan pa naman si Jeric. ^_^

Nagkekwentuhan lang kami ni bessy and at the same time nagtatalo din kung playboy si Daniel o hindi. Adami nga niyang rason eh. Ako?. Nga nga. Puros "hindi" lang ang sagot ko. Sa wala kong maisip eh.

Sa gitna ng pagkekwentuhan namin ni bessy, bigla namang may sumulpot na gwapo. Sino?. Edi si







Jeric.

Dapat may pasuspense talaga para intense. Chos.

"Ahmm. Sorry ulit sa abala ha. Pero wala ulit mauupuan eh. So pwede ulit makishare?." Napatingin naman ako sa paligid ko. Amdami ngang tao. E dati rati naman, hindi napupuno to. Anmeron ngayon?.

"Maghintay ka nga kasi. Hintay ka lang, dadating din ang para sayo, kung may nauna kaysa sayo, hintay lang ulit,may dadating ding bakante."

o.o Hugot ba yun?.

"Bakit?." Irita niyang tanong. Napansin siguro niyang nakatingin lang kami ni Jeric sa kanya.

"Wow bessy. Lakas makahugot ah. Wahahaha." Tawa ko ng malakas. Akalain mo yun. Alam niyang mag-ganun.

"Psh. Upo ka na nga lang Jeric." Lalo namang nanlaki ang mata ko. Yung ganito. O.O Mas malaki pa pala diyan. Weh?. Pinapaupo niya si Jeric?. Hindi niya tatabuyin?. Improving siya ha?.

"Ano na naman?." Mas lalong irita niyang tanong.

Umupo nalang si Jeric. Baka mas lalo atang magiging amazona ang isang to. At syempre sa tabi ko siya umupo. Ako pa ba?.

"May itatanong ako." Napatingin naman ako kay Bessy nang sabihin niya yun. Sakin o kay Jeric?.

"Kay Jeric." Naks. Mind reader. Pero teka, anong itatanong niya?.

Tumingin naman sakin si bessy at nagsmile bago tumingin ulit kay Jeric. Ah. Parang alam ko na.

"Playboy ba si Daniel?." Asdfghjkl. Seriously?. Deretsahan talaga?. Di ba pwedemg dahan-dahanin?. Si bessy talaga oh. Walang pakuntsaba ang bunganga.

"Si Dylan?. Hindi naman. Bakit?."

:) :D wahahahaha. Akin ang tagumpay. Napatingin ako kay bessy ng may malaking ngiti habang siya parang sinakluban ng langit at lupa. Syempre naman, ililibre niya ko.

Pero teka. May tanong pa ako.

"Bakit Dylan tawag mo kay Daniel?. Diba Daniel pangalan niya?." Tanong ko. Curious eh.

"Ah yan ba. Dylan Nathaniel kasi yung full name niya. Kunin mo yung Dy sa Dylan at yung Niel naman sa Nathaniel. Daniel. Palitan mo lang ng A yung Y. At Daniel ang tawag sakanya ng mga hindi niya kaclose. Pero kapag nakaclose mo na siya, payag na siyang Dylan ang itawag mo sakanya."

Ah. Napatango-tango naman ako. Napatingin ako kay Bessy. Teka. Bat namumutla siya?.

"Huy bessy okay ka lang?." Tanong ko sabay hawak sa noo niya, namumutla talaga siya eh. Anyare dito?.

"A-ah oo. M-may naalala lang." Sabi niya naman sabay smile. A fake one. Kilala ko si bessy. Hindi totoo ang smile niya. Ano naman kayang naalala niya?.

Oh well. Pababayaan ko nalang muna siya. Hahayaan ko siya hanggang sa ready na siyang magkwento. Ganun kasi siya. Ayaw niyang pinipilit kaya pinapabayaan ko nalang, baka mas lalong masira pa ang frienship namin.

Let It Be MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon